Verkwan

0 0 0
                                    

"Hoy Hansol Vernon Chwe! Ang sabi ko sayo wag mong hinahawakan ang pwet ko pag may ibang tao!" Sigaw ni Seungkwan kay Hansol nang makapasok sila sa kwarto nito.

"Sila hyung lang naman yon." Dahilan ni Hansol. Galing silang kusina dahil magkakasabay silang kumain ng hapuan kasama ang ibang nakakatanda.

"Kahit na!" sabi ni Seungkwan.

"I can't resist it." Seryosong sagot ni Hansol sa kanya.

"Can't resist mo mukha mo." Inis na sabi ni Seungkwan, hinagis ang sarili sa kama at dumapa.

"Get up. Kakain mo lang." Mahinang tinapik ni Hansol ang pwetan ni Seungkwan na syang nagpairap sa kanya.
"Are you mad?" tanong pa nito nang makaupo ito sa tabi nya.

"Ay hindi!" sarkastikong sagot nya.

"Then what?" tanong ni Hansol.

"Ewan ko sayo." Sabi nya rito. "Maliligo muna ako." Bumangon sya at tinungo ang banyo.

"Babe, can I join you?" Katok ni Hansol mula sa labas ng pintuan ng banyo.

"Manahimik ka. Maligo ka dun sa kwarto mo." Sagot nya dito.

"Babe?"

Hindi ito sinagot ni Seungkwan at pinagpatuloy lang ang paliligo. Oras ang binilang ng makalabas ng banyo si Seungkwan. Naabutan nya ang kasintahan na kausap ang kapatid nito na si Sophia sa cellphone thru videocall. Mabilis syang nagbihis at lumapit sa kasintahan para kausapin si Sophia.

"Omo. Annyeong Oppa!" Masayang bati ni Sophia sa kanya at kumakaway pa.

"He's not your Oppa, sweetie. He's mine." Sabi pa ni Hansol at inakbayan si Seungkwan upang ipahayag sa kapatid na pag mamay-ari nya ito.

"Jerk. It's not like I'm gonna steal him. I know he's yours." Napairap pa si Sophia sa kapatid.

"Don't listen to him. You know your Oppa is being an alien again." Sabi ni Seungkwan na syang ikinatawa ni Sophia.

"Majayoooo~" Pagsang-ayon ni Sophia.

Nakangiting pinagmamasdan ni Hansol ang dalawang importante sa buhay nya. Ang boyfriend nya at ang kapatid nya. Masaya syang magkasundo ang dalawa. Kulang na lang ay angkinin na ni Seungkwan si Sophia na kapatid nito dahil madalas mag usap ang dalawa. Magaan ang loob nito sa kapatid nya dahil may dalawa din itong ate.

"Ang ganda ng boses ni Sophia no." Sabi ni Seungkwan nang matapos ang tawag. Pinapanuod kasi Sophia sa kanya ang iba nyang song cover. "Mana sakin." Dagdag nya.

"What?" Natatawang sabi ni Hansol. "Baka mana sakin." Sabi pa nya habang nakaturo sa sarili.

"Jinjja?!" Gulat na sabi ni Seungkwan.

"Ne. Ne. Mana na sayo. Kahit kami yung magkadugo." Sagot ni Hansol. Pareho silang natawa.

"Wanna go midnight walking?" Tanong ni Hansol sa kanya. Palalim na rin ang gabi dahil ilang oras din silang nagkwentuhan ni Sophia.

Tumango sya dito. "Kuha lang ako jacket."

"Bakit may hawak ka pang isa?" Tukoy ni Hansol sa hawak nyang jacket nang makalabas silang dorm.

"Para sayo to. Baka lamigin ka sa labas." Sagot nya. Nakadye-hoodie lang si Hansol kaya naisipan nyang dalhan nya ito ng jacket.

Inakbayan ni Hansol si Seungkwan habang naglalakad sila. Pareho silang naka cap at naka mask. Dahil hindi pwedeng lumabas ng walang mask. Aakalain ng iba na tipikal na magkaibigan lang ang dalawa ngunit sa kabila nito ay higit pa sila sa magkaibigan. Ilang taon na ang nakakaraan simula nang umamin sila sa isa't isa na higit pa sa kaibigan ang pagtitinginan nila.

Tumambay sila sa nadaanan nilang play ground. Silang dalawa lang ang tao kaya't sinulit nila ang pagkakataon upang ilan ang oras para sa isa't isa. Parehong nakaupo sa swing at masayang nagkkwentuhan sa ilalim ng buwan at ng mga bituin. Taimtim na nakatitig lang si Hansol kay Seungkwan tuwing ito ang magkkwento, tila ba paulit-ulit nyang kinakabisa ang buong kaanyuan ni Seungkwan. Kahit araw-araw silang nag kikita at magkasama ma, hindi sya nagsasawang tignan at pag masdan ang matatamis nitong ngiti.

Suot nya ngayon ang dala ni Seungkwan na jacket para sa kanya. Pinasuot ito sa kanya ng kasintahan nang makarating sila sa play ground. Mahangin din kasi kaya't ipinasuot ito ni Seungkwan sa kanya. Madalas sinusuri ni Seungkwan ang kalusugan nya pati na rin ng iba pa nilang kaibigan. Halos napaka perpektong kasintahan ni Seungkwan. Hansol knows to himself that he's so blessed to have Boo Seungkwan to his life, who always support him, take care of him, who always there for him.

Inihinto nya ang pag-uga sa swing nya at hinarap nya si Seungkwan na nasa kaliwa nya. Napahinto din naman si Seungkwan sa pag-duyan at tinignan si Hansol.

"Wae?" Natatawang tanong ni Seungkwan. Ngumiti lang si Hansol sa kanya.

Inabot ni Vernon ang mga kamay ni Seungkwan. At dinala ang mga ito sa pisngi nya. Hinalikan nya ang kaliwang kamay nito bago ilapat sa pingi nya.

"I love you so much." Marahang sabi nya kay Seungkwan.

Maluha-luhang ngumiti si Seungkwan. Hindi maitatangging kinikilig sya dahil namumula ang matatambok nyang pisngi.

"Nagpapacute ka ba?" Halos matunaw si Seungkwan sa kinauupuan nyang swing dahil sa kacutean ng kasintahan.

"Am I cute?" Tanong ni Hansol.

"Opkors." Sagot nya habang tumatango.

"Do you love?" Tanong ni Hansol.

"Opkors." Sagot nya.

"Will you stay with me forever?" Muling tanong nito.

"Opkors." Sagot nya ulit. "Ilang ulit mo man akong tanungin o kahit hindi mo na ako tanungin, alam natin pareho ang sagot." Nakangiting sagot ni Seungkwan.

"I love you too." Sabi nya pa.

Lalong lumapad ang ngiti ni Hansol dahil sa sinabi ni Seungkwan na iyon. He admit the he's so whipped to Seungkwan. Mabilis nyang hinalikan sa labi si Seungkwan.

Ilang minuto lang ay tumayo na si Hansol. Inilahad ang kamay kay Seungkwan. Tinanggap naman ito.

"Let's go and make our own planet." Natatawang sabi ni Hansol.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Off-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon