SeokSoo

1 0 0
                                    

"My name is Seokmin, I'm fine, thank you and you?" Kausap ni Seokmin sa sarili sa salamin.

"Hey. Stop that. You look like a fool, babe." Sabi naman ni Jisoo sa kanya.

"Huh?"

"Sabi ko, tigilan mo yan." Pag uulit ni Jisoo.

"Bakit naman?" Takang tanong ni Seokmin.

"Kasi ang cute-cute mo." nakangiting sabi ni Jisoo.

"Nagpapractice nga ako para pag nagkita kami ng parents mo, maiintindihan nila ako." Sagot naman ni Seokmin. Na syang ikinatawa ni Jisoo.

"Babe, parehong koreano mga magulang ko." Natatawang sagot nito.

Napatakip si Seokmin sa kanyang labi. "Ay oo nga pala."

"Saka ilang beses mo na silang nakasama ah. Di kana bago sa kanila." Nakangiting sabi ni Jisoo. Inosenteng napatawa na lamang si Seokmin.

"Matulog na nga lang tayo." Kamot ang ulong sabi nito. Naglakad papuntang kama si Seokmin kung saan sya nakaupo.

"Kantahan mo ko, hyung." Sabi pa ni Seokmin nang makahiga sya sa kama.

"Sure." Sagot ng nakakatanda, tumayo mula sa kama upang makuha ang gitara at muling bumalik sa tabi ng kasintahan.

Nagsimulang paglakbayin ni Jisoo ang mga daliri nya sa string ng gitara. Napakunit ang noo ni Seokmin nang marinig ito dahil pamilyar na pamilya sya sa tugtog na nagmumula sa gitara.

"Sunday morning rain is falling..." Pagkanta ni Jisoo.

"Nagsimula na naman po sya." Napailing na lamang si Seokmin dahil ilang beses nya nang narinig ang musikang iyon. Ngunit kahit gaano karaming beses nya na ito narinig hindi sya magsaasawang pakinggan ito dahil nag mumula ang musika sa bibig ng isang anghel. Di lang mala-anghel na boses kundi na rin pati mukha nito naakalay mong nakakita ka ng anghel na ibinababa sa lupa para paibigin ang isang Lee Seokmin. Pati ang puso nito ay may kasing linis ng isang anghel. Isang Hong Jisoo na hihilingin ng lahat dahil kabaitan at kapurihan nito.

Di pa man natatapos ang kanta ay iniba na ni Joshua ang tugtog ng kanyang gitara. Tinignan nya sa mata si Seokmin bago sinimulan ang pag kanta.

"I would need a million words
If I tried to define
All the things you mean to me, yeah
For you I'd die a thousand lives..." Napakamalumanay ang boses ni Jisoo, tila isang anghel na umaawit.

"Special kind of energy
'Cause love is born when hearts collide
Every time you touch me
You remind me that I'm still alive..." Nang muli syang tumingin kay Seokmin ay binigyan nya ito ng matamis na ngiti.

Natuon ang atensyon ni Seokmin sa kasintahang nagigitra't kumakanta sa harapan nya. Sinuklian nya ito ng ngiti at sinabayan sa pag kanta dahil alam nya ang kantang kinakanta nito.

"So promise you'll never change
And I'll always be the same
We'll be dancing the same groove
When we're ninety-two, the same as seventeen..." Parang kape at gatas ang boses nilang dalawa. Saktong timpla, tamang tama sa isa't isa.

Hinawakan ni Seokmin ang pisngi ni Jisoo at tinitigan ito sa mga mata. Kitang kita sa nga mata nila na masaya sila sa isa't isa. Sinserong tinitigan din sya ni Jisoo sa mata habang ang tugtog ng gitara ay bumabagal pati na rin ang pagkanta nila.

"And I'll never lie to you
Just don't you hold back on me
I wanna love you as strong
When we're ninety-two, the same as seventeen...."

"I love you, my sunshine." Sabi ni Jisoo kay Seokmin nang matapos silang kumanta. Hindi din nila inaalis ang tingin sa isa't isa.

"I love you too." Sagot nito. Hinalikan sya ni Jisoo ng marahan at muling ngumiti sa kanya.

"Matulog kana. Kakantahan kita hanggang sa makatulog ka." Sabi ni Jisoo. Tumango si Seokmin biling sang ayon. Muli syang bumalik sa pagkakahiga sa kama.

Muling tumugtog ng gitara si Jisoo. Pinagpatuloy nya ang kantang kinakanta nila kanina hanggang sa makita nyang tulog  na ang kanyang kasintahan. Maingat nyang itinabi ang gitara upang hindi nya ito magising pa. Nang muli syang makaupo sa kama, tinitigan nya ang mukha nito. Mula sa mata nito, sa ilong nitong napaka tulis na akala mo ay inukit ng isang mahusay na mang-uukit, ang labi nitong kinaadikan nyang lasapin at ang panga nitong nakakasugat sa talim. Halos perpekto ang mukha nilang magkasintahan.

Wala nang hihilingin pang iba si Jisoo, na kay Seokmin na ata ang lahat ng hinahanap nya bonus na lamang ang itsura nito. Ang boses nito na hinahanggan ng lahat, ang pagiging energy ball nito, ang pagiging pala kaibigan nito, ang sense of humor na hinahanap ng iba at may pusong malinis sa sa bagong bond paper.

Kinabukasan nag practice lang ang kanilang grupo simula umaga hanggang tanghali. Bumabalik sina Wonwoo, Mingyu, Seungkwan, Chan at Jeonghan sa kanilang dorm dahil napagod at gustong humiga. Nagtungo naman si Jihoon sa studio nito kasama si Hansol at Seungcheol. Lumabas naman sina Junhui at Minghao upang kumain sa isang chinese restaurant. Nagpaiwan naman si Soonyoung sa practice room dahil may kausap pa itong choreographer.

Dahil nga napag-usapan na nila na bibili silang bagong guitara para sa kanilang dalawa. Heto sila ngayon at namimili ng guitarang bibilhin.

"Hindi kaya ipanghampas lang to ni Ji-hyung kay Soon-hyung pag nagpabili na naman ng tigre?" Natatawang tanong ni Seokmin kay Jisoo habang may hawak na acoustic guitar.

"Baka nga gawin ni Jihoon yon." Tumatawang sagot ni Jisoo.

Ilang minuto pa silang namili ng iba't ibang disenyo ng guitara. Panay din ang tawanan nilang dala dahil parehong nagpapalitan ng kwento at madalas ay nagpapatawa si Seokmin. Nang makalabas silang shop ay dumiretso silang restaurant upang kumain.

Masayang pinagmamasdan lang ni Seokmon ang kanyang kasintahan. Isang lalaking di lang mukha ang mala anghel, pati na rin ang kalooban. Hindi ata nito kayang magalit, isang napaka maunawain kahit kanino, lalaking may respeto at ang lalaking isang ngiti lang ay matutunaw ang puso ng kahit na sino. Mas lalong nahuhulog so Seokmin sa araw-araw nilang pag sasama.

Nang makauwi sila, tinry ni Seokmin ang bagong bili nilang guitara. Nakaupo sya sa kama ganon din ang kanyang kasintahan na pinapanuod sya.

"Sesangi chagawodo
Barame heunnallyeodo
Urin kkocheul piwo nae
When we're ninety-two
The same as seventeen

I son nochi aneulge
Jigeumcheoreom nae gyeote
Yeongwonhi meomulleojwo
When we're ninety-two
The same as seventeen..."

Napakaganda ng boses ni Seokmin. Ang kantang kinakanta nya ay ang korean collaboration nila ng tunay na kumanta ng 17. Titig na titig si Jisoo sa kanyang kasintahan na nagbibigay sigla at kulay hindi lang sa kanya pati na buong grupo nila. Isang lalaking nagbibigay kasiyahan at buhay sa kanya. Hindi buo ang araw nya nang hindi nakikita ang nakakasilaw na ngiti ng kanyang kasintahan. Wala nang hihilingin pa si Jisoo kundi ang makasama si Seokmin sa mahabang panahon.

Off-CamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon