"Soul, tara na uwi na tayo. Wala na ang mga bata oh"
Lumingon ako at nakita ang kaibigan kong si Indigo.
Tinitignan ko ang langit. Napakaganda. Napakatahimik. Ngunit sa tuwing tinitignan ko ito ay bumabalik ang aking mga alaala at sakit na naramdam noon.12 years na rin ang nakalipas. Pero siya pa rin hanggang ngayon. Bakit ba kasi ang hirap niyang limutin? Bakit ang hirap niyang hindi isipin sa kabila ng mga ginawa niya sa akin noon?
"Tara na"
Lumabas na kami ng faculty. Kami ay parehas na guro sa eskwelahan kung saan kami nag high school noon. At sa tuwing tumatapak ako sa eskwelahang ito ay bumabalik ang alaala ko. Ang mga panahon kung kailan hinahabol ko siya.
"Soul, nabalitaan mo na ba?" Tanong sa akin ni Indigo habang palabas kami ng eskwelahan.
"Ang ano"
"May reunion daw ang batch ng 2019-2020. Sasama ka ba?"
"Oo naman. Bakit naman hindi?"
"Sasama din daw si Aiken. Ang tanong handa ka na bang makita siya matapos ang ginawa niya sayo noon?"
Bakit naman hindi? Labindalawang taon na ang nakalipas. Hindi ko na hihintayin ang sinasabi nilang balang araw.
Dahil hindi lahat ng balang araw ay nangyayari.
Nangyayari man pero hindi sa lahat.
Pili lang napagbibigyan.
YOU ARE READING
SOMEDAY
RandomSi Soulene Gonzales ay may gusto sa taong kahit kailan ay hindi naman siya nagustuhan. Kaya siya ay gumagawa lagi ng paraan para lang mapansin siya nito. Naniniwala siya na pag ginawan mo ng paraan ang isang bagay ay matutupad ito. Pero paano kung d...