NAG TUTUPI na ako nang mga damit ko,handa na ako sa desisyon kong mag layas sa bahay. Sawa na ako sa buhay ko ngayon,lagi na lang akong binubugbog ni Mama,hindi ko na kaya,nalulong sya sa sugal at laging lasing tuwing umuuwi,Naging ganyan siya simula nang iwan siya ni Papa at namatay si Ate,namatay siya dahil sa malubhang sakit na Kanser,pitong taon na ang nakakaraan...
Hindi ko alm kung saan ako matutulog o titira kapag nag layas ako pero ang importante para sa akin ay ang makatakas ngayong gabi.Bahala na ang Diyos sa akin at kay Mama,kung nandito lang si Ate ay hindi ko ito dadanasin.
Dala ko na ang lahat nang gamit ko,may kaunti akong naipon na pera,siguro ay mag papark time job na lang ako kapag naubos ko ito.
Lumabas na ako nang kwarto ko,may kalakihan ang bahay namin ngunit wala na masyadong gamit dahil laging isinugal ni Mama ang mga na titira naming gamit,pati nga ang bahay ay nakasanla na.Lumingon lingon ako sa paligid,sinisiguro kong walang makakakita saakin.
"Patawad mama" iyan lang ang salitang binitawan ko nang makalabas ako nang bahay namin.Nakita ko pa nang huling beses si Mama na tumutungga nang alak sa may kanto kasama ang mga kumare niya,pumatak ang mga luha ko nang hindi ko namamalayan,kumaripas na ako nng takbo dahil hindi ko kinaya pa.
"Ang bigat!" asik ko sa sarili ko nang mabigatan ako sa medyo may kalakihang bag na dala dala ko.Natanawan ko ang isang maliit na tindahan na sarado na ngayon pagtawid sa kabila,may maliit itong bubong 'Doon muna ako siguro matutulog pansamantala'
parang ako mismo ay naaawa para sa sarili ko.Nasa gitna na ako nang kalsada,ang paningin ko ay nasa kanan,hindi ko inaasahan na may paparating na puting kotse.Wala na akong ibang nakita,naramdaman ko ang bahagyang pag-lipad ko sa ere,ramdam ko rin ang pag tulo nang dugo mula sa noo ko pababa.Ang alam ko na lang ay nabundol ako...
"Hija...Gumising ka na" sa tinig nang isang babae ako nagising,kumurap kurap pa ako at tuluyan ko nang iminulat ang mga mata ko "Kumusta ang pakiramdam mo? Ayos ka na ba?" tanong saakin nang isang babaeng nasa harapan ko,sa suot pa lang niya ay alam mo nang isa syang Nurse "Wendy...Sagutin mo ako" natigilan ako sa narinig ko 'Huh? Lijan ang ipinangalan sakin ni Mama at Papa diba?' naguguluhan ako tumingin sa Nurse na ngayon ay nag aalala parin saakin.
"Sino pong Wendy?" tanong ko sa kanya,baka naman kasi nag kakamali siya.Lumingon lingon pa sya sa plihid na animoy may hinahanap.
"Wala na tayong ibang kasama rito" aniya "Stress lang yan,sige na mag ayos ka na,may klase ka pa" dagdag niya 'Ano?!' nang makaalis na ang Nurse ay agad akong bumalikwas sa pag kakahiga,narealize ko na nasa isang Clinic pala ako.Nakita ko ang malaking salamin sa tabi nang bintana,tumakbo ako doon at halos mailuwa ko na ang mata ko sa gulat.
"Hala! Bakit naging ganito ang itsura ko?!" para akong tanga na kinakausap ang sarili ko sa salamin.Naka uniporme ako pang estudyante,napansin ko ang I.D. na nakasabit sa leeg ko kaya tiningnan ko agad yon,konti na lang talaga ay mailuluwa n mata ko sa gulat uli.
'Wendy Garcia?'
Maganda yung nasa picture,nasa Grade 11 palang sya...
"Ano nang nangyayari sakin?" tanlng kong muli sa sarili ko.Narinig kong bumukas ang pinto kaya napalingon ako doon.
"Wendy...Hinihintay ka na ni Sir Jeshrel" wika nung babae kanina,nakasilip lang sya sa pinto at umalis na agad 'Totoo ba to? Patay na ba ako?' pilit kong inalala ang lahat saakin pero wala talaga akong maalala kundi ang pangalan ko at edad.
Lumabas na ako sa Clinic inaya ako nang isang Nurse na lalaki sa isang silid na sa tingin ko ay ang Room kung saan nadoon lahat nng teachers.Pinaupo niya ako sa swivel chair na nasa harap nang isang lalaki.
"Ayos ka lang ba?" pag uumpisa niya,nag aalala ang kaniyang mukha 'Maayos pa nga ba ako?...Naman!' hindi ako sumagot sa kanya,hindi ako komportable,anay ng pag iwas ko nng tingin at ibinabaling iyon sa ibng teachers na naroon.Maya maya ay narinig ko ang buntong hininga niya "Sige na...Mag pahinga ka muna" yun lang at umalis na siya 'Ayy! Ano bang nangyari sakin?!'.
Lumabas na ako sa silid na iyon,nag lakd lakad ako sa kabuuan nang eskwelahan na iyon,malaki at maluwag, maraming estudyante 'Sino ba Wendy? Bakit ako nasa katawan niya? Nasaan ang katawan ko?...Aish! Hindi ko na alam ang gagawin ko!' habang nag lalakad ako ay may nakita akong Vending Machine 'Hmm..Baka panaginip lang to' tumakbo ako apalapit sa Machine at iniumpog ng ulo ko sa Glass non pero walang nangyari,inulit ko nang tatlong beses pero nasaktan lang ako 'Awtsuu! Bakit ba kasi ako nandito sa kataswan na to?!' inis akong napaupo sa harap nang Vending Machine at sinabunutan ko ang sarili ko 'Hay! Mababaliw na talaga ako! Wala akong maalala!'.
"Ms? Ano pong ginagawa niyo?" narinig tanong nang babae sa likuran ko,napalingon ako rito at muntik pa syang mapaupo sa gulat "Wendy! Ginulat mo ko!" wika niya na nasa dibdib ang kamay at habol ang hininga.Nangunot ang noo dahil binanggit niya ang Wendy 'Siguro kaibigan niya to?'.
Tumayo ako at hinarap siya "Sumama ka sakin" sabi ko at hinila ko na sya,lumingon lingon ako sa kanan at kaliwa ko para may mahanapan nang tahimik at walang tao na lugar,Nang may makita ako ay doon ko sya dinala. Pinaupo ko sya sa Bench,tabi lang ito nang Canteen pero walang masyadong estudyante.
"Eto nalaglag mo kanina" sambit niya sabay abot saakin nang...'Pregnancy Test Kit?!' kinuha ko agad yon at namilog naman ang bibig ko sa gulat 'Dalawang guhit na pula...ibig sabihin...'.
"Buntis sya?!" tanong ko sa kanya,nagulat muli sya at nangunot ang noo,malamang ay naguguluhan sya "Si Wendy...Kaibigan mo ba sya?!" dagdag ko.
"H-huh?" naguguluhang tanong niya.
"Si Wendy! Kilala mo ba sya?!" muli kong tanong,mabuti at walang masyadong tao sa paligid namin.
"H-hindi kita kilala...N-nakita ko lang sa I.D. mo" utal niyang sambit sabay turo sa tiyan ko,ang I.D. ang tinutukoy.Napatingin ako sa I.D. niya...
'Colleen Nariena T. Soriano
Grade 12 Student''Hindi niya malamang kilala si Wendy,Grade 12 na to at 11 naman si Wendy'
"Hindi ako si Wendy" wala sa sariling sambit ko,muling nangunit ang noo niya 'Mapagkakatiwalaan ko naman siguro ito'.
"H-hindi talaga kita maintindihan" umiiling pang aniya.
"Hindi ko alam kung bakit ako nasa katawan nitong babaeng to" dagdag ko 'Bakit ba kasi ako nandito? Bakit?!'.
"Ibig mo bang sabihin,sumapi ka lang diyan?" sabi niya.
"Hindi ko alam,wala akong maalala"
"Pati pangalan mo? Age? Birthday? Saan ka nakatira?" sunod sunod niyang tanong sakin 'Ang kulit!'.
"Lijan lang ang natatandaan kong pangalan ko at yung edad ay 18 na ako at sigurado akong hindi ito ang katawan ko yun lang." 'Wala na talaga akong matandaan.
"Mag kasing edad lang pala tayo!...Lijan...magandang pangalan..." ani nya "At ang dabi mo,hindi mo katawan yan?" tumango ako bilang tugon "Eh bakit ka nandyan? Asan ang katawan mo? Ano ka reincarnation? Hindi mo ba talaga naaalala ang past life mo?" sunod sunod na naman niyang tanong 'Aish! Sa dinamirami ba naman nang pwedeng makausap ay yung madaldal pa?' "Baka galang kaluluwa ka lang na sumasanib sa iba't ibang katawan nang tao ha?" biro niya pa...
'Ano bang nangyari sakin? Saan ba ako nakatira? Hindi kaya totoo ang lahat nang sinabi niya? Paano na ako makakabalik sa katawan ko? Wahh!'...
ITUTULOY...
YOU ARE READING
How can I get back on my Body? (On going)
SpiritualIsang babae na nagngangalang Lijan.Siya ay isang normal na dalaga,Isang araw ay sa hindi inaasahang pangyayari ay sya ay naakisidente,doon nag bago ang kanyang buhay sa tulong nang kaibigan niyang si Colleen.Paggising niya ay nasa iba na syang kataw...