Kabanata 3

20 1 0
                                    

“Kailan ka ba kasi babalik dito sa Manila?” nakadapa ako sa kama habang tinitingnan si Sophia na nagpapabreastfeed sa baby girl niya.

“Maybe 1 week before our Licensure Exam. Tatawag na lang ako sa iyo kapag nasa condo na ako.” I smiled at her when she glared at me.

“Marami kang ikukuwento sa akin. I received an invitation here. I just can’t believe you’re getting engaged at sa birthday mo pa talaga.” I sighed heavily. Hindi ko alam anong nangyari basta’t pagbalik ko sa hapag matapos kong kalmahin ang sarili ko ng iniwan ako ni Damien sa garden ay nakapagtakda na sila ng date for the engagement party. Si Damien pa talaga ang nagdesisyong sa birthday ko na ito isabay dahil tapos na rin ang exam namin during that time.

“We’ll talk about that when we meet.” She smiled sadly. Kilalang-kilala na talaga ako nito.

“Sabi nina daddy, bakasyon ka na lang muna sa amin. Miss ka na nila.” I smiled at the mention of her parents. Parang naging pangalawang magulang ko na ang mga magulang niya. Ganoon din siya ka close kina mama at papa, pati kay lola.

“I’ll visit them soon. Napadala ko na rin ang invitation para sa kanila.” Ilang sandali pa kaming nag-usap at natapos lang ng katokin ako ni Isabel dahil pinapatawag ako ni Lola. Sa pagdaan ng mga araw, naging malapit ako kay Isabel kahit ilag na ilag siya sa akin.

Hindi na ako nag-abalang magbihis pa. With just a pair of denim shorts, a spaghetti strapped top, and a slipper, I went downstairs. Napatigil ako sa paglalakad ng makitang nakatingin na lahat sa akin ang mga nasa living room.

There are men, probably Damien’s age, at may kasama silang iilang mga babae at si Daisy. Damien is also there, with someone beside him. I look at them startled for a while. Natauhan lang ako ng tinawag ako ni Lola na kakagaling lang sa kusina at may mga nakasunod na maids at may dalang mga pagkain.

“Aster, come here and be a good hostess to your fiance’s visitors.” Nakangiti nitong saad. Aakyat pa sana ako at magbibihis dahil di ako komportable sa mga titig nila. I am not a conservative type of woman but the way they stared at me makes me so uncomfortable.

“Ate, mga kaibigan ‘yan ni kuya. From Ateneo.” Bulong sa akin ni Daisy ng makalapit na ako sa kaniya.

“Hindi ako nakapaghanda sa pagpunta niyo. It’s almost lunch time, magpapahanda muna ako ng pagkain.” Hindi pa ako nakakalapit sa mga kasama nila. Nasa piano lang kami ni Daisy dahil sa dami nila, naukopa nila lahat ng mga upuan sa living room. Meron pa namang mauupuan ngunit nandoon naman ang mga gamit ng mga babae.

“I think you should have to go to kuya first. Kanina pa dikit ng dikit sa kanya ‘yang haliparot na ‘yan.” Napairap si Daisy sa babaeng kanina pa nga nakadikit sa kuya niya. Hindi man nito pinapansin, ngunit hindi naman natinag ang babae.

“Pabayaan mo na. Bakit nga pala kayo napunta dito? Not that I am not willing to welcome you here pero mga kaibigan niya naman ang mga ito. Why here?”

“They want to meet you.” Nagkibit-balikat pa ito.

Napabaling naman ako sa kanila ng marinig kong nagrequest and isang lalaki na ipakilala na ako. Napabaling na din si Damien sa akin na kanina pa busy sa pakikipag-usap sa mga babaeng nag-uunahang makipag-usap sa kanya.

Nagdadalawang-isip man, napilitan akong lumapit sa kanila.

“Hi.” I greeted them. Iminuwestra naman ni Damien na lumapit ako sa kanya.

“These are my friends from Ateneo.” Hinawakan niya ako sa baywang, gaya ng ginagawa niya everytime may ibang tao na kaharap kami.

“Hi, I’m Jethro Hidalgo.” Pakilala ng isang lalaking halatang may dugong banyaga.

“I’m Brandon Romualdez, and this is Thunder Montero.” Tumango lang ang ipinakilalang si Thunder.

“I’m Dwight and you’re fiance’s cousin. Pwedeng ako na lang din ang maging fiancé mo, I’m way nicer than him.” he winked at me. Nagtawanan naman ang mga kasama nila except for the girls who never did smile at me.

“This is Aster Isabella Montesclaros, the heiress of this place.” Inirapan lang ako ng mga babae.

“Just call me Aster. Feel at home guys, magpapahanda lang ako ng pagkain. It’s almost lunch time na.” sa kabila ng kanilang pagiging formal, maiingay sila. Nagtuksuhan pa ang mga ito.

“Ang swerte naman, asawang-asawa ang dating. Maganda na, maalaga pa.” nagtawanan lang sila hanggang sa mapagpasyahan ko nang umalis ng tuluyan. Sumama naman sa akin si Daisy dahil napilitan lang din naman daw siyang sumama dahil sa pamimilit ng kuya niya.

“Anong plano nila?” tanong ko sa kanya ng makarating kami sa kusina. Inutusan ko na agad ang mga kasambahay.

“They want to take a dip at the falls.” Naupo kami sa stools sa counter ng kitchen. Abala naman ang mga kasambahay sa pagluluto at kami ang naging tagatikim ng mga ito.

Saktong alas dose na nang matapos ang pagluluto. Pinuntahan ko sila na nasa labas na pala.

Nakaupo lang si Damien sa bannister sa bulwagan ng mansion. Nasa lilim naman ng mga puno ang mga babae at busy sa pagkuha ng mga pictures, kasama ang ibang mga lalaki.

“Dame,” napalingon siya sa akin sa pagtawag ko.

“Kakain na. Tawagin mo na ang mga kasama mo.” Tumayo na siya at akala ko ay tutungo na sa kanila ngunit lumapit siya sa akin.

“Pasensya sa biglaang pagpunta dito, mapilit sila.” Seryoso niyang saad, nakatitig lang sa akin.

“It’s okay. I heard you’re all going to the falls, nagpahanda na ako ng mga kailangan niyo. I’ll ask our helpers to bring the foods there. Just tell me what you need, ipapahanda ko na.” tahimik lang siyang nakatitig sa akin, hindi kumikibo.

“Uh, just call them. Giginaw na ang pagkain sa hapag. Si Lola ay nagpapahinga at mamaya na daw kakain.” Tumango lang siya at pinuntahan na ang mga kasama niya.

“Kuya is not showy ate. Pero alam kong thankful siya sa ginagawa mo. Hindi niya lang yata alam kung paano ipahiwatig ito.” nilingon ko si Daisy na nasa likod ko na pala.

“Hindi na bale. Alam naman natin ang totoong sitwasyon, I’m more than thankful that he is not harsh or rude towards me in front of other people.”

“Why are you so gentle? You’re so different from the other girls who are so dominating.” Natawa ako sa kanya.

“I hope I am like them. I wish I am that kind of girl, strong and dominating. Can stand alone, hindi na sana siya madadamay pa at matatali sa akin.” I smiled at her sweetly, I’m thankful that I found a sister in her. Hindi na rin masama ang pagkakakilala namin.

Aster (Blossom Series 1)Where stories live. Discover now