Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari,malay ko ba kung nakabalik na ba ako sa katawan ko o sa ibang katawan na naman ako napunta.
"Sir Imperial,ayos lang ho ba kayo?" bungad sakin nung lalake 'Sir?'.
Nag palinga linga ako sa paligid,nasa iaang Constraction Site ako ngayon,nakaupo ako sa lupa at sapo sapo ang noo 'Kaninong katawan na naman to?!'.
"Sir? " tankng saakin muli nung lalake 'Lalake ako?".
"Umuwi na tayo" ani ko,tinulungan niya akong makatayo at inakay sa paglakad.
Nakarating kami sa Police Station 'Isa akong pulis?!'.
"Huy anong nangyari dito? Bakit ganito itsura nito?" bungad njng isang lalake sa amin,bumaling siya agad sa kasama ko.Halos busy ang lahat,tutok sa Computer,yung iba naman ay sa papel.
"Hindi ko ho alam,ang sabi ho kasi niya ay bumalik na raw kami".
Bumuntong hininga yung lalakeng nasa harapan namin "Magpahinga ka muna Anselmo" aniya na tinapik pa ang mga balikat ko at saka tinalikuran na kami 'Walanya! Lalake nga ako!'.
Nag presinta akong umiwi na lang mag-isa 'Ano nanaman ang gagawin ko,kung hindi ako buntis naging lalake naman ako Ayy!'.
Lumabas na ako nang Police Station,nangapa ngapa ako sa mga bulsa ko baka may I.D. itong parak na to 'Yown!' halos mapunit ang labi ko sa sobrang pag kakangiti nang makapa ko ang isang pitaka.Binuklat ko yon tumambad nga sakin ang I.D. ...
'Anselmo Imperial
Police Officer
Birthdate:Nov 26 1978'At kung ano ano pang nakalagay doon 'Matanda na ako? Kung 1978 to pinanganak ibig sabihin...42 na ako? Wahhhh!'.
Kinalkal ko pa kung ano a ang naroon nakita ko ang isang litrato,isang babae at isang lalaki na magkayakap,nakangiti silang kinunan 'Asawa niya siguro to'hindi na ako mabibigla kung may anak na itong lalaking to,sa tanda niya wala pang anak? Imposible! Hinalungkat ko pang muli ang wallet 'Tsh! Wala namang pera' nakita ko naman ang isang nakatuping papel,mukhabg nabasa ito dahil bumakat na sa likod ang sulat,binuklat ko ito at binasa,nalagay doon ang lahat nang tungkol sa kanya.
Pinuntahan ko ang Address na nakalagay doon 'Malamang doon sya nakatira'...
"Eto na ba yun?" wika ko sa sarili nang mapuntahan ko ang address na nakalagay sa papel.
Tabi tabi ang bahay at pare pareho sa tingin ko ay apartment ito.Kumatok ako nang makailang beses pero walang nagbukas 'Arghh! Pagabi na!' hinawakan ko ang doorknob at sapilitang binuksan yon pero... "Pinahirapan pa ako nang bwisit!" asik ko.Sinamaan ko pa nang tingin ang doorknob "Nakakabaliw kang Doorknob ka" ani ko at umiling.
Pumasok na ako sa loob 'Hindi ba sila nag bubukas nang ilaw?' hinanap ko pa ang switch at binuksan ko.Bumungad sakin ang maluwag at maaliwalas na bahay ngunit tahimik,may dalawang pinto akong nakikita at nasisiguro kong isa roon ang kwarto.Pumunta ako sa harap nito at pinag salit salitan k oh nang paningin.
"Mini mini maynimo,saan kaya ang pinto rito? eto ba o eto..eto" pagkanta ko pa at tumama ang paningin ko sa kaliwang pinto.
Dahan dahan akong lumapit doon at binuksan,bumungad sakin ang mag inang mahimbing na natutulog 'Oh yeah!'.
Ngunit ayoko silang maistorbo kaya't lumabas na lang ako,naglakad lakad ako sa maluwag na bahay na iyon at tiningnan ang bawat sulok nang bahay,tininginan ko rin isa isa ang mga larawang nakasabit at nakapatong sa bawat kabinet.Dumapo ang paningin ko sa makulay at kakaibang larawan sa lahat,inilapit ko ang mukha ko rito at pinagmasdan iyon...
Isang masayang pamilya,magkakahawak ang mga kamay na nakataas at abot langit ang ngiti,hindi ko tuloy maiwasang isipin ang pamilya namin noon 'Parang kami lang....dati' nakasulat sa pinakataas nang larawan ang The Imperial Family sa kaliwa sa tapat nang babae ay Mama Nadia nasa gitna ang batang babae Annaselia at at yung huli ay Anselmo.
"Kumain na po ba kayo Papa?"
"Ay kamoteng bata ka!" sigaw ko,bigla nalang kasing may nagsalita mula sa likuran ko 'Papa?'.
"Buti naman po at umuwi na kayo" dagdag nya,sa tingin ko ay nasa edad anim na taong gulang pa lang sya.
"Ikaw ba si Annaselia?" tanong ko.
"Kumain na po ba kayo?" hindi niya sinagot ang tanong ko,hinila niya ako sa hapag kainan nila at pinaupo doon,kumuha siya nang upuan at inilagay yon sa tapat nang lagayan ng plato,kumuha sya ng mangkok at kutsara "Hindi na po kayo ipinagluluto ni mama hindi na po kasi kayo umuuwi,puro na lang kayo trabaho pati ako nakalimutan nyo" mulungkot na ani ni Annaselia habang hinahalo ang cereals sa gatas 'Agahan ba ngayon?' "Eto na lang po ang kain in n niyo Papa kesa naman magutom pa kayo".
"S-salamat" natitigilan kong wika 'Matalino ang anak mo Manong Anselmo'.
"Itutuloy niyo po ba ang Divorce niyo ni Mama?" hindi ko tuloy naisubo ang cereals sa tanong niya.
Bigla na lang akong nalungkot at may naalala 'Ang Mama ko at Papa ko hiwalay na...' yun lang ang naalala ko..hiwalay na sila.
"Bakit naman kami mag didivorce ng Mama mo?" ang wirdo man para sakin ay hindi ko pwedeng ipahalata sa bata.
"Madalas po kayong nag aaway dahil sa trabaho niyo,hindi niyo na po kasi kami nabibigyan nang oras ni hindi nga po kayo nakapunta sa Graduation ko kasi mas inuna niyo ang trabaho niyo" ana ni Annaselia na parang maiiyak na 'Hala bakit ako? Wala akong kasalanan!'.
"W-wag ka n-nang umiyak anak babawi sayo si Papa" 'Wahh! May anak na ba talaga ako?'.
"Yan din po ang lagi niyong sinasabi sakin...pero sa trabaho kayo bumabawi hindi samin" kaunti na lang talaga ay tutulo na ang luha niya 'Ano ba to?!'.
Napapikit na lang ako at nagisip nang paraan 'Pasensya na po Manong Anselmo kubg matanggal man kayo sa trabaho,kailangan niyo pong mapasaya ang pamilya niyo sa tulong ko'.
"Kaarawan po ni Mama bukas...Paalala ko lang po baka kasi makalimutan niyo...Manonood po muna ang nsng T.V. pagkatapos niyo pong kumain ay matulog na po kayo" yung lang ang sabi niya at tinalikuran na ako 'Dapat ako ata ang nagsasabi non?' naguguluhan man ay itinuloy ko ang pagkain ko kasabay nang pagiisip ko kung ano ang magandang iregalo kay Manang Nadia.
Bigla ko tuloy naalala ang halik sakin ni Luke parang kinilabutan ako mula sa paa mataas sa aking ulo 'Ewww! Lijan Focus! Kailangan mong makaisip nang paraan para bukas'.
ITUTULOY...
YOU ARE READING
How can I get back on my Body? (On going)
EspiritualIsang babae na nagngangalang Lijan.Siya ay isang normal na dalaga,Isang araw ay sa hindi inaasahang pangyayari ay sya ay naakisidente,doon nag bago ang kanyang buhay sa tulong nang kaibigan niyang si Colleen.Paggising niya ay nasa iba na syang kataw...