April's POV;
Sabi nila kapag nag mahal ka dapat handa ka masaktan..
Kailangan pa lang maging handa? Sorry hindi ko alam..
Apat na araw na ang nakakalipas nang matapos ang gabing yun.. Yung huling gabi na kasama ko sya at natitigan ko pa ang mga mata nya..
Simula nun hindi na kami nag kita pa. Kahit anong balita ay wala na.. Kahit nga ata picture wala ako, tanging key chain ang naiwan sa'kin..
Gusto kong mag reklamo sakanya.. Mag reklamo na bakit nya ako sinasaktan ng ganito..
Mag reklamo na dapat hindi na lang namin inumpisahan ang relasyong yun..
Kaso naalala ko ginusto ko rin pala.. Kasi kung hindi ko ginusto yun edi sana hindi ako nag kakaganito ngayon
Kung tutuusin dapat sya ang nilalayuan ko kesa josh.. Kasi yung kay josh masisikmura ko pa dahil halik lang yun at hindi na lumagpas pa..
Pero yung sakanya? Gusto kong matawa..
Gusto kong matawa dahil narealize ko.. Ang manhid ko pala?
Binabaliwala ko yung pag labas pasok ng mga babae nya sa kwarto nya kung saan nya ako dinadala..
Binabalewala ko yung mga naiiwang marka sa loob ng kwartong yun..
"April... "
Yung mga araw na dapat dinadamdam ko yun? Ngayon ko nararamdaman lahat..
"April... "
Napaka laking sugat ang iniwan nya na para bang hindi na muling gagaling pa
"April... "
Mahirap mag mahal ng taong may mahal na iba.. Pero mas masakit pala mag mahal sa isang taong kailangan mong itago ang nararamdaman mo para sakanya..
"Huy! April!" bigla akong nagulat nang sumigaw sa tenga ko si lia
"Aray ko naman!" singhal ko at tinaasan ako ng kilay
"Kanina pa ako tawag ng tawag sayo nakatulala ka lang dyan.." pag rereklamo nya kaya inis akong umiwas ng tingin "Ilang araw ka nang ganyan ayaw mo naman sabihin kung anong dahilan" dagdag pa nya
"Masama lang talaga pakiramdam ko.. Yun lang yun" pag dadahilan ko
"Nako.. Broken ka no?" agad na tanong nya kaya ang sarap nyang hampasin ng gitara sa panga
"Broken ka dyan? Judgmental 'to" pag tataray ko at pinatong ang baba ko sa dalawang kamay ko
Kanina pa kami nandito pero madalang ang customer kaya wala na naman kaming nagagawa kundi tumanga
"Dalawa lang naman dahilan kapag ganyan ang realsyon.. Kung hindi pera syempre lovelife" sambit nya kaya napabuntong hininga ako
"Hayy ewan ko ba lia.. Pinaparusahan yata ako" sambit ko
"Bakit may babae na naman ba?" tanong nya kaya napanguso ako
"Madami.. Hindi ko nga mabilang sa kamay ko e" walang ganang sambit ko at parang nilulukot na naman ang puso ko
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love With Mr. Scott [COMPLETE]
Romance[RedDragon Series #5] 'ROOM302' "THAT WAS AN ACCIDENT.. YOU'RE JUST A ONE NIGHT STAND"