"Bat si Soon hyung pwede kang landiin?" Pag iinarte ni Mingyu sa harapan ng kasintahan na si Wonwoo.
"Bakit naririnig ko pangalan ko jan?" Komento ni Soonyoung na nasa harapan ng salamin at nag papractice.
"Anong landiin?!" Binigyan sya ng matalim na tingin ni Wonwoo.
"Oo, kanina nagtatawanan kayo habang nasa fansign tayo." Nakangusong maktol pa nya.
"Eh ano? gusto mo ikaw landiin ko?" Tanong ni Wonwoo.
"Syempre, ako boyfriend mo ih!" Sabi ni Mingyu.
"Tss. Parang sya di nakipaglandian." Irap ni Wonwoo sa kasintahan. "Eh nakikipaghawakan ka nga ng pwet kay Jeonghan hyung." Bulong pa nito. Tumayo ito at bumalik sa mga kamember na nasa gitna upang simulan ang naudlot na practice.
Halos 4 na taon na ding magkarelasyon si Mingyu at Wonwoo, hindi naman nila ito maihayag sa publiko ngunit hindi rin naman lingid sa kaalam ng kanilang mga kamembro na mayroon relasyon sila dahil halos sila ay ganon ang sitwasyon. Hindi pwedeng masira ang tingin ng publiko sa kanila, dahil isa sila sa mga sikat na grupo sa industriya ng musika.
Nang matapos ang practice, dumiretso na sila sa kanilang dorm upang makapagpahinga at dahil na ring maaga ang schedule nila bukas.
"Ano? Di mo pa rin ba ako papansinin?" Iritang tanong ni Mingyu kay Wonwoo nang makarating sila sa kwarto nila.
"Ano bang inaarte mo Mingyu?" Malumanay na tanong ni Wonwoo dito habang nag-ayos para sa pagligo.
"Eh yung kanina nga kasi..." nakayukong sabi ni Mingyu.
"Kasi? Nakikipaglandian ako kay Soonyoung?" At binalingan ni Wonwoo ang kasintahan. Tumango si Mingyu habang nakapout.
Laking tao, pabebe. Sabi ni Wonwoo sa kanyang isipan.
"Parang di ka na nasanay. Alam mo namang best friend ko yun ih. Edi nagulpi ako ni Ji pag nilandi ko ng totoo yon." Sabi ni Wonwoo at lumapit sya dito.
Hinaplos nya ang mukha ni Mingyu. "Wag ka nang magselos. Apat na taon na tayo pabebe ka pa din." Ngumisi sya at hinalikan ng marahan ang labi nitong nakapout. "Ikaw lang ang mahal ko." At ngumiti sya ng napaka tamis na syang nagpalusaw sa selos na nagdulot ng inis kay Mingyu.
Sa pagkakataong ito, si Mingyu naman ang nagparamdaman ng pag mamahal nya kay Wonwoo. "Ikaw lang din ang mahal ko." At binigyan ng halik ang kasintahan.
Tila ba may sarili silang mundo at may ngiti sa mga labi. Kuntento sa pilang ng isa't isa. Ngunit nabasak ito nang may kumatok sa kanilang pintuhan.
"Wonu! Akala ko ba maglalaro tayo?!" Tinig ni Seungcheol mula sa labas.
"Maliligo lang ako, hyung!" Sagot ni Wonwoo sa nakakatanda.
"Sige! Hintayin na lang kita sa kwarto." Sabi pa ni Seungcheol.
"Laro na naman? Puyat na naman aabutin mo jan, Jeon Wonwoo." Biglang sabi ni Migyu na akala mo nanay na pinapagalitan ang anak na inaabot ng madaling araw kakacomputer. "Tas ano? Di ka na naman kakain nyan?" Dagdag pa nito.
"Eh nasabi ko na kay hyung na maglalaro kami ngayon. Saka, di ba magluluto ka naman na? Dalan mo na lang ako don?" Suhestyon ni Wonwoo habang nakayap sa kanya upang lambingin sya nito. Hindi agad sumagot si Mingyu sa kanya. "Please? Lagi mo naman ginagawa yon di ba?" At tila nagpapacute pa sya rito.
"Oo na. Oo na." Kunot nuong sagot ni Mingyu. "Bakit kasi di mo na lang dito ilipat sa kwarto natin yung computer mo? Pumupunta ka pa tuloy sa kwarto ni Cheol hyung." At nakanguso na ito ngayon.
"Di kasya yon dito. Alam mo namang mas malaki kwarto kwarto nya kesa satin." Sagot ni Wonwoo. Bumitaw na sya pagkakayakap kay Mingyu at nagtungo sa banyo. "Maliligo na ako. Magluto kana don." Ngisi ni Wonwoo bago pumasok ng banyo.
"Ano nyo ba ako dito? Kaibigan o tagaluto nyo lang?" Tanong ni Mingyu sa sarili habang naglalakad patungo sa kusina.
Nagluto sya ng kanilang makakain dahil paniguradong gutom na rin ang iba nyang kaibigan at mga pagod mula sa practice kanina. Di nya namalayan ang paglipas ng oras at nagsisibaba na ang iba nya kaibigan upang kumain, sinaluhan nya din ang mga ito. Nang matapos sya ay dumiretso syang kwarto at naligo.
Payamaya-maya ay kumakatok na sya sa pintuan ng kwarto ni Seungcheol. "Wonu... Cheol hyung..." tawag nya rito habang may hawak na try sa kaliwang kamay na naglalaman pagkain na hinada nya para kay Wonwoo at dinamay nya na rin sa pagluto si Seungcheol.
Nang bumukas ang pintuan tumambad sa kanya si Jeonghan. "Nakaheadset yung dalawa, di ka maririnig." Sabi nito at niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan upang makapasok sya.
"Dito ka matutulog, hyung?" Tanong ni Mingyu. Tumango naman si Jeonghan bilang sagot at humilata ulit sa kama upang magcellphone.
Naabutan nyang parehong tutok sa kanilang computer si Wonwoo at Seungcheol. Kaya't nilapag nya na lang muna sa maliit na lamesa ang hawak nyang tray at umupo sa kama.
"Kumain kana ba, hyung?" Tanong ulit ni Mingyu kay Jeonghan.
"Hindi pa. Hati na lang kami Cheol sa niluto mo." Sagot ni Jeonghan at nagsmirk pa ito sa kanya.
"At talagang sigurado kang kasama si hyung sa niluto ko ha." Iiling-iling na sabi ni Mingyu.
"Syempre! Lagi mong pinagluluto yang dalawa na yan tuwing maglalaro ih." At humalakhak pa si Jeonghan.
Hindi na lang sinagot ni Mingyu ang nakakatanda at nagcellphone na lamang sya. Ilang minuto ang lumipas ay biglang napamura si Seungcheol dahil namatay daw ito sa laro at tumayo sa pagkakaupo sa harapan ng computer.
"Han, namatay akooo~" nakangusong sabi Seungcheol at sumubsob ang mukha sa leeg ni Jeonghan.
"Wala akong magagawa jan, Cheol. Kumain ka na muna." Sabi ni Jeonghan sa kasintahan.
Lumapit naman si Mingyu kay Wonwoo at umupo sa upuan ni Seungcheol kanina. Inusog nyang konti ang suot ni Wonwoo na nasa kanan.
"Di ka pa ba kakain?" Malambing nyang tanong dito. Binalingan syang saglit ni Wonwoo at bumalik ulit ang paningin nito sa computer.
"Subuan na lang kita?" Tanong ulit ni Mingyu. Tumango naman si Wonwoo. Kaya't kinuha nya ang pagkain ni Wonwoo mula sa tray at sinubuan ito sa pagkain.
"Subuan mo din ako, Han~" paglalambing ni Seuncheol kay Jeonghan.
"Buo pang pareho ang kamay mo Seungcheol." At dahil don napanguso na naman si Seungcheol. Natatawa na lang si Mingyu sa kulitan ng dalawa. Pinagpatuloy nya ang pagsubo ng pagkain kay Wonwoo.
"Last game mo na yan ha." Paalala ni Mingyu kay Wonwoo nang mamatay ito sa laro. Tumango naman ang kanyang kasintahan. "Sige, hinatayin na lang kita sa kwarto." At hinalikan nya ito sa nuo. Bumalik na din sa laro si Seungcheol. Niligpit nya naman ang kanilang pinagkainan at hinugasan ang mga ito sa kusina.
Nag-eedit ng video sa kanyang laptop si Mingyu nang pumasok si Wonwoo sa kanilang kwarto.
"Hating gabi na ah. You should sleep, baby." Puna ni Wonwoo dito at tumabi ito sakanya sa kama.
"Nalibang din ako habang hinihintay ka." Sagot nito dito.
"Patingin nga." Pinlay ni Wonwoo ang ineedit nyang video. "Ang ganda." Nakangiti nitong komento.
"Syempre. Wala na atang iba pang di kayang gawin ang isang Kim Mingyu." Taas noong sabi ni Mingyu.
"Ang hangin ata." Sabi ni Wonwoo at kunwaring nagmamasid sa kabuoan ng kanilang kwarto, na syang nakapagpabusangot sa muka ng isang Kim Mingyu. "Just kidding, baby." Natatawang sabi ni Wonwoo. "Tama na yan. Bukas mo na lang pagpatuloy yan. Matulog na tayo." Dagdag nya pa.
Sinave muna ni Mingyu ang naedit nyang video bago isarado ang laptop at ilagay side table. Tuluyan syang humiga at niyakap si Wonwoo. Hinawakan naman ng kasintahan nya ang kamay nyang nakayakap dito.
"Wala naman tayong schedule bukas diba? What if mag date tayo? Like, video date. Magvideo tayo sa park?" Mingyu suggest while inhaling the scent of Wonwoo's hair.
"Hm.. I like that. Sure." Tangong sagot ni Wonwoo. "Good night, baby." Sabi pa ni Wonwoo habang hinihila ng antok.
Mingyu just smile. He's excited for their 'video date' tomorrow. He kissed Wonwoo's head and fall into sleep with a contented heart.
BINABASA MO ANG
Off-Cam
RomanceFLASH REPORT!! "The famous Seventeen members are in a relationship! Who are they?!" "The members that you are shipping are real!" "Our ships are sailing!"