Kabanata 4

23 0 0
                                    

“Paano ba ‘yan? Hindi kami marunong mangabayo.” Pagmamaktol ng isang babaeng kasama nila Damien. Kanina pa kami namomroblema kung paano kami makakapunta sa falls. Ayaw naman nilang maglakad dahil nakakapagod daw. Naiinis na ang mga lalaki kaya’t nanatili sila kasama ko sa kwadra habang nagmamaktol ang mga babae at kinakausap ni Damien. Wala din akong planong sumama sa kanila but the boys are so persistent.

“Ang aarte naman kasi. Bakit pa sumama kung hindi naman pala marurunong mangabayo.” Naiinip na saad ni Thunder. Sa kanilang lahat, siya ang hindi masyadong considerate sa mga kasamang babae.

“Why not let them ride with you boys?” inirapan naman nila ako isa-isa. Akala ko ba mga girlfriend nila ang mga ito? Kanikanina lang, kung magharutan ang mga ito, wagas.

“Okay, I’ll call mang Nestor if makakabalik na ba siya kahit ihatid lang tayo sa falls. Nakarating naman na siguro sina lola kina Dame.” Napalingon silang lahat sa akin.

“What?” takang tanong ko.

“What did you just call him?” maang na tanong ni Thunder. Akala ko ba tahimik ito, bakit naging madaldal na?

“Dame?” nagtinginan sila.

“Anyways, papasok na muna ako.” naglakad na ako papasok ng tawagin naman ako ni Damien.

“Hindi na lang tayo tutuloy…” I look at him and the girls. Nagsiangalan naman ang mga lalaki.

“No, just wait here. Tatawagan ko ang driver para maibalik ang sasakyan dito. Ang mga natirang sasakyan ay hindi maaaring makapasok sa loob ng falls dahil matirik ang daanan doon.” Narinig ko pang nagbulong-bulongan ang mga babae na may sasakyan naman pala.

Hindi naman nagtagal ay nakarating na rin ang driver namin. Nagsitilian na ang limang babae, napairap na lang si Daisy.

“Paano ba ‘yan? Babalikan na lang kayo ni Daisy?” tanong sa akin ni Dwight dahil sila pa lang ang nakasakay sa Ranger namin ay puno na. Hindi naman na masakyan sa likod dahil nandoon ang mga pagkain.

“We can ride horse, susunod kami.” saad ko. Hindi pa rin sumasakay si Damien.

“I’ll be with them.” Saad nito. Nadismaya naman ang mga babae. Hindi daw nila alam ang daan at kahit anong kausap sa kanila ng driver na alam nito, hindi ang mga ito nakikinig.

“Go with them kuya. Kaya naming makarating doon kahit wala ka.” Inis na saad ni Daisy. Dala ko ang duffel bag na laman ang mga damit pamalit ko. Ganoon din si Daisy. I may be mahinhin but I am not maarte.

Hindi na kami naghintay pa ni Daisy na magsalita pa ang kung sino sa mga lalaki at nagtungo na kami sa likod kung nasaan ang kuwadra. Instead of taking the path kung saan dumaan ang sasakyan, napagpasyahan naming sa gubat na dumaan. Mas malapit daanan dito pero hindi kami nagmadali kaya pagdating namin ay nasa falls na sila.

“Sana nangabayo na lang tayo, mas enjoy eh. Saan kayo dumaan?” tanong ni Dwight ng dumating kami at galing kami sa kakahoyan.

“Sa gubat, mas malapit pero hindi agad kami nakarating dahil nagtingin-tingin pa kami.” si Daisy ang sumagot.

“Horseback ride na tayo mamaya. Share na lang kami ni Daisy.” Saad ni Thunder.

“Pashare na lang ako sayo Aster.” Saad naman ni Dwight.

“Paano naman kami?” tanong nina Jethro.

“Pwede naman nating lakarin kung gusto niyong doon dumaan. The girls can have the car.” Sumang-ayon naman ang iba sa sinabi ni Brandon. Bakas naman sa mga mukha ng babae ang disgusto.

Matapos ayusin ang mga gamit ay nagsilanguyan naman ang mga ito sa falls. May isang kubo sa gilid ng pangpang kung saan kami nakapahinga at may isa namang balsa na ginagamit ng mga naliligo para makalapit sa falls ng hindi lumalangoy.

Naupo ako roon at isinubsob ang mga paa. I am now wearing my white stringed bikini.

“Ate.” Kumaway sa akin si Daisy na nasa kabilang parte na at nilangoy lang ata ang papunta doon.

Tinawag naman ako ng iba pa ngunit nanatili lang akong nakaupo doon. I saw Damien looking at me. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay lumangoy na agad siya palapit sa akin. Inirapan naman ako ng mga babaeng kausap niya kanina.
Really? Ano ba’ng kasalanan ko sa kanila?

“Bumalik ka na sa kanila. Huwag mo silang ewan.” Bungad ko sa kanya ng umahon siya at nasa harapan ko na. hinawakan niya ang magkabilang gilid ng inuupoan ko.

“Why not join us then? Lupain niyo ito, you should be the one answering their questions.” Matigas nitong saad.

“They’re not asking me.” nagkibit balikat ako.

“The boys seems so fond of you.” I look at him sharply. Pero iniwas ko rin agad ng makitang nakatitig siya sa akin ng matalim.

“And so?”

“You’re my fiancée and you’re flirting with them.”

“Excuse me. Me? Flirting with them?” maang kong tanong. Never in my life was I accused of being a flirt.

“Why? Hindi ba?”

Nagpahulog ako sa tubig dahil parang nahahalata na nila na nagtatalo kaming dalawa dahil paminsan-minsan na nila kaming tinitingnan.

“Dame, I am not flirting with them. Bakit ko naman gagawin ‘yon?” mahinahon kong saad.

“I don’t know. I don’t know you that much. Maybe it’s just your façade to be the gentle Aster but deep inside you’re…” isang sampal ang iginawad ko sa kanya na nagpatigil sa kaniyang pagsasalita.

“Never in my life did I slap someone Montenegro. Sorry for doing so but you’re hitting below the belt. Know me first before you accuse me. Ikaw na nga mismo ang nagsabi na hindi mo ako kilala.” Nilingon ko ang mga kasamahan namin. Hindi naman nakatingin sa amin ang mga babae ngunit alam kong nakita ng mga lalaki ang nangyari dahil nagsiiwas ito ng mga tingin ng mapalingon ako sa kanila. Si Daisy naman ay pinipigilan ni Dwight na lumapit sa amin.

Umahon ako sa tubig at naglakad palapit sa kubo. Kinuha ko ang mga gamit ko at isinuot ang damit na hinubad ko kanina. Isinuot ko na din agad ang boots na hinubad ko. Napatingin na ang mga kasama namin sa akin dahil sa nakitang pagbibihis ko.

“Aster, where are you going?” tanong ni Dwight.

“I’m sorry, may kailangan lang akong gawin sa bahay. Enjoy kayo, we’ll just re-sched our horseback riding next time.” Kinawayan ko sila at sumakay na agad ako sa kabayong dala ko at sa gubat na ulit dumaan. Damien remained on the water kung saan ko siya iniwan. Nakayuko lang ito, nakatuko ang dalawang kamay sa inupuan kong balsa kanina.

Nagmadali akong makauwi at nagbihis na agad pagdating ko. Hindi naman nabigla ang mga kasambahay ng makitang nagmamadali akong pumasok sa backdoor. Hindi rin yata nila nahalata ang mga luha sa mata ko.

I thought rejection ang pinakamasakit na mararamdaman ko sa kanya. Mas masakit palang akusahan ng mga kasinungalingan. Flirt? Really? Is being friendly considered flirting nowadays?

Aster (Blossom Series 1)Where stories live. Discover now