Napalingon-lingon ako sa paligid ng marinig ang yabag ng mga kabayo at tawanan na parating. Pati ang mga tauhan na busy sa paghahakot ay napatigil.
“Asawa niyo po senyorita, nandito.” Saad ng isang lalaki na nasa early 50s pa yata.
“Ay, kasal na pala si senyorita?” tanong naman ng isa.
“Fiance ko po, hindi pa po asawa.” Natatawa kong saad. Nagpatuloy naman na sila sa paghahakot at tumulong na rin ako sa pagbibilang ng mga pinya at paglalagay nito sa mga basket hanggang sa makalapit na talaga sa amin ang grupo nila Damien. Nagulat ako ng wala ang mga babae.
“Aster.” Kaway sa akin nina Dwight ng hindi pa sila nakakababa.
“Where are the girls?”
“Nasa mansion niyo lang. Inanyayahan sila ng lola mo, may gagawin daw sila.” Saad naman ni Brandon. Naghagikhikan naman ang mga dalagang kasama namin na siyang nagbibilang ng mga pinya. Natatawang sinaway ito ng mga matatandang naroon.
Mas lalong napahagikhik ang mga ito at may napatili pa nang may maramdaman akong humawak sa baywang ko.
“Ang sweet niyo naman senyorita.” Napabaling ako sa nagsabi nito. Ano namang ka sweet sweet sa paghawak ni Dame sa akin?
“Senyorita, ipakilala niyo naman po kami sa mga kasama ni Senyorito.” Hagikhik ng isa sa kanila na sinuway naman agad ng mga matatanda.
“No problem.” Ipinakilala ko sila sa isa’t isa. Kilala naman na ng iba si Dame dahil sikat din sila dito sa Batangas ngunit pinakilala ko pa rin for formality.
“And this is Damien Montenegro.” Saad ko.
“Fiance niyo po?” naghigikhikan sila ulit.
Napailing na lang ako at lumayo na ng konti kay Dame. Napakunot naman ang noo nito habang tinitingnan akong sumali na ulit sa pagbibilang ng mga prutas.
“Aster, sali kami.” saad ni Brandon na kumuha pa talaga ng walang laman na basket.
“Sure. 50 piraso kada basket lang ha.” Parang mga bata naman ang mga itong kumuha ng kanya-kanyang basket at tumulong na. Napalingon ako kay Dame ng bigla nitong hinubad ang polo niya at ipinatong sa ulo ko.
“Let me do that, stand there. It’s too hot. Namumula ka na.” casual nitong saad.
“No, I’m okay…”
“Just stay behind me.” matigas nitong saad.
“Nako senyorito, kahit sobrang hinhin niyang si senyorita Aster, matulungin po ‘yan dito sa bukid. Hindi po maarte. Sinusuway nga po namin pero hindi nakikinig. Itali mo na ‘yan senyorito at gumawa na kayo ng supling para hindi na magtrabaho pa dito at magbilad sa init.” Saad ng isang matanda. Nagtawanan naman ang mga kasama namin. Ang mga babae ay nagsitilian pa ng tingnan ako ni Damien.
“Mabuti pa nga ho siguro.” Pabirong saad nito na mas ikinatili ng mga kababaehan. Pati sina Dwight ay napanganga.
“When did he became playful?” narinig ko pang bulong ni Thunder.
Nagkibit balikat lang naman sina Brandon at Jethro habang si Dwight ay nakangisi.“Nako, masaya sigurong makitang may mga munting senyorita at senyorito na po kaming makikita dito sa hacienda. Sana po ay hindi lang iisa. At baka po maging sobrang hinhin tulad ni senyorita Aster, hindi po namin masyadong makalaro.” Saad naman ng isang babaeng kararating lang at medyo matanda kaysa sa aking ng ilang taon.
“Tiyak ang isang Montenegro ay hindi makokontento sa isang supling lamang.” Pabirong saad ng mga kalalakihan.
“Hindi nga po talaga.” Napalingon ulit ako kay Dame dahil sa sinabi niya.
“Fuck. What happened to him?” saad naman ulit ni Thunder.
“Manahimik na nga lang kayo.” Natatawang saad naman ni Dwight.
Nagpatuloy lang sila sa pakikipagbiruan kay Dame hanggang sa maabot na sa mga usapang mag-asawa ang kanilang pinag-usapan. Binigyan pa kami ng mga advice ng mga may asawa na. Hindi naman nakaligtas sa akin ang manghang ekspresyon ng mga kabarkada ni Dame. Ngayon lang ba talaga nila nakitang ganito ang kanilang kaibigan?
Nang magtanghalian na ay doon na rin kami kumain. Pawis na pawis na ako dahil sa init ng araw. Enjoy na enjoy naman sina Thunder, Brandon at Jethro sa pakikipagharutan sa mga kabataang naghatid ng mga pagkain sa amin. Naghabulan pa sila palapit sa punong kahoy at pati ako ay dinamay.
“Tama na ‘yan. Pinagpapawisan na ang senyorita.” Saway ng isang matandang babae na kasama ng mga bata.
“Ayos lang po.” Nagsitakbuhan naman ang mga kabataan sa tatlong lalaki na game na game na nakipaghabulan sa kanila. Dwight is just there, watching them. Paminsan-minsan silang sumasali ni Damien ngunit mas game talaga ang tatlo.
“You should change your clothes.” Napabaling ang tingin ko kay Damien ng magsalita ito sabay abot sa polo niya na ibinalik ko.
“Wala pa dito ang sasakyan. Kinuha pa ni mang Nestor ang mga pagkain sa mansion. Nandoon ang damit ko.”
“Use this. I’ll cover you behind the tree.” Saad niya. Napatingin ako sa inilapag niyang polo sa kandungan ko. Tiyak na malaki ito sa akin ngunit pwede ko nga rin namang ituck in sa maong pants kong suot. Pero kung gagamitin ko ito, wala na siyang magagamit pa mamaya. Basa na rin ng pawis ang sando na suot niya.
“Huwag na. Gagamitin mo pa ‘yan mamaya.” Nabigla ako ng hinigit niya ako patayo.
“Magbibihis lang po si Aster sa likod ng puno.” Paalam niya sa mga kasama namin. Binalaan naman agad ng mga ito ang iba na huwag munang tumungo o tumingin man lang doon. Pati sina Thunder ay sinabihan nila para hindi muna tumakbo sa banda kung saan ako magbibihis. Malaki ang punong pinagpapahingahan namin na ilang hakbang pa muna bago ako makapunta sa likod nito.
Nagmadali akong magbihis at inayos na agad ang pagkakatuck-in ng polo niyang pwede ko nang maging dress dahil sa laki. Kinuha niya naman ang suot kong blouse kanina at siyang ipinunas sa mukha, leeg at dibdib niyang pawis na pawis na.
“Dame!” too late. Napunas niya na.
“Ilagay mo sa likod ko.”
“Dame, basa na ito at madumi na.”
“It’s okay. It’s not yet damped with sweat.”
Kesa sa makipagtalo pa, sinunod ko na lang siya dahil pinagtitinginan na kami.
“Ang sweet niyo namang dalawa. Kabataan nga talaga.” Natatawang saad ng matandang babae.
“Panatilihin niyo iyan. Pagmamahalan lang ang maibibigay niyo sa isa’t isa ng walang hangganan. Ang pera nauubos, ang kayaman nauubos, ang oras nauubos. Ang pagmamahal, lalo na’t bukal at totoo, ay hinding hindi mauubos.”
Napaiwas naman ako ng tingin sa sinabi nito.
Pagmamahalan. Wala naman ‘yon sa amin. Pera o kayamanan at oras lang ang meron kami. Pagmamahalan, walang wala.