Kabanata 5

25 0 0
                                    

“Why don’t you invite them to stay here for a while iha? You have nothing to do, might as well enjoy the remaining time of your stay here. Aalis ka na sa makalawa.” I glanced at lola when she said that. Nakita ko ring sumulyap sa akin ang mga kasama namin sa hapag.

“They already had their plans lola.”

“Hindi niyo ba pwedeng baguhin ang plano Damien? I mean, ang venue lang naman ng stay ninyo ang babaguhin. Aster can go with you naman. I just want to offer something for your friends. Kaibigan na rin naman sila ni Aster. But, kung okay lang naman ito sa inyo.”

“Pwede naman po…” binalingan ko siya. Pwede? As if naman gusto niya talaga.

“La, I have to go to Manila earlier. Sophia’s parents invited me to stay there for a while.” Nakita ko agad ang pag-alma ni lola.

“Aster! You can’t just leave your fiancé and his friends…”

“This is already scheduled before they came here la.” Maikli kong saad. I can’t wait for this dinner to end. Pagod na pagod na akong makipag-usap sa kanila.

“Scheduled? You didn’t even inform me that you will leave earlier than your exam.” Bakas na sa boses niya ang galit. Paano ko naman sasabihin sa kanya eh kanina ko pa naman talaga  pinagpaalam sa parents ni Sophia na magbabakasyon ako sa kanila. It’s an immediate plan, I don’t want to stay here any longer, and especially that Damien and his friends are still here.

“Next day pa naman po.”

“You two, talk.” Itinuro niya kaming dalawa ni Dame.

“We will, la. After this dinner.” Siya ang sumagot kay lola. Bakit pa?

“I will prepare something for your friends in the living room. Pwedeng dito na rin kayo matulog ngayon.” Sumang-ayon naman ang mga kaibigan niya.

Matapos nga ang dinner ay nagsipuntahan na ang mga kaibigan niya sa living room. Si Daisy naman ay umuwi sa kanila dahil kinuha ito ng driver nila dahil may mga bisita pala itong darating.

He goes out of the mansion after his friends settled in the living room. Sumunod ako dahil nakita kong nakatingin sa akin si lola mula sa ikalawang palapag ng bahay.

“You’re leaving earlier? Last week of July pa ang exam niyo. First week pa lang ngayon.” Bungad niya sa akin ng maramdaman niyang nakalapit na ako.

“They invited me.”

“And you didn’t even informed me?” liningon niya ako ng bahagya. Nanatili naman akong nasa likod niya lang.

“Why Dame? Do you even care?”

“Of course…”

“No, you don’t. You’re just forced to ask me because lola said so.” Mahinahon kong pagputol sa sasabihin niya.

“I’m sorry.” Napaangat ako ng tingin sa kanya.

“I’m sorry for what I have said a while ago.” Tears pooled in my eyes again. Why am I so weak? Damn it.

“It’s okay.” Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

“Aster.”

“It’s okay Dame. Hindi mo nga ako kilala but everyone got a first impression for someone as always. At iyon ang impression mo sa akin.” I wiped the tears that fell on my cheeks immediately. Mahina na kung mahina, pero hindi ko talaga kayang pigilan ang mga luha ko.

I saw how he shifted his weight when he saw my tears. I smiled at him.

“We should go inside. Dito na rin kayo matulog. Ipahahanda ko lang ang mga kwarto.”

Inayos ko ang sarili ko bago pumasok. Sumunod naman siya sa likod ko at ramdam ko ang mabigat na atmosphere sa aming dalawa pero nakaya ko pa rin namang pakitunguhan ang mga kasama niya. The girls, kahit hindi mga welcoming, nagpasalamat naman sa pagpapasleep over ko daw sa kanila. They even invited me to chill with them at gusto nilang mag-inuman sa labas. Ipinahanda ko naman ang mga kailangan at sinabihang susunod na lang ako kapag naayos ko na ang mga kwarto nila.

“Senyorita, apat na guest rooms lang po ang pwedeng magamit sa ngayon. Ang tatlo po ay hindi pa naayos dahil bagong pintura pa lang po ang mga kisami at dingding. Wala pa rin pong mga kama dahil nilinisan po kanina sa likod-bahay.” I looked at the rooms and decided na pwede naman siguro silang magshare na lang.

“Okay na ‘yan. Ihanda niya na lang ang mga kumot at extra bedsheets para kung hindi sila magkasya sa kama, may mahihiga na lang sa sofa bed. Ayusin niyo na rin ang mga iyon.”

Iniwan ko naman na ang mga kasambahay sa mga kwarto at bumaba na. Dumaan pa ako sa kusina para tingnan kong nakapaghanda na ba ng mga pagkain ang mga kasambahay.

“Aster, upo ka na dito.” Tawag sa akin ni Dwight. Tanging sa tabi niya lang ang may bakanteng upuan dahil may nakaupo nang babae sa tabi ni Dame.

“Uhm, okay lang ba sa inyo na magshare kayo ng kwarto? Apat lang kasi ang pwedeng matulugan sa ngayon. Dalawa para sa mga babae at dalawa din sa lalaki. Pwedeng matulog sa kwarto ko ang isa sa mga babae para wala ng matutulog sa sofa bed.”

“How about the boys? Lima din sila.” Saad ng katabi ni Dame.

“I will sleep in your room. Pwede namang may matulog sa sofa bed.” malamig na saad ni Dame. The guys chuckled because of that.

“Kami na ang bahalang mag-usap mamaya Aster kung sino ang magsasama-sama sa iisang kwarto.” Saad naman ni Dwight. Tumayo ito at nakita kong tumayo rin si Dame. Nagpalit sila ng pwesto.

“Chill with us. Hindi pa nga kayo kasal masyado mo nang iniispoil mga bisita ng fiancé mo.” Natatawang saad ni Brandon.

Nagsimula na silang mag-inuman at mangha pa akong napatingin ng makitang nakikipagsabayan talaga ang mga babae sa pag-inom. Tanging ako lang ang hindi umiinom ng hard liquors. Dahil alam naman iyon ni Lola ay nagpahanda rin siya ng wine para sa mga hindi iinom tulad ko.

“Hindi ka umiinom?” tanong sa akin ng babaeng dikit ng dikit kay Dame kanina. Umiling ako sa kanya.

“Paano na ‘yan? Damien always goes out with us to have a drink especially in Manila. Hindi ka sasama kung ganoon?” I can feel mockery the way she talk.

“Stop it Elise. Kanina ka pa sabat ng sabat. Matuto ka ngang lumugar.” Saad naman ng isang babae na nagmamaldita man, hindi naman tulad ng Elise na ito.

“Don’t worry, hindi ko naman siya pagbabawalan na sumama sa inyo.” Naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Dame, maybe stopping me from talking back to his girl. I glanced at him and I saw his browse creased.

“Learn to shut your mouth Elise.” Malamig na saad ni Thunder. Para namang isang batang pinagtulongan si Elise at suminghap lang. Nakita ko naman kung paano siya tingnan ni Dame. Seryosong seryoso ito.

“Excuse me. I won’t be up too late, I still have to arrange things. Mauuna na ako. Enjoy, ibibilin ko sa mga kasambahay ang mga kakailanganin niyo. Just call them.” Tumayo na ako ngunit hindi naman ako binitawan ni Dame. His hand goes down to my waist dahil nakatayo na ako. I look at him and then he sighed heavily and let me go.

Nang makapasok na ako sa kwarto ay doon pa lang ako nakahinga ng maluwag. Parang may isang mabigat na bagay ang nawala sa dibdib ko.

Ang hirap naman pala kasing ipagsiksikan ang sarili mo sa ibang tao. Not everyone will be pleased with our presence. That’s what I realized with his friends. And that is the reason why I only have one best friend. Hindi lahat nakakahandle ng personality ko. Hindi lahat magugustuhan at maiintindihan ang ugali ko. Hindi lahat icoconsider ang kahinaan ko.

Aster (Blossom Series 1)Where stories live. Discover now