Eun Woo's POV;
"Ito? Magugustuhan kaya nya?" Tanong ni daril nang iangat ang bote na may chupon kaya napahampas ako sa noo
"Gago kaba?" Sarkastikong sambit ko "Ilang taon naba si clara, matanong kita?"
"6years old.." sambit nya kaya napailing ako
'Clueless amp..'
"Satingin mo nagchu-chupon pa si clara? Nakita mong gumagamit na ng wine glass yun tapos bibilan mo ng ganyang bote, baka batukan kapa ni damon e" sambit ko at inis nyang binalik yun
"Eh anong ireregalo ko?" Tanong pa nya at inilibot ko ang paningin ko
Mahilig sa stuff toys si clara at paborito nya yung stuff toy na matagal nang ibinigay ni chloe kay damon..
Sa pag kakaalam ko gogeta yata ang pangalan nung stuff toy na yun
Kumuha ako ng malaking teddy bear tyaka ko hinagis sakanya na kinagulat naman nya
"Gago ka rin pala e.. Mas malaki pa 'tong teddy bear kesa kay clara!" Singhal nya
"Kesa naman sa bote na may chupon, bugok ka pala e tara na nga at baka tayo pa ang mahuli don" aya ko sakanya at dumeretsyo na kami sa cashier
Nang makapag bayad na kami ay pinabalot na rin namin dahil ngayon ang birthday ni clara
Nag kanya na rin kami ng sasakyan at mabilis na dumeretsyo sa bahay nila chloe at damon
Pag dating namin don marami nang sasakyan ang nakaparada sa garahe nila at marami na rin ang tao
Dumeretsyo na kami agad sa loob at nakita kong busy na busy sila chloe at damon
"Wala pa sila clyde?"tanong ko
"Papunta na sila nila mommy.. Buti nakarating na kayo agad" sambit ni chloe habang nag lalagay ng mga iba't ibang candies sa loot bag
"Natagalan pa nga kami sa store e.. Bugok kasi 'to bibilan ba naman ng bote na may chupon" sambit ko at kahit si damon ay napailing
"Tsk! Nasa'n naba ang mga inaanak namin?" Pag iiba ni daril
"Kung maka mga ka akala mong ang dami naming anak ah!" Sarkastikong sambit ni damon tyaka tumuro sa taas "Nandon silang dalawa sa kwarto.. Nakatulog din kasi si clara, ang aga aga kasing nagising masyadong excited sa birthday nya"
"Pwede ba kaming umakyat? Hindi kaya magising namin yung dalawang bata?" Tanong ko pa at napatingin sa relo si chloe
"Gisingin nyo na rin.. Kanina pa sila tulog at mag sisimula na rin ang party, dadating din kasi ang ilan sa kamag anak namin gustong makita ang bunso namin" sambit pa ni chloe kaya tumango ako
Nag paalam na kami tyaka umakyat ni daril sa kwarto ni clara. Pag bukas namin ng pinto ay gising na pala sila
"Ninong!" Masayang sambit ni clara
"Happy Birthday baby girl" sambit ko at binuhat sya
"Ninong, big girl napo ako hindi na baby" pag tatama pa nya sa'kin tyaka tinuro ang kapatid nya "Si dylan po ang baby, because he's my baby brother" dagdag pa nya kaya napangisi si daril
"Oo nga naman.. Hi dylan" pag bati pa ni daril kay dylan na gising at bumubungisngis pa
"Ninong bababa napo ako.." pag papaalam pa ni clara sa'kin kaya binaba ko na sya at lumapit na kay dylan
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love With Mr. Scott [COMPLETE]
Romance[RedDragon Series #5] 'ROOM302' "THAT WAS AN ACCIDENT.. YOU'RE JUST A ONE NIGHT STAND"