DOS

6 1 0
                                    

Today is another day. Kailangan ko kumilos. Dapat hindi ko na isipin yung sinabi niya sa gc kasi magugulo lang isip ko. Masisira lang mood ko. Hmp!

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin.

"Soulene my love. When will you stop chasing him? You're just hurting yourself. Why can't you understand that he will never like you? Tanginang pag-ibig ito" napansin ko na may tumulong luha mula sa mata ko.

"Soul anak anong oras mo balak pumasok? Malalate ka na!" Sigaw sa akin ni mama habang nag-luluto ng umagahan.

Dali-dali akong naligo at naag-bihis.
Napag-desisyunan ko na hindi na kumain ng umagahan dahil late na ako. Nagda-diet din kasi ako.

Nasa pintuan na ako ng classroom namin nang may narinig akong sumigaw.

"Ms. Gonzales! Anong oras na? Late ka nanaman! Kailan mo ba balak baguhin yang pagiging late mo ha?!" Sigaw sa akin ni Mrs. Cruz.

Hindi ko siya pinansin. Naiinis kasi ako. Lalo na't di pa ako kumain.

Matapos dumaan ang tatlong subject ay recess na namin.

Napag-isipan ko na dalhan si Aiken ng Coca-cola in a can at Ensaymada. Sana magustuhan niya!

Heto na palapit na ako sa kanya kinakabahan ako omg!

"Aiken! Dinalhan kita ng meryenda! Sana magustuhan mo!" Nakangiting sabi ko sa kanya.

Aabutin niya na sana ang bininigay ko nang may sumigaw...

Si Juliette.

"Aiken! Samahan mo ako sa canteen. Pleaseeee! Gutom na kasi ako" sabi ni Juliette habang naka pout.

Nanlulumo ako. Dahil alam ko na ang isasagot ni Aiken. Lagi niya naman itong sinasagot palagi sa akin.

"Soulene, thank you but I can't accept that. Hinihintay na kasi ako ni Juliette. Baka magalit sa akin tapos hindi nanaman ako pansinin. Sa susunod nalang" sabi niya at umalis na.

Binaba ko na lamang ang paningin ko sa aking dala at napag-pasiyahan ko na lamang na umalis nalang. Napahiya nanaman ako. Naramadaman ko na may tumulong luha sa mga mata ko.
Tinakbo ko ang classroom namin.

Nagulat ako dahil sinalubong ako ni Indigo ng yakap.

"Kaluluwa sabi ko naman kasi sayo itigil mo na eh. Masasaktan ka lang. Marami pang iba dyan" sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko.

"Bakit kaya napakahirap kalimutan ng taong kahit kailan ay hindi naman naging sayo?" Napayuko ako at kinulong ang aking muka sa aking mga palad.

"Gaga umayos ka na diyan. Parating na si Sir Garcia. Mag-lagay ka ng pulbo para naman medyo umayos ang lagay ng iyong muka" sabi ni Indigo.

Hindi ako maka-focus sa discussion ni Sir dahil sa nangyari kanina. Pilit kong kinakalimutan ang nangyari. Yumuko na lamang ako para mapawi ang sakit na nararamdaman.

Napa-angat ako ng tingin dahil may narinig akong sumigaw.

"HOY KALULUWA GISING NA! ANONG BALAK MO MATULOG MAG-DAMAG?" sigaw ni Indigo habang niyuyugyog ang katawan ko.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Dali-dali akong tumayo at kinuha ang aking bag dahil lilipat na kami sa sunod namin na klase.

"Ate Soul bakit ang tamlay mo" tanong sa akin ng isa kong kaklase habang nagtatahi.

"Broken kasi yan kanina si kaluluwa. Hindi kasi pinansin ni Aiken" natatawang sabi ni Indigo.

Inirapan ko na lamang siya at itinuloy ang pag-tatahi. Inilabas ko ang aking cellphone at nakinig na lamang ako sa kanta. At tamang-tama. Yung kanta ay Ulan. Nananadya nga talaga.

SOMEDAYWhere stories live. Discover now