UNO

7 1 0
                                    

Here I am standing in front of our classroom. Watching him having fun with his friends.

Kay sarap niyang pag-masdan. Sana nalalapitan ko siya. Kaso sa tuwing lalapit ako sa kanya yung puso ko hindi mapakali.

I went back to our classroom. Well I'm just sitting here and doing nothing.

"Ate Soulene! Yung crush mo dumaan!"

"Ate Soul tingin ka sa bintana dali malapit na siya!"

"Ang ate kinikilig!"

My classmates yelled at me. Mas excited pa sila kaysa sa akin. Mga baliw talaga.

Napatingin ako sa bintana at saktong nag-tama ang mga mata namin.

"Okay kids, mamaya ipapasa niyo na yan ha! Maliwanag ba?" Tanong ni Ma'am Hernandez.

"YES PO TEACHER!" sagot ng mga classmates ko. Sila lang sumagot kasi may ginagawa ako.

Patapos na ako sa kinukulayan ko na castle nang mapansin ko na may umiiyak. Pinuntahan ko siya at tinanong.

"Hoy Aiken bakit ka nanaman ba umiiyak? Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko kasi matapos itong kinukulayan ko" sagot ni Aiken

"Hay nako, tulungan na nga kita" nilapitan ko siya at kumuha ng crayons at tinulungan ko na siya mag-kulay.

Matapos namin kulayan ang castle ang tumayo ako at saktong pagka-tayo ko ay sunigaw siya.

"Soulene salamat!" Sigaw niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko.

Nagulat nalang ako may bumatok sa akin!

"Ate Soul wala na lumagpas na siya" sabi sa akin ni Indigo.

We've been classmates since grade 7. Ganoon na kami katagal naging magkaibigan. Makulit nga lang siya minsan at medyo maingay. But I'm okay with it. Nakasanayan ko na kasi.

"You know what? Naiinis ako sa mga classmates natin. Sa tuwing inaasar nila ako kay Aiken lalo lang ako nilalayuan nun" sabi ko habang inaayos ang buhok ko.

"Nako kaluluwa hindi ka na nasanay. Lagi ka na rin naman nila inaasar diyan sa "ULTIMATE CRUSH" mo na kahit kailan ay hindi ka pinapansin" sagot sa akin ni Indigo.

Ilang taon na rin. Ilang taon na ako pilit umaasa na sana magustuhan niya ako. I've done so many stupid things for him. And I'm getting tired of doing it. How can I stop my self from liking him?

Natapos na ang klase at palabas na kami sa classroom. Si Indigo ay sumama sa mga classmates namin na umuwi.

At heto ako. Papunta sa tagpuan ng mga kaibigan ko. Pucha nga naman. Nandoon din siya. Soulene, kumalma ka. Kalma lang.

"Oh si Soulene nandito na. Alam niyo ba g na g yan sa mga classmates niya kanina rinig namin sigaw niya eh" natatawa na sabi ni Devyn.

Habang pinag-uusapan nila ako ay napatingin ako kay Aiken na nakikipag-tawanan sa mga katropa niya.

Ang saya saya niya. Nakakatuwang tignan. Kung ako kaya ang kausap niya ganyan din ba ang saya na makikita ko sa kanyang mga mata?

At sa hindi inaasahan ay bigla siyang tumingin sa direksyon ko. Umiwas ako ng tingin at tinuon na lamang ito sa aking mga kaibigan na nagkakatuwaan.

"Soulene anong strand ang kukuhanin mo?" Tanong sa akin ng pinsan kong si Vivienne.

"HUMSS ang kukuhanin ko" sagot ko habang abala ako sa pag-babasa ng libro. May quiz kasi kami bukas.

Nagulat ako nang kunin ni Raelyn ang libro ko at itinago sa bag ko.

"Soulene stop reading while you're with us" inirapan ako ni Raelyn.

Niyakap ko siya dahil alam kong nagtatampo nanaman siya sa akin.

"Gaga may quiz kasi ako bukas. Hindi pwedeng makakuha ako ng mababang score. My parents will get mad at me"

Biglang nagsalita si George. "Okay guys balikan natin ang topic kanina. Kayo ano kukuhanin niyo?"

"STEM"sabay na sagot ni Raelyn at Ireen

"ABM" sagot ni Devyn.

"Uhm ako sa tingin ko baka GAS ko kasi hindi pa ako sure kung anong balak ko sa buhay ko" natatawang sabi ni George.

"Ikaw Aiken anong kukuhanin mo?" Tanong ni Devyn.

"STEM" sagot ni Aiken habang sinusuklayan nakatingin sa malayo.

Napatingin ako sa tinitignan niya. Kasabay ng pagtingin ko ay ang pag-guhit ng sakit sa aking puso.

Si Juliette pala ang tinitignan niya. Ang nililigawan niya.

"HOY TARA NA UMUWI NA TAYO SUMASAKIT NA TIYAN KO!" sigaw sa amin ni George habang hawak ang tiyan.

"Gago yan kanina pa iyan nautot sa classroom namin" natatawang sabi ni Devyn.

Sabay-sabay kaming nag-lakad. At tumigil ang mundo ko dahil nakita ko si Aiken nasa tabi ko at magka-sabay kaming naglalakad.

Wait. Teka. Saan sila? Bakit kami lang dalawa naiwan?

Pagka-lingon ko sa likod ay nag-tatawanan ang mga gago.

Nag-paalam na kami at sabay na kami ng pinsan ko umuwi.

Pagka-dating ko sa bahay ay agad akong nagbihis at nag-bukas ng Cellphone.

Nagulat ako sa nakita ko sa gc namin.

Larawan namin iyon ni Aiken na nakatalikod habang nag-lalakad.

George: Yan nanaman si Soul kinikilig nanaman HAHAHAHA

Grabe ang kilig ko. Ang bilis ng pintig ng puso ko. Simpleng larawan lang iyon pero grabe ang saya na ibinigay sa akin.

Bigla nalang ako nanlumo sa sumunod na nag-chat.

Aiken: Please delete that picture. Baka pag-kumalat yan ay iwasan ako ni Juliette.

Masakit.

*Hi! Ito ang unang story ba isinulat ko.
Hindi ko alam bakit ako nagsusulat HAHAHAHA. Enjoy niyo lang ang pag-babasa!!!

SOMEDAYWhere stories live. Discover now