Pagdating ko sa eskwelahan wala. pa namang masyadong estudyante 'Hindi nalang kaya ako pumasok sa klase?'.
Sumulyap ako sa suot kong relo '6:15 am,maaga pa' nag desisyin akong umakyat sa rooftop nang building nang grade 11,ganoon kasi ang ginagawa ko kapag gusto ko kong mapagisa o mag isip isip.
"Aish! Bakit kasi walang elavator eh?!" asik nang nakarating ako sa taas.Mga nasa 8th floor yon at nag hagdan lang ako."Ano nang gagawin ko?! Sino ba ako?! Bakit kasi hindi ko kilala ang sarili ko?! Ay Bwisit talaga!" sigaw ko,duon ko laha th inilabas ang galit ko.Nagulat ako nang may naglagay nang Headphone sa ulo ko 'Sino ba to?! Para namang shunga! Nagpapatugtog pa nang Lullaby!' inis kong tinanggal ang headphone at humarap ako sa likod,ganoon nalang ang pag taas ko nang kilay nang lumantad saakin ang isang maitsurang lalake 'Eto siguro ang ama,Luke Padilla'.
"Ikaw ba ang ama?" tanong ko agad sa kanya.
"Wendy?" naguguluhan niyang tanong.
"Sumagot ka nalang!" asik ko at pinag hahampas ko sya "Lumuhod ka" utos ko.
"Ano bang nangyayari sayo?"
"Ang sabi ko lumuhod ka!" 'Ang tigas nang ulo!' sinunod niya ng utos ko,lumuhod siya "Itaas mo ang kamay mo!" muli kong utos,itinaas niya ang dalawa niyang kamay.
"Wendy Pulis ka ba?" kunot noong tanong niya sakin 'Aba!'.
"Ang bata bata niyo pa!" asik ko habang pabalik balik nang pag lalakad sa harapan niya.
"Alam mo ba nung araw na mag kakilala tayo,nalak ko na nolng mag pakamatay,pero pinigilan mo ko non iniaabot mo ang kamay mo sakin nang nakangiti.Simula non minahal na nat ik n ang isa't isa,simula non nag bahgo ang buhay ko at ayaw ko nang mamatay non pero ngayong araw na to...Hindi kita kilala...Hindi ikaw si Wendy na nagligtas sakin" kwento niya 'Pakialam ko kubg saan nagsimula ang Love Story niyo?! Sinabi ko bang ikwento mo?! Bwisit!'.
"Ano nang gagawin natin?!" sigaw ko sa mismong harapan niya.Natigilan lang ako nang makita abg pangibgilid nang mgs likido sa mata niya 'Hala sya!'.
"Pananagutan naman kita eh,mahal kita,mahal ko yang...bata.Magtatrabaho ako...para sa inyo" at tuluyan nang bumuhos ang luha niya 'Ha! Akala niya madaling maghanap nang trabaho at itaguyod sa ganyang edad niya?'.
Tumayo ako sa harap niya,nakaluhod at nakataas parin ng kamay niya.Pinagkrus ko ang mga braso ko at naawa ko syang tiningnan hababg patuloy parin ang pagdaloy nang luha niya "Ippalaglag ko ang bata...Yun na lang ang tanging paraan para makaligtas tayo" yung ang huling sinabi ko sa kanya.Bago pa ako makaalis ay sumulyap pa muna ako sa I.D. niya...
'Luke Padilla'
'Sya na nga' tuluyan ko nang nilisan ang lugar na iyon.
Hindi ako pumasok sa buong kale hanggang sa hapon,wala na akong pakialam kung bumagsak abg grado at magalit sakin si Wendy.Desidido na akong ipalaglag ang bata,wala na rin akong pakialam kung malaman ito nang magulang ni Wendy.
"Lijan?" dinig kong pagtawag sakin nang isang pamilyar na boses 'Colleen?' lumingon ako sa pinanggalingan nang tinig na iyon at tama nga ako sya nga 'Uwian na pala,hindi ko man lang napansin' tumakbo siya papalapit sakin kung saan ako ay nakaupo sa Waiting Shed sa labas nang eskwelahan.
"Samahan mo ko" bungad ko sa kanya.Agad na nagunot ang noo niya.
"Saan?"
Nakagat ko ang sariling labi "Ipalalag ko na ang bata"
Gya nng inaasahan ko,nagukat siya sa sinabi ko "Lijan seryoso ka ba? Walang kasalanan ang bata.Bakit mo sya idadamay? Hindi mo ba sya bibigyan nang pag kakataon na isilang sa mundong ito?" sunod sunod niyabg tanong.
"Yun na lang ang nakikita ko paraan Colleen para makaligtas kami nang ama nitong bata.Sa tingin mo ba makakapag aral pa ba si Wendy ss ganitobg kalagayan?"
"Teka! Nahanap mo na ang ama?"
tanong niyang muli.Tumango lang ako nang dalawang beses "Sa tingin mo rin ba ito ang gusto ni Wendy? at nang ama niyan? Sa tingin mong yan alam kong nag dadalawang isip ka pa,hindi mo rin gustong mapahamak ang batang iyan hindi ba?" ani niya na para bang nababasa niya ang nasa isip ko.Matunog akong bumuntong hininga "Ako na ang nasa katawan niya,wala akong pakialam kung hindi niya gusto ang iniisip ko,para sa kanya rin naman to eh!" asik ko.
"Bahala ka" may bahid nang hindi pag sangayon si Colleen sa naging desisyon ko.Tama siya medyo nag dadalawang isip pa ako.
Nakarating kami sa Ospital,ang Nurse na ang bahala sakin.Tinawagan ni Colleen si Luke para ipaaalam ang mangyayari halos maawa na ako dahil mugtong mugto na ang mata ni Luke pero wala na akong magagawa,nasa labas daw siya ngayon,hindi niya daw kayang makita ang mangyayari.Nasa tabi ko naman si Colleen habang ako ay nakahiga sa Hospital Bed.
Maya maya ay dumating na ang Nurse may dala itong panturok,dextrose at kung ano ano pang gagamitin sakin "Medjo masakit ito mam" ani nubg Nurse na babae habang inaayos ang dextrose na nasa tabi ko.
'Itutuloy ko na ba to?'
Ituturok na sana nung Nursd sa pulso ko nang bigla ko syabg pigilan "Sandale!" pigil ko."May problema ba Lijan?" tanong sakin ni Colleen 'Ano ba Lijan?! Ituloy mo na to! Para rin naman to kay Wendy eh!'.
"Sige sige ituloy mo" utos ko sa Nurse at muling nahiga.Itutusok na sana muli nang Nurse nang mag mute ang kanang tenga ko 'Aray! Anong nangyayari?!' napahawak ako sa magkabilang tenga ko dahil sa sakit,para bang tinutusok ang tenga ko sa sakit hanggang sa wala na akong marinig.
Nag pagulong gulong ako sa sahig,naipikit ko na ang mata ko,bumaluktot na rin ako dahil nga ang sakit 'Ahhhh!'.
Bigla nalang akong napamulat at ganun nalang ang gulat ko nang makita sina Wendy,Luke at Colleen sa harap ko kasama ang Nurse kanina.Hinalikan ni Luke si Wendy.
"Anong nangyayari Luke? Nasaan tayo?" ana ni Wendy mataps siyang halikan ni Luke.
"Wala,uuwi na tayo" si Luke.Inakay niya ito palabas,naiwan namang gulat ang Nurse at si Colleen.
"Kung si Wendy na yon nasaan na si Lijan?" tanong niya sa sarili,lumingon lingon siya sa paligid,tiningnan niya ang ilalim nang mga Hospital Bed 'Ay parang tanga!'.
"Colleen nandito ako!" sigaw ko pero para syabg walang naririnig 'Patay na ba ako?'.
"Nasan na yun?" ana pa ni Colleen
'Patay na ata ako,kaluluwa na ako eh'.Bigla na lang lumiwanag ang paligid at nasilaw ako...
ITUTULOY...

YOU ARE READING
How can I get back on my Body? (On going)
SpiritualIsang babae na nagngangalang Lijan.Siya ay isang normal na dalaga,Isang araw ay sa hindi inaasahang pangyayari ay sya ay naakisidente,doon nag bago ang kanyang buhay sa tulong nang kaibigan niyang si Colleen.Paggising niya ay nasa iba na syang kataw...