Matapos kong kumain ay dumeretso na muna ako ss banyo para mag isip isip.
Nangapa ay sa bulsa at may nakapa akong Cellphone 'Awit!'.
Buti nalang at walang password kaya madali ko itong nabuksan,agad kong hinana PL ang Contacs at nag scroll down,nagbabakasakalin kasi ako na may makita akong pangalan na pamilyar sakin nang may mahagip ang aking paningin.Agad ko itong ibinalik pataas at 'Colleen?' nakita ko ang pangslsn niya 'Baka naman siya to?' pinindot ko ang pangalsn niya at awtomatikong nag dial ito..."Sana ikaw yan..." wika ko sa sarili.
Sinagot niya ang tawag ko...
"Hello Ninong?" tinig niya nga ang narinig ko 'Ninong?'.
"Colleen?" paniniguro ko.
"Po?" sagot niya sa kabilang linya.
"Colleen si Lijan to" napapapikit kong ani.
"Huh?"
"Maniwala ka sakin" pag mamakaawa ko.
"Bakit ka nandyan?" tanong niya.
"Papa sino po iyang kausap niyo?" nagulat muli ako nang biglang sumulpot si Annaselia sa pinto na nakasilip.Agad kong inend call ang linya 'Hays!'.
"Wala to...Anak" nangingiti kong ani habang palihim na inilalahay sa kung saan ang Cellphone para maitago.
"Narinig ko po ang tinig ng isang babae" yun palang ang sinasasbi niya ay parang maiiyak na siya.
"Anak..." tumayo ako,inakay ko sya papalabas at iginaya siya na maupo sa sofa sa sala "Humihingi lang ako nang tulong sa kanya para sa kaarawan nang Mama mo bukas.Balak ko kasi syang sorpresahin..." sabi ko nang deretso ang titig ko sa mga kayumangging mata niya.
"Pwede ko po bang malaman kung ano ang sorpresa niyo kay Mama?" mukhang nakumbinsi ko sya sa tinig niya palang pero muli akong napapikit nang wala nang mapiga ang utak ko sa mga nangyayari... 'Bahala na si Batman!'....
Maaga akong nagising kinabukasan...muli kong naalala kung anong pinag sasabi ko kay Annaselia kagabi at natatawang umiling ako 'Kahit kelan wala talaga akong kwenta Bwahahaha!'.
Bumangon ako mula sa sofa at sinilip ko ang mag inang mahimbing na natutulog...'San ako kukuha nang pera neto?' bigla na lang pumasok sa isip ko ang nag iisang taong pwedeng mkatulong sakin.Agad kong hinanap ang Cellphone at ang pangalan niya,pinindot ko iyon at hinintay kong sagutin niya.
"Lintik ka! Ang aga-aga tumatawag!" bungad niya sakin 'Aba!' agad na umakyat ang dugo ko sa ulo.
"Walanya ka! Ayaw mong tingnan kung sino ang tumatawag sayo! Basta ka na lang naninigaw! Bwisit ka!" asik ko 'Nakakabwisit!'.
"Ninong este Lijan?!" mukhang naalimpungatan siya.
"Magkita tayo sa School mamayang alas siete!" yun lang at ibinaba ko na ang linya 'Peste!'.
"Galang kaluluwa ka na ata eh!" asik sakin ni Colleen nang magkita kami sa school, naglalakad na kami papunta sa malapit na Coffee Shop.
"Kailangan kong mahanap ang katawan ko...sa tingin ko naman... ay buhay pa ako" nanlulumo kong wika.
"Ayusin mo nga yang paglalakad mo,pinagtitinginan ka ng mga tao oh! Nasa katawan ka nang lalake kaya yang kilos mo gawin mo munng matipuno" pabulong na ang huling sabi niya.
"Bakit ba kasi sa dinamirami nang pwedeng maging katawan ko eh yung panglalake pa at...yung may asawa na,may anak na nay edad na! Putakte!" wika ko.Ginawa ko ang lahat ara maging lalake lang ang lakad ko pero...
"Hindi ganyan! Mukha ka namang sakang na kalabaw eh!" saway niya sakin "Anong gusto mo?" tanong niya nang makaupo kami.
"Kapeng Amerikano" wala sa sariling ani ko.
"Sosyal ka rin eh noh"
"Hoy Colleen Nariena ikaw na nga lang ang makakatulong sakin ganyan ka pa" hindi na sya sumagot sa halip ay umirap na lang sya...
"Deretsahin mo na nga ako,Ano bang kailangan mo ha?" wika niya sabay higop nang kape niya.
"Kailangan ko nang pera" deretsabg sagot ko.Ano pa at mag papaligoy ligoy pa ako yun lang rin naman ang dahilan kung bakit narito kami at mag kasama.
"Tutulungan na nga kitang hanapin ang katawan mo,ang hirap kaya non,biruin hindi ko pa nakikita ang tunay na ganda mo,malay ko ba kung saang lupalop ko hahanapin yang katawan mo tapos ngayon...kailangan mo pa nang pera,hindi pa nga kita masyadong kilala eh!" 'Nakakarindi! Bwisit!'.
"Oo na oo na,kapag nakita mo ang katawan ko at nakabalik ako saka kita babayaran.Ang ingay ingay mo.." pangungumbinsi ko.
"Malay ko ba kung babayaran mo ko! Malaki na utang mo sakin! mga two five ganon!" aniya na mas tinalasan ang tingin sakin.
"Ang laki naman!" reklamo ko 'Bumbay ata to!'.
"May angal ka ha may angal ka!" hamon niya 'Putek kung hindi lang niya talaga ako tinulungan eh matagal ko na tong nasapok!'.
Nagtagal pa kami don,malamang mas marami ang oag tatalo namin halos palayasin na nga kami.Kasabwat ko rin sya sa pag sorpresa sa Ninang Nadia niya...
'Happy Birthday to yo! Happy Birthday tuyo! Happy birthday happy birthday...Happy Birthday to youuuuu...!'...
ITUTULOY...
YOU ARE READING
How can I get back on my Body? (On going)
SpiritualIsang babae na nagngangalang Lijan.Siya ay isang normal na dalaga,Isang araw ay sa hindi inaasahang pangyayari ay sya ay naakisidente,doon nag bago ang kanyang buhay sa tulong nang kaibigan niyang si Colleen.Paggising niya ay nasa iba na syang kataw...