CHAPTER 46: The Truth Part 2

1.6K 69 7
                                    

Zara's POV;

Sinara ko ang pinto at agad na napasandal. Malakas ang kabog ng dibdib ko pero mas doble non ang pag bagsak ng luha ko

Wala ako sa sariling napaupo at niyakap ang mga tuhod dahil ngayon ay alam kong sarili ko lang ang makakaintindi sa nararamdaman ko

Alam kong wala namang masama sa pag amin ng totoo.. Pero sadyang napaka bigat nito sa loob ko

'Hindi ko na alam ang iisipin ko..'

Kung panaginip man 'to ay ngayon pa lang hinihiling ko na gisingin na ako sa matinding bangungot na'to..

Sa tagal ng panahon na buhay ako ngayon ko lang naranasan ang ganitong pakiramdam..

Yung pakiramdam na buhay at humihinga kapa.. Pero yung puso mo ay unti unti nang nanghihina

*TOOOKKK!!*TOOOKKK!!

"Anak.. Pwede mo bang buksan ang pinto?" Rinig kong tanong ni papa kaya wala ako sa sariling nag punas ng luha at agad na tumayo

Humarap pa muna ako sa salamin dito sa kwarto at inayos ang sarili tyaka dumeretsyo sa pinto

Huminga pa ako ng malalim at agad na pinag buksan si papa, pero dalawa pala si mama kasama si baby z

'Ang anak ko.. Ang anak namin..'

"Pasok po kayo.." aya ko tyaka mas binuksan ang pinto kaya pumasok na sila

Alam kong kinukutuban na rin sila dahil pag dating ko dito ay napaka tamlay ko at ramdam ko rin na namamaga ang mata ko kakaiyak

Hating gabi na kaya tulog na sila april pero alam kong sadyang nag aalala sila mama at papa kaya hindi sila agad na tulog

"Iyak ng iyak si baby z kanina.. Mukang hinahanap hanap ka" mahinang sambit ni papa na inaayos pa ang higa ni baby z sa higaan ko

"Pasensya na po sa pag hihintay.." paumanhin ko

Tumayo si papa at inakma nya ang braso na nag papayakap.. Kita ko sa mga mata nila ang nag hahalong lungkot at pag aalala

Pero masyadong magulo kung ipapaliwanag ko sakanila.. Dahil kahit ako mismo ay hindi ko maintindihan ang nangyayari ngayon

"May nangyari ba kanina? Sobrang tamlay mo.." malumanay na sambit ni papa kaya ilang beses akong napabuga ng hangin "Alam mong nandito lang kami ng mama mo ayvah mo kahit anong mangyari" dagdag pa nya

Sandali akong napangiti pero sadyang hindi na kayang itago non ang bigat sa loob ko kaya malaking hakbang ang ginawa ko hanggang sa makulong ako sa bisig ni papa

Kailangang kailangan ko'to ngayon.. Gulong gulo na ang isip ko at hindi ko na alam kung sino paba ang paniniwalaan ko sa mga oras na'to

"May mga bagay na pwede mong kimkimin.. Pero may mga bagay din na kailangan mong ilabas dahil mas bibigat lang yan" muling sambit ni papa kaya mas hinigpitan ko ang yakap sakanya

Hindi ako umiiyak kasi nasasaktan ako..

Hindi umiiyak dahil nasasaktan? Magulo diba?

Sa sobrang bigat kasi ng nararamdaman ko kahit luha ko umatras na..

Umuurong na..

"Papa.." usal ko at humiwalay sa pag kakayakap, tinignan ko sya sa mga mata at pabagsak ang balikat na napayuko "Alam na ni clyde na anak namin si zyden.."

Accidentally In Love With Mr. Scott [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon