CUATRO

4 0 0
                                    

Basang-basa ang damit ko nang makauwi ako sa bahay. Mag-isa lang akong umuwi. Kasabay ng pag-patak ng ulan ay ang pag-buhos ng aking mga luha. Ibinuhos ko lahat-lahat habang umuulan. Para isang bagsakan nalang yung sakit. Nakita ko si mama na nag-luluto sa kusina. Nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalala sa akin.

"Soulene bakit ka nag-paulan? Paano kung hikain ka?" galit na tanong sa akin ni mama.

"Uhm wala po kasi akong dalang payong"

Umakyat na ako sa kwarto at naligo. Buong akala ko hindi na ako iiyak. Habang pumapatak ang tubig mula sa shower ay pumapatak din ang mga luha ko. Hindi ko dapat siya iniiyakan eh. Walang namamagitan sa amin. Kaibigan lang ang tingin niya sa akin. 

Nag-bihis ako at itinuon na lamang ang sarili sa pag-gawa ng assignments. Binuksan ko ang aking cellphone at pumunta sa messenger.D

Devyn:

Bakit hindi ka pumunta sa tagpuan?

Ako: 

Marami pa kasi akong gagawin.

Aiken:

Yung pinsan mo ba nakauwi na?

Sa inis ko ay pinatay ko ang cellphone ko. Kailangan ko munang pakalmahin ang aking sarili. Lalayuan ko muna siya.

Nataapos ko na ang mga assignments ko. Napatingin ako sa orasan, alas-ocho na pala ng gabi. Hindi na ako lumabas ng kwarto dahil ayaw kong makita nila ang kalagayan ko at baka mapagalitan ako ni mama. Kumuha ako ng biscuit sa bag ko at yun lang ang kinain ko para sa hapunan. Sa sobrang sakit ng ulo ko kakaiyak kanina ay nakatulog ako.

Alas-cinco ng umaga ako nagising at ganoon. pa rin ang ritwal ko. Napatingin ako sa kalnedaryo. Araw ng mga puso pala ngayon. Buti nalang at natapos ko kagabi ang card na ibibigay ko kay Indigo. Dumating na si Vivienne at agad na kaming umalis dahil baka malate pa kami, mahirap na.

Pagdating namin sa school ay nakita ko ang mga nag-titinda ng mga rosas at mga teddy bear. Mayroon ding mga nag-titinda ng chocolates. Pumasok na kami sa loob at napansin ko na karamihan sa mga estudyante ay mga naka-kulay pula. Feel na feel nila ang Valentine's day. Sila lang. Hindi ako.

Sabi nila pagtapos ng recess time ay oras na para magdiwang. Kaya may mga kanya-kanya silang mga dalang regalo para sa mga iniibig nila. Laging may sumpa sa akin ang araw ng mga puso. Laging nawawasak ang puso ko. May mga pusong nag-didiwang at mayroon ding mga pusong luhaan. Syempre doon ako sa luhaan. 

Dumating na ang guro namin sa English. 

"Happy Valentines! So today we're going to give the card to the person you love. Pwedeng friends or crush. And after that, they're going to read it in front of the class" pagkatapos niyang sabihin ito ay sinimula niya na.

Nag-simula na kaming mag-bigayan. Nakita ko si Indigo na palapit sa akin. Hindi na ako nagulat na ako ang bibigyan niya. Nag-palit kami ng card at niyakap namin ang isa't-isa.

Isa-isa na kaming nag-basa sa harap. May mga naiiyak sa mga mensahe para sa kanila at ang iba naman ay namimilipit sa kilig. Sana lahat ng binibigyan ng cards ay binabasa.

Sunod na kaming tinawag ni Indigo. Pumwesto kami sa harapan. Ako ang naunang nag-salita.

"Indigo, grade 7 pa lang tayo ay magkaibigan na tayo. Ni hindi ko nga aakalain na mas lalalim pa ang pag-kakaibigan natin. Salamat sa lahat ng suporta at pag-aalaga sa akin. Kabisado mo na ang ugali ko. Nandiyan ka palagi para damayan ako kapag malungkot ako. Sabay nating hintayin ang nakatakda para sa atin. Kaya ipinagdarasal ko na sana'y mag-tagal pa ang friendship natin" pag-katapos niyang basahin ang mensahe ko para sa kanya ay agad siyang tumakbo palapit sa akin at niyakap ako mahigpit

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 24, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SOMEDAYWhere stories live. Discover now