Chapter XXVII: There She Goes Again

5.9K 35 0
                                    

"There are some experiences in life they haven't invented the right words for."

-Lisa Kleypas, Married By Morning

"Para ka namang binulungan ng multo." bulong niya pa sa likod ko, "Kamusta ka na?" sabi niya at bigla siyang pumunta sa harap ko.

T@ng ina! Si Jessy nga! Hindi ako pwedeng magkamali. Siya nga yun. Umikli lang yung buhok pero siya talaga yun. 100% sure. Hinding-hindi ko makakalimutan yung boses na yun, yung galaw na yun, yung itsurang yun. Kahit anino niya lang alam ko na na siya talaga yun.

"B-Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.

"Ako dapat nagtatanong sayo niyan. Bakit ka nandito?" balik tanong niya sakin.

"Nagkayayaan lang. Ikaw bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.

"Nakalimutan mo na ba ginagawa ko? Last month lang ako napunta dito." sabi niya sakin.

"Sorry Jess. Kailangan ko na talaga umalis." sabi ko sa kanya at inalisan ko na siya.

At biglang may yumakap ulit sakin sa likod, "Di mo man lang ba ko namiss? Para namang wala tayong pinagsamahan niyan." sabi niya sakin.

Humarap ako sa kanya, "Jess ganito, may bago na kasi ako. Hayaan mo na yung satin. Ang tagal na nun." sabi ko sa kanya.

"Bakit di ka makatingin sakin?" tanong niya.

"Ayaw na kasi kitang makita kahit kelan." sabi ko sa kanya.

"Di ako naniniwala! Tignan mo ko kung talagang ayaw mo na sakin." sabi niya sakin na pinipilit niyang iharap yung mukha ko sa kanya.

Suko na ko! Mapilit talaga tong babaeng to kaya tinignan ko na siya. Pagtingin ko kay Jessy si Alex nakita ko. Lalo na yung mata. Kahit sobrang dilim di ko ma-deny sa sarili ko na magka-mata sila. Grabe! Walang pinag-kaiba. Alam kong si Jessy kaharap ko pero si Alex talaga naiisip ko. Di ko akalain na ganito talaga sila magkamukha. Kala ko magkahawig lang. T@ng inang yan! Pag si Alex naman kaharap ko si Jessy nakikita ko. Ang gulo! Bulagin ko na lang kaya sarili ko!?

"Bakit ganyan ka makatingin? Gusto mo tuloy natin yung dati?" sabi niya sakin. At bago pa ko makasagot hinahalikan na niya ko.

Pakiramdam ko may fireworks sa paligid. Di naman New Year pero parang bagong taon yung feeling. Feeling ko para akong trabahador na narenew yung kontrata. Shetttttt! T@ng ina! Bawal to! Pero paralize ako sa nangyayari. Di ko alam kung anong gagawin. Gusto ko mahimatay kasi parang naubos ng halik na yun energy ko. Pero nakakahiya naman sa kanya kaya pinigilan ko sarili ko. Nakakamiss yung labi ng babaeng to. Grabe! Sa sobrang sarap nakakabaliw. T@ng ina! Hinahanap-hanap ko pala yung ganyan niya. Naiinis ako sa sarili ko kasi di ko na maintindihan masyado. Masyadong madaming nangyayari na di ko na alam kung ano.

"NICO!" may sumigaw ng pangalan ko pero di ko magawang tignan kung sino.

Biglang may nagkalas saming dalawa, "Jessy!?" sabi ni Marvin pagkakita kay Jessy.

"Hi Marv! Long time no see." sabi ni Jessy habang yumayakap sakin.

Tinignan niya ng masama si Jessy tapos ako, "Lagot ka pare pag may nakaalam nito." umiling na lang ako sa kanya.

Baka palayasin nanaman ako pag nalaman nila to. Baka kunin nanaman sasakyan at lisensya ko. Baka putulin nanaman cards ko. Baka bugbugin ako ng ate ko. Baka di na ko tulungan ni Hannah. Baka iwan ako ni Alex. T@ng ina! Ang daming delubyo pwedeng mangyari. Nakakatakot! Daig pa nito mga horror na napanood ko na. Ayoko na mag-isip. At ayoko na mangyari ulit yun.

"Walang makakaalam nito." sabi ko sa kanya. Tinignan niya lang ako, pero nakakasigurado akong hindi niya sasabihin yung tungkol dito. 

"Oh pare." sabi ni Patrick pagdating niya sa kinakatayuan namin, "Jessy!?" sabi niya pagkakita niya sa kanya.

"Hi Pat." sabi ni Jessy.

"Anong ibig sabihin nito!?" tanong ni Patrick.

"Wala nagkasalubong lang kami. Tara! Alis na tayo." sagot ko sa kanya.

"Kelan pa nagkasalubong tas naghalikan!?" tanong ni Marvin sakin.

"Kanina lang. Saming dalawa. Cute no?" sabi ni Jessy sabay ngiti.

"Cherry! In mo na!" sabi nung lalake sa may cashier.

"Oops! Di na pala ko si Apple. Cherry na ko ngayon. At time ko na. Kung gusto niyo mag-stay at panoorin ako tulad ng dati okay lang. May live show ngayon." sabi niya sabay kindat. G@go talaga tong babaeng to kahit kelan.

"Bye Nico." sabi niya sabay halik nanaman at lumakad na siya paalis. fnkejwdfvgeirofewde!!!

"Jess, wait! Anong number mo?" di ko namalayang hiningi ko number niya. T@ng inang utak yan oh! Hindi na masyadong nakikisama. Badtrip! Ang sarap palitan!

"Parang dati lang ha. Nandito ako tuwing T,F,S. M,W nasa dati ako. Sana puntahan mo ko." sabi niya at inabutan niya lang ako ng papel galing sa dibdib niya. hdirsfkreifrgihiqid!!! Pagkuha ko gusto kong lagay sa mukha ko, pero buti na lang nakinig utak ko ngayon na nakakadiri yun.

"Nico, ano bang meron? Anong nangyari kanina? Ang tatahimik niyo! Bakit ba walang gustong magsalita sa inyo?" tanong ni Kevin pagdating namin sa loob ng kotse.

"Wala yun." matipid kong sagot.

"Di naman iba satin si Kev. Sabihin mo na para malinawan tayong lahat sa nangyari." sabi ni Patrick.

"Nandun si Jessy kanina." sabi ko.

"Weh? Seryoso yan?" sabi ni Kevin.

"G@go di to joke! Kumbaga sa earthquake intensity 13 to!" sabi ni Marvin.

"Bøbø!! Hanggang 12 lang intensity." sigaw ni Patrick

"T@rant@do ka talaga kahit kelan! Mas mataas to sa 12, g@g0! Mas grabe to sa total destruction. One wrong move pwedeng mawala kay Nico lahat." sabi ni Marvin.

"Mga t@nga tumahimik kayo!" sigaw ni Kevin kay Marvin at Patrick, "Eh di iiwan mo na niyan si Alex?" tanong niya sakin.

Di ako makasagot. Di ko alam kung ano na mangyayari ngayong bumalik na si Jessy. Di ko alam kung sino pipiliin ko. Okay. Alam ko namang lamang talaga si Alex sa kanya. Pero siyempre, si Jessy ay si Jessy pa din. Iba pa din impact sakin nung babaeng yan kahit anong mangyari. At iba talaga yung pinagdaanan ko para sa kanya. Paulit-ulit na bumalikdad mundo ko dahil sa kanya pero ang ending, naka-baliktad pa din. At si Alex lang yung nakatama ulit ng galaw ng mundo ko. T@ng inang yan. Tas gin@go ko pa. Badtrip!

"Bahala na pare. May nangyari pala kanina nung nag-text ako." sabi ko sa kanila at alam kong hinihintay nila mga susunod kong sasabihin, "Nag-I love you ako sa harap ni Alex... nasabi ko pangalan ni Jessy." sabi ko sa kanila. 

"G@go!", "Tarantado!", "Tanga!" sabay-sabay nilang tatlong sinabi.

"Bakit mo kinuha number ni Jess?" tanong ni Marvin.

"Di ko namalayan na kinuha ko na pala. T@ng ina! Di ko nagagamit utak ko pagdating sa kanya." sagot ko sa kanya.

"Tetext mo ba?" tanong ni Kevin.

"Hindi ko alam. Bahala na. Naguguluhan pa ko ngayon." sabi ko sa kanila.

"Alam mo, kay Alex ako pinaka-naawa sa lahat ng naging babae mo. Imagine, siya na nga sumunod sa legendary na si Jessy, kamukha niya pa." sabi ni Marvin.

"May balak ka bang sabihin kay Alex yan?" tanong ni Patrick.

Hindi ko alam. Alam ko pag sinabi ko sa kanya ayaw na niya. Lalo pa kanina na natawag ko siyang Jessy. Ayaw ko siyang masaktan pero bakit di ko maiwasang gawin yun sa kanya? Gusto ko siyang mapasaya, alam ko kung pano, pero di ko magawa. Alam kong mahal ko siya pero di ko masabi. T@ng ina! Naguguluhan talaga ko. Tas biglang sumulpot pa si Jessy. Alam kong nakalimutan ko na siya pero nung nakita ko siya kanina naramdaman ko ulit yung naramdaman ko nung una ko siyang nakita.

 

The Smartest Jerk and The Sweetest BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon