Chapter 6

6 1 0
                                    

Handa na ang lahat...Mga lobo...mga pagkain... lahat lahat nang kailangan sa handaan.

"Saang katawan kana naman sasapi pag kaalis mo sa katawan ni Ninong Anselmo?" maya maya'y tanong sakin ni Colleen habang pinapatay sindi ang ilaw.

"Malay ko...ang gusto ko ay makabalik na sa katawan ko,wala kasi akong maalala" ani ko,ang paningin ay nasa mahabang mesa na puno nang samu't saring pagkain.

Dinig ko ang buntong hininga niya "Tutulungan kitang mahanap at makabalik sa katawan mo" aniya,tumayo siya at bahagyang sumilip sa bintana "Ang tagal nila" nakasimangot niya wika saka inis muling umupo sa tapat nang switch at pinaglaruan muli iyon "Curious lang ako...ano kayang itsura mo sa totoo?"

Kunot noo akong bumaling sa kanya "Maganda kaya ako" wika ko at inalala kung gaano ako kaganda "Sayang lang at hindi mo makita" buntong hiningan ko saka muling ibinalik sa mga pagkain ang paningin.

Dingdong! (Dantes choss!)
Sabay kaming napatayo ni Colleen nang marinig ang doorbell hudyat iyon na nandyan na si Manang Nadia at Annaselia.

Ako ang nagbukas nang pinto si Colleen kasi ang nasa tapat nang switch at handa na iyon buksan anumang oras.

Tumingin ako sa kanya at nagbilang siya gamit ang daliri...

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

"HAPPY BIRTHDAY!" sabay naming sigaw pagkabukas pa lang nang pinto at ilaw.

Rumehistro agad ang gulat sa mukha niya,hindi nakaligtas ang unti unting pagkinang nang kaniyang mga mata.Emosyanal syang bamuling sakin 'Patay!'.

"Anselmo..." sa tinig niya ay anang oras ay maiiyak na sya.

"Happy Birthday asawa ko..." sinandya kong lambingan ang tinig ko.Halos hindi ako makahinga nang patakbo siyang yumakap sakin at kulang na lang ay ibigti niya ako sa kisame sa sobrang higpit nang yakap niya.

"Napasaya mo ako Anselmo...Salamat... " wika niya halos hindi na marinig dahil umiyak siya,napangiti na lang ako dahil ang sarap pala sa pakiramdam na may napapasaya kang ibang tao.

"Ninang tama na po...namumutla na po si Ninong eh" suway ni Colleen.

"Pasensya na" kumalas siya sa pagkakayakap at pinunasan ang mga luha.

"May ibibigay pa ako sayo mamaya ka na humagulgol" sinubukan kong magbiro para mapatawa siya.

Agad na kinuha ni Colleen ang isa pang sorpresa namin para sa kanya.
Ibinigay niya sakin iyon at nakangiti kong binuksan sa harap ni Manang Nadia.

Sa ikalawang pagkakataon ay muli syang nagulat,maging si Annaselia ay hindi iyon inasahan tanging kami lang ni Colleen abng nakakaalam niyon.

Kinuha ko ang kwintas na kulay pilak at may tatlong perlas sa gitna nito na nakahilera patayo,hinayaan niya akong isuot ko sa kanya ang kwintas na yon.

Muli niya na namang akong niyakap at napaiyak "Ito na ata ang pinaka masayang kaarawan ko sa buong buhay ko asawa ko" bulong niya sakin.Gustuhin ko mang matuwa at hindi ko magawa dahil ako ang narito ngayon at hindi ang tunay na asawa niya "Hindi na natin itutuloy ang Divorce" wika niya na kumalas muli sa pag kakayakap sa akin at nilingon ang anak na maiiyak na rin sa tuwa.

Nagulat na naman ako nang bigla niya na lang akong hinalikan pagharap niya,pero bigla na lang lumiwanag ang paligid at nasilaw ako...

Pagmulat ko nang mga mata ko ay heto at nasa harap lang ako ni Colleen nakangiti lang lampas sakin ang paningin,sinundan ko ang mga tingin niya mula sa aking likuran...Nanlumo muli ako nang makita ko si Manang Nadia na katatapos lang halikan si Manong Anselmo 'Isa na naman akong kaluluwa...' pero meron naman na akong nakuhang tips sa bawat masasapin ko nang katawan..kailang mo lang silang mahalikan o ikaw ang kailangang halikan...

Maya maya'y nasapo ko na ang aking noo dahil bigla na naman umikot sa paningin ko ang paligid..

'Kelan ba ako makakabalik sa katawan kooo?! Sino ba talaga akooo?! Napapagod na akooooo!'.

ITUTULOY...

How can I get back on my Body? (On going) Where stories live. Discover now