CHAPTER 1

7.4K 115 1
                                    

[A/N: Hi Winters! I'm back again>_< inform ko lang kayo na medyo mabagal ang pag U-UD ko dito dahil medyo busy na and hanggang 4chapter pa lang ang nagagawa ko pero hanggat kaya kong makapag UD gagawin ko so ayun lang enjoy^o^]

Clyde's POV;

"Nakita mo yung IG post nya?" tanong ni daril sa kabilang linya

"Hindi.. Anong meron?" tanong ko at narinig ko ang pag ngisi nya

"She's in Paris.. Hindi mo ba pupuntahan?" sarkastikong tanong nya kaya napabuntong hininga ako

"Para saan?" sarkastikong tanong ko "Uuwi ng kusa yun dito sa Pilipinas kung may balak talaga syang ayusin.. Nag iintay lang naman ako" dagdag ko pa at narinig ko ang malakas na tawa nya

"Sating tatlo nila eun woo.. Ikaw ang matibay sa pag hihintay na halata namang hindi babalik" sambit nya kaya napangisi ako

"Tumawag kaba para mambwisit? Tsk!"

"Syempre HAHAHA! Baka nakakalimutan mong anniversary nila eun woo at veronica.." sarkastikong sambit nya at doon ko lang naalala

"Saan daw ba mag se-celebrate yung dalawang yun?" tanong ko pa at may narinig ako sa labas na tunog ng bagong dating na sasakyan

"Saan pa.. Edi sa BSB! Hindi pwede mag solo yung dalawang yun kaya pupunta tayong dalawa.. Pero over night mamaya dahil mag papakalasing tayo" natatawa pang sambit nya

"P--pero--"

"Walang pero pero! Wag ka ngang KJ clyde.. Wala ka namang trabaho bukas"napailing na lang ako sa kakulitan ni daril

"Basta walang babae ah! Loko loko ka pa naman" singhal ko at natawa sya

"Syempre! Takot ko lang sa kakambal mo" sambit pa nya kaya natawa ako

"Sige na.. Bababa ko na'to tawagan nyo na lang ako kapag pupunta na kayo" sambit ko at ilang saglit lang ay pinatay ko na din ang tawag

Narinig ko na ang ingay sa baba kaya napangiti ako nang marinig ko ang boses ng inaanak ko. Mabilis akong bumaba at nadatnan ko sila damon at chloe kasama si clara na kakadating lang

"Ninong!" masayang sigaw ni clara at papunta na sa gawi ko

"Big girl na ang baby namin ah!" masayang sambit ko at agad syang binuhat

"Look ninong! I got five stars" masayang sambit ni clara at pinakita ang kamay nyang may tatak na star kaya natatawa akong sumulyap kila chloe na nakangiting pinag mamasdan si clara

"Wow! Very good.." sambit ko at bumungisngis sya

"Buti nauwi kayo dito anak.. " sambit ni mommy na nag hahain na

"Kasi mom itong si damon may business trip kasama si daddy dave, ako naman may medical mission sa Cebu.. Kaya pwede ko muna bang ibilin sainyo si clara?"tanong ni chloe

"Isang linggo po kami hindi makakauwi e.. May pasok papo sa school si clara, si mommy po pupunta dito para bisitahin si clara. Si diane naman po kasama din sa medical mission" dagdag pa ni damon

"Ano ba kayong dalawa.. Pwedeng pwede dito ang apo namin. Mas gusto nga namin yun e, kami na lang ang mag hahatid sundo sakanya" sambit ni daddy kaya napangiti sila

"Sa'kin tatabi si clara sa pag tulog ah!" singit ko pero nginusuan ako ni mommy

"Sa'kin na lang anak.. Gusto kong katabi ang apo kong napaka cute"sambit ni mommy at binuhat si clara sa pag kakabuhat ko

Accidentally In Love With Mr. Scott [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon