CHAPTER 10

1.7K 67 0
                                    

Clyde's POV;

Nang masiguro kong ayos na ang pag kakasoot ng necktie ko ay agad akong bumaba pero nang makarating ako sa sala ay agad na kumunot ang noo ko nang makita ang dalawang maleta

"Clyde anak, kumain kana dito nang makapasok kana" rinig kong boses ni mommy sa kusina kaya kahit nag tataka ako ay dumeretsyo na ako sa dining area

"Dad kaninong maleta yun?" tanong ko nang makaupo

"Sa'min ng mommy mo" sambit ni daddy kaya natigil ako sa pagkain

"What?! Saan kayo pupunta?" tanong ko at nakita si mommy na malaki ang ngiting lumapit at umupo sa tabi ni daddy

"Uuwi muna kami sa calif. Pupuntahan muna namin ang lolo liam at lola kacey nyo.. " sambit ni mommy at pasimpleng sumulyap kay daddy "At.. Mag babakasyon muna kami ng daddy nyo ng 2weeks" dagdag pa nya kaya napangisi si daddy

Napapangiti akong kumakain dahil kahit na malapit na silang mag 55years old ay hindi nababawasan ang pag mamahal nila para isa't isa kahit konti..

"Next next week na rin pala ang birthday nyo ni chloe.. Anong balak nyo?" tanong ni daddy at nag kibit balikat ako

"Mukang parehas kaming busy sa trabaho nun e.. " sambit ko at napasimangot naman si mommy

"Malalaki na nga talaga kayo.. Hindi na kayo katulad dati na excited tuwing birthday nyo.. " napapa buntong hiningang sambit ni mommy

"Wala ka pa bang balak mag asawa clyde? O Kahit girlfriend man lang?" tanong ni daddy at buti na lang ay natapos na akong kumain "Hindi na kami pabata anak.. Kay chloe ay kampante na kami dahil nakabuo na sya ng sarili nyang pamilya.. Ikaw na lang ang inaalala namin" dagdag pa nya kaya napabuntong hininga ako

"Ayokong mag madali dad.. Alam nyo naman ang nangyari sa'kin" seryosong sambit ko at kita ko ang lungkot sa mga mata nila

"Inaantay mo pa rin ba sya?" tanong ni mom at napangisi ako

"Maybe.. I don't know mom" sambit ko at dahil naramdaman ko na ang awkward na pakiramdam ay tumayo na ako "I need to go.. Gusto nyo ba ako na mag hatid sainyo sa airport?" pag aalok ko pa pero umiling sila

"Papahatid na lang kami sa mga tauhan natin.." sabi ni dad kaya tumango ako

"Mag message na lang po kayo sa'min ni chloe kapag nandun na kayo para hindi kami mag alala.." sambit ko at kinuha ang bag ko tyaka nag paalam sakanila

Pag kasakay ko sa kotse ay mabilis kong pinaandar yun papunta sa company, hindi ko maiwasang maisip si sabrina lalo pa't sya na ang laman ng usap usapan ngayon dahil nabalita na rin sya dito sa Pilipinas.. Agad na humikpit ang hawak ko sa manibela sa hindi ko malamang rason. Mabilis akong nakarating sa parking lot at agad na pumasok sa loob.. Katulad ng dati binabati ako ng mga empleyado na nakakasalubong ko. Dumeretsyo ako sa office at medyo nagulat pa ako nang makitang nag sisimula ng mag trabaho si zara sa table nya at nang makita nya ako ay agad syang tumayo

"Goodmorning sir, anong gusto nyong breakfast?" tanong nya kahit na hindi nakatingin sa'kin

"No thanks.." sambit ko at agad na hinubad ang coat tyaka ako dumeretsyo sa table ko

Maya maya lang ay bumukas ang pinto at pumasok si wayne dala dala ang isang box kaya nag taka ako

"Sir paki pirmahan daw po.. " inabot ni wayne ang isang box at ang papel na kailangan kong pirmahan

"Ano 'to?" tanong ko pero nag kibit balikat sya

Pinirmahan ko na ang kailangan pirmahan at agad syang lumabas. Napatingin pa ako kay zara na mukang busy sa ginagawa kaya binaling ko na ang atensyon sa box na nasa harap ko. Mabilis kong binuksan yun at agad na nag salubong ang kilay ko nang makitang maraming red petals na nakapalibot sa isang hindi ganun kalaking picture frame. At dahil nakatalikod yun ay kinuha ko at dahan dahan iniharap..

Accidentally In Love With Mr. Scott [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon