TRES

2 0 0
                                    

Pagka-pasok ko sa bahay ay agad akong tumakbo paakyat sa kwarto. Nang makapasok na ako ay nilock ko agad ang kwarto at nag-tatalon ay sumigaw sa sobrang kilig. Sabihan na nila ako ng OA ako pero wala akong pake. Duh! Enjoy na enjoy ako dito kakatalon nang bigla nalang sumigaw si mama

"Hoy Soulene ano ba yan? Ang ingay-ingay mo!" saway ni mama sa akin.

Bigla akong nabadtrip. Inayos ko ang itsura ko at ginawa ang mga assigments. Tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha. Nakita ko na nag-uusap usap sila sa gc kaya nakisali na rin ako. Napansin kong may nag-chat sa akin. Si Aiken! Dali-dali ko itong binuksan.

Aiken

Soulene nakauwi na ba kayo?

Ako:

Oo, bakit?

Aiken:

Wala lang. Mag-papatulong sana ako kay Vivienne magpa-gawa ng assignment.

Kay Vivienne? Bakit hindi nalang sa akin?

Ako:

Bakit hindi nalang siya yung chinat mo? 

Aiken:

Hindi online eh.

Binaba ko na lamang ang cellphone ko. Hmp! Bahala siya diyan. Napag-pasiyahan ko na matulog nalang. 

Nagising ako sa ingay ng alarm ko. 5:00 a.m. na pala. Bumangon na ako at nag-ayos na. Tapos na rin ako kumain at mag-bihis. Hinihintay ko nalang si Vivienne. Ang bagal talaga kumilos ng babaeng iyon! Pagka-labas ko ng bahay ay nakita ko siya na nakasandal sa gate namin.

"Nag-hintay ako sa loob hindi ka man lang kumatok" sabi ko at naglakad na kami.

"Late na nga tayo eh tapos dami mo pang hanash!"

Hindi na ako sumabat dahil baka amg-away pa kami sa daan. Nakarating na kami sa school. Nagulat ako dahil may tumawag sa akin. Agad naman akong napalingon

"Sabay na ako sa inyong dalawa" sabi ni Aiken.

"Oh ito na yung pinapagawa mo" sabi ni Vienne kay Aiken.

Tinanggap ito ni Aiken. Niyakap niya si Vienne at sabay gulo sa buhok nito. Ganoon talaga siya sweet sa mga kaibigan niyang babae except sa akin. Siguro ang awkward pag ginawa niya sa akin iyon. Malamang kasi alam niyang may gusto ako sa kanya. 

Binilisan ko ang lakad ko dahil baka malate nanaman ako. Saktong-sakto pagkapasok ko ng classroom ay nasa pintuan na rin ang Class Adviser namin. Si Ma'am Gallardo.

"Class, March na next month. Dapat nakahanap na kayo ng school na mapapasukan niyo. Hindi pwede yung kung saan ang tropa ay doon ka na din mag-aaral. Pangarap ang isipin. Pangarap ang unahin. Kaya dapat pag-isipan niyo ng mabuti iyan" sabi ni Ma'am Gallardo.

Nakaplano na ang papasukan ko pagdating ng Senior High School. Pinakuha ako ni kuya ng USTET niing September. Gusto niya na doon ako mag-aral dahil doon din siya nag-aral dati. Bata pa lang ako lagi na kami napunta doon. Nakapasa ako sa UST. Si Vivienne at Aiken ay sa CEU. Sina Ireen, Raelyn at George ay sa Adamson.

Nakatulala lang ako habang nagdidiscuss ang teacher namin sa Math. Wala kasi akong maintindihan. Iniisip ko pa din kasi kung itutuloy ko ba ang UST o susundan ang pinsan ko at si Aiken sa CEU.

Bigla nalang akong nagulat nang kumalabog ang pintuan ng classroom namin. Dumating na ang teacher namin sa English. Si Ms. Castillo.

"Tomorrow is Valentine's day. Wag bitter ang iba diyan. Batuhin ko kayo ng sapatos eh" natatawang sabi ni Ma'am.

SOMEDAYWhere stories live. Discover now