Chapter 7

7 1 0
                                    

Nagising ako sa tinig nang isang matandang lalake...

Unti-unti kong iminulat ang aking matat at tama nga ako 'Kanino na naman kayang katawan to?' inilibot ko ng aking paningin sa buong paligid 'Nasa ospital ako?' patuloy kong tiningnan ang silid nang mahagip nang paningin ko ang matandang lalake na hindi maalis alis ang ngiti at paningin sakin.

Itinaas ko ang kamay ko at nakita ko ang kulubot na balat,sa gulat ay bigla kong napabangon at nahawakan ko sng mukha ko.

"May problema ba mahal ko? Tatawag na ako ng Nurse?" dinig kong ani niya pero hindi ko sya pinansin 'Matanda na ako?!'.

"Lolo may salamin ka ba diyan?" iba na rin ang boses ko,pang babae nga pero matanda naman,feeling ko wala nga akong ngipin.Nangunot ang noo niya pero agad ding tumayo at kumuha nang salamin sa bag.Iniabot niya iyon sakin at kinuha ko...

Halos mabitanwan ko na ang salamain dahil sa gulat ko "Matanda na akoooo!" mabuti na lang at nasa private room kami kund in nabulabog ko na nang malakas kong sigaw ang ibang pasyente.

"Mahal ko ano ba ang problema?" sa muling pagkakataon ay nagsalita ang lolo 'Pansinin k OK na nga,nakakawa eh' wala rin n naman akong magagawa hihintayin ko na lang ang halikan niya ako para malipat sa isabg katawan.

"Lolo ano pong pangalan ko?" gaya nang inaasahan ko ay mul ik ng kumunot ang noo niya.

"Mahal ko ikaw si Sylvia Santos ikaw ang aking asawa" ana niya, nagpapaintindi 'Ang sweet naman ni Lolo..'.

"Eh sino naman po kayo?" tanong ko.

Doon ay nagiwas sya nang tingin "Ako ang iyong asawa si Anthony"

Nagtataka man ako ay bigla naman siyang umalis "Nag walkout?" bulong ko sa sarili.Pinanood ko syang umalis,nang makaalis sya ay agad na hinanap nang mata ko ang telepono,nang masulyapan ko iyon sa aking tabi ay agad kong pinagpipindot ang numero ni Colleen,mabuti at nasaulo ko iyon.

"Hello?" si Colleen sa kabilang linya.

"ColleenakotosiLijan" mabilis kong sagot.

"Hala sya! Bakit naman ganyan ang boses mo? Kaninong katawan ka na naman napunta at pupuntahan kita" may bahid nang pag aalala anhg tinig niya 'Ang sweet rin naman neto!'.

"Ah eh magkita nalang tayo sa..." lumingon ako sa punda nang unan dahil hindi ko alam kung anong ospital ito ngayon "Carmona Hospital and Medical Center" basa ko sa logong nakapalibot doon.

"Sige pahingan ka na,mukhang matanda ka na eh hihi" bungisngis niya 'Tingnan mo tong babaeng to...nakakagigil!'.

Pabagsak kong ibinalik ng telepono at tumayo.Nappikit pa ako nang makaramdam ako nang pananakit sa ibat ibang parte nng katawan ko 'Rayuma,Atraytis meron na ata ako ngayon ah?' naglakad lakad ako at nag ehersisyo,lakad takbo ang pinag gagagawa ko,maluwag naman ang silid na iyon para gawin ko ang mga yon.

Nang mapagod ay marahan akong naupo sa sofa,tapat long iyon nang kama,meron non sa harap na lamesita 'Isang taon atang hindi tumayo si Lola Sylvia ah?' napako ang paningin ko sa isang makapal kuwaderno na nasa ibabaw nang lamesita kulay kayumanggi ang kulay nito,luma na rin ang itsura neto at mukhang matagal na sa nag mamayari.

Kukunin ko na sana ang kuwaderna na iyon nang biglang bumukas ang pinto at iniluwal n po n si Lolo Anthony,natigilan siya saglit at napako ang tingin sa libro,agad syang tumakbo papalapit doon at madaliang kinuha yon mula sa harap ko,niyapos niya iyon na para bang kukunin ko sa kanya iyon "Ah Lolo ano po ba iyan?" kunot noong tanong ko,naging balisa kasi siya at pinag papawisan.

"Wala ito" maagap niyang sagot,inilagay niya ang kuwaderno sa isang tabi at tumabi sakin sa pag kakaupo "Mahal ko,ikaw ba ay wala pa ring maalaala?" sandali akong natigilan at nag iwas nang tingin,ni hindi ko alam kung ano ang isasagot ko...

"Wala" wala sa sariling sagot ko.

"Kumain ka na ba mahal ko?"

"Hindi pa" doon lang ako bumalik sa wisyo,may bigla kasing pumasok sa isip ko, hindi ko alam kung ano pero ala ala iyon ni Lola Sylvia dahil parang nakikita ko sya ngayon...

ITUTULOY...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

How can I get back on my Body? (On going) Where stories live. Discover now