Chapter III: The Jerk

12.1K 78 0
                                    

"I want to be a jerk like the rest of my friends, and have fun, and not care about the consequences, but I just can't now."

-Leonardo DeCaprio

"Sorry Bea, pero ayoko na. It's not you, it's me."

"Hello? Kristine? May nagsabi saking may iba ka. Break na tayo."

"Angel, sana maintindihan mo na ayaw ng parents ko sayo. Sinusunod ko lang gusto nila."

"Joy, wag kang magiging sad sa sasabihin ko. Pero gusto kong unahin muna studies ko."

"Abbie, you're a great girl. Pero di talaga tayo compatible."

"I'm sorry Gina. Mahal kita pero parang one sided lang yung relationship na to."

"Anna. Alam mo namang masyadong malaki age gap natin. Di na tayo nagkakaintindihan."


And I'm back in the game.

Ako nga pala si Nico Lim. Certified manloloko at never pa naging seryoso. Nasanay akong nakukuha ko lahat ng gusto ko. Simula gamit hanggang sa babae nakukuha ko. Wala akong pakialam sa ibang tao. Oo, masama ako at wala kayong magagawa dun.

Lahat ng manloloko nahuhuli din. At ilang beses na din akong nahuli. May mga panahong sampal lang nauuwi ko. Pero siyempre nakakalusot din minsan at yung babae mismo inuuwi ko. Oops! Di pala inuuwi. Kinakama lang kung san may malapit at disenteng motel. Nangyayari yan sa mga babaeng kahit ilang beses lokohin hindi ako maiwan. Karamihan kasi sa babae yung image lang ng boyfriend nila mahalaga. Kaya kahit niloloko na sila wala pa ding pakelam.

Ideal guy naman ako eh, yun nga lang wag kang umasang nasayo lang loyalty ko. Kaya kong magpasaya ng babae ng sobra-sobra. Kaya kong paramdam sayo na ikaw lang talaga. Bonus na lang yung itsura at pera. Once kasi na naging girlfriend kita, prinsesa ka. Kahit ilan pa kayo, prinsesa kayong lahat. Yun nga lang pag nagsawa na ko hihiwalayan agad kita. Hahanap at hahanap ako ng dahilan para maramdaman mong ikaw may kasalanan at nasayo problema. Magaling akong mag-manipulate ng mga bagay.

Kaya sa lahat ng babae diyan, lumayo na agad kayo sakin. Pag sinabi ng mga kaibigan niyong manloloko ako, utang na loob maniwala kayo. Kung gaano ka naging kasaya sakin, sisiguraduhin kong mas tataasan nun yung level ng sakit na mararamdaman mo pag hiniwalayan kita. Manloloko, bastos, walang-modo, tar@ntad0, g@go, makapal mukha. Lahat na ata ng  nasabihan na ko. Yung mga pasosyal nasasabihan pa kong bitch, jerk, stupid at kung ano-ano pang salitang di ko na maalala.

"Jessy, alam kong malaking possibility na di ka na maniwala sakin. Pero di kita masisisi. Sobrang dami kong ginawang kasalanan dati. Pero sana naman ngayon maniwala kang gusto ko magseryoso. Sayo." sabi ko sa kanya sabay abot ng singsing. 

At sa kanya nag-simula magkagulo buhay ko. Literal na bumaliktad mundo ko dahil kay Jessy.

The Smartest Jerk and The Sweetest BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon