CHAPTER 4

2K 77 2
                                    

Zara's POV;

"Ano?! One night stand?!" malakas na sigaw ni april kaya napapikit ako "Jusme naman zara! Nakakaloka ka alam mo yun?!" dagdag pa nya kaya nakagat ko ang pang ibaba kong labi

'Buti na lang talaga wala si zeph dito..'

"Hindi sana ako magugulat ng ganito kung kay miggy e.. Pero kaloka dun pa sa hindi mo talaga kilala?" sigaw pa nya kaya napabuga ako ng hangin at tumingin sakanya

"Yun na nga yung gumugulo sa isip ko e.." malungkot na sambit ko at napahawak sya sa sentido nya

"Paano nangyari yun? H--hindi ka man lang umayaw?" naguguluhang tanong nya

"Hindi ko alam yung ginagawa ko nun.. Lasing na lasing ako, tyaka hindi ko rin maalala yung nangyari sa kwartong yun basta nagising na lang ako ng wala na akong saplot tapos masakit to.. " sambit ko at tumingin sa baba ko tyaka binalik ang tingin sakanya na ani mong mababaliw na sa kakaisip

"Eh! Bakit kaba kasi nag punta sa bar na yon at sa dami dami ng kwarto sa BSB talagang sa may tao kapa pumasok" sermon nya kaya napanguso ako

"Sabi kasi nila.. Alak ang sagot sa taong may pinag dadaanan kaya ayun! Pumunta ako sa bsb tapos ang naalala ko lang nag check in ako dahil hindi ko na kayang umuwi.. Hindi ko naman alam na may tao na pala don e" pag papaliwanag ko at napapikit pa ako ng mariin nang singhalan nya ako at uminom sya ng tubig

"Paano si miggy? Alam naba nya yan?!" tanong nya kaya umiling ako

"Baka magalit yun--"

"Gaga! Sinong di magagalit? Jowa mo nakipag chukchakan sa hindi nya kilala.. Okay ka lang zara?" sarkastikong sambit nito kaya naalala ko bigla si miggy

"Ikakasal na si miggy.. " usal ko at doon na sya natigilan, nag simulang mamuo ang luha ko nang tumingin ako sakanya "Nung huling punta ko sakanila nandun ang pamilya nya at ang fiance nya" dagdag ko pa

"Anong sabi sayo ni miggy? Eh yung nanay at ate nya?" tanong nya kaya naibaba ko ang tingin ko

"Ipinakilala pa nila sa'kin yung fiance ni miggy.. Alam mo april.. Muka akong katulong nung nandun ako sakanila" sambit ko at napahikbi na nang mabilis na tumulo ang luha ko

Naramdaman ko ang pag hawak ni april sa kamay ko kaya napapahikbi akong sumulyap sakanya na nag aalala na ang muka

"Huling usap namin ni miggy ang sabi nya.. Gagawa daw sya ng paraan para hindi matuloy ang kasal pero bakit pakiramdam ko tuloy na tuloy na" hikbing sambit ko at mas humigpit ang pag kakahawak ni april sa kamay ko

"Zara.. Kung talagang mahal ka ni miggy ipag lalaban ka nya kahit pa pilitin syang mag pakasal.. " sambit nya kaya tumango ako at nag punas ng luha

"Hindi pa rin sya tumatawag o kahit message man lang.. Kaya hindi ko maiwasang mag over think" sambit ko

"Hayy nako zara.. Tama na nga yan, nagiging iyakin kana hindi ka naman ganyan dati.. Basta laban lang, nandito lang ako" sambit nya kaya napangiti na ako

'Malas man ako sa lahat ng bagay.. Swerte naman ako sa kaibigan..'

Ilang minuto pa kaming nag usap ni april hanggang sa maalala ko ang usapan namin ni Sir Clyde. Ngayon ko pag dedesisyunan kung mag ta-trabaho ba ako sakanya o hindi. Nag dadalawang isip ko dahil unang una sa lahat ay fresh pa ang nangyari sa'min at napaka awkward kung magkikita kami araw araw lalo pa't may nangyaring hindi maganda sa'min, natatakot rin ako na baka malaman ni miggy ang about dun pero may tumutulak sa'kin na patulan na ang trabahong yun para sa pag papagamot ni zeph.. Kung tutuusin ay isang buwan na sahod ko ay pag papachemo na ni zeph yun..

Accidentally In Love With Mr. Scott [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon