"Naglaro ka na naman ba sa studio ko, Kwon Soonyoung?!" Inis na sabi ni Jihoon sa kasintahan nya. Kausap nya ito sa cellphone, dahil nadatnan nyang magulo ang studio nya kanina.
"Jagiya, relax." Sabi ni Soonyoung sa kanya.
"Ako tigil-tigilan mo, Soonyoung ha." Madalas na lang napapahilot si Jihoon sa katigasan ng ulo ng kanyang kasintahan.
"Pagkatapos ng dance practice ko pupunta ako jan." Pag iiba ng usapan ni Soonyoung. "Bili kita ng coke mo, Jagiya." At duon palang sa linyang yon, lusaw na ang galit ni Jihoon.
"Hays.. sige." Ang rupok pagdating sa coke.
"Hehehehe~ see you, honey. I love you." Magiliw na sabi ni Soonyoung.
"Hmm." At pinatay na ni Jihoon ang tawag.
"Mukang maiinit na naman ulo mo Jihoon hyung ah." Sabi ni Vernon dahil kasama nya ito ngayon sa studio.
"Panong hindi eh, kita mo yang kalat na yan?" Turo ni Jihoon sa mga kalat sa loob ng studio nya.
"Hindi lang naman si Soon hyung yung nandito kanina, pati din si Seungcheol hyung nandito." Sagot naman ni Vernon sa kanya. Di na lamang nagsalita si Jihoon at napailing na lamang.
"I gotta go, hyung." Paalam ni Vernon matapos ang ilang minutong walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Tumango na lamang sya at pinaalalahanang mag-iingat ito.
Dumiretso na lamang sya sa kanyang computer upang duon ibaling ang inis nya. Lunod na lunod na sya sa musikang dumadaloy sa kanyang tenga at tumatagos sa kanyang puso nang may biglang yumakap mula sa kanyang likuran. Binigyan sya nito ng maliliit na halik sa leeg dahil nakasubsob ang mukha nito rito. Alam nyang si Soonyoung ito dahil nanunuot sa ilong nya ang mabangong amoy ng binata na nakatatak na sa kanyang isipan. Halatang bagong ligo ang lalaki dahil mabasa-basa pa ang buhok nito.
"Soonyoung, stop." Mahinang sabi ni Jihoon dito habang tinatanggal ang headset na nakasuot sa kanya. Ngunit nagpaulan pa ng mga halik si Soonyoung sa kanyang buong mukha. "Nagpahinga ka ba muna bago ka naligo?" Tanong nya dito dahil galing itong dance practice. Marahang tumango naman ito sa kanya.
"I miss you." Bulong ni Soonyoung sa kanya atsaka tumigil sa pagpapaulan ng halik.
"Magkasama lang tayo sa dorm kanina." Inirapan nya pa ito.
"Pero namiss pa din kita." At mas hinigpitan ang pagkakayap kay Jihoon.
"Ano ba? Di na ako makahinga sayo." Sabi nya habang marahang sinampas ang braso ni Soonyoung na nakapalupot sa kanya. "Asan na yung binili mo?" Tanong nya pa dito.
"Andon sa table. Tara kumain ka na." Aya ni Soonyoung habang nakalahad ang kamay sa kanya kaya't tinanggap nya din ito. "Umorder na din akong pizza." Sabi pa nito sa kanya ng makarating sila sa lamesa kung nasaan ang pagkain na binili ni Soonyoung para sa kanya.
"Thanks, Jagi." Nginitian nya muna ito bago sinimulang kumain. Nakatanggap naman sya ng kindat mula at sinaluhan sya sa pagkain.
Kapwa ninanamnam ang kinakain nilang pizza nang magsalita si Soonyoung. "Ji, may tanong ako."
"Ano yon?" Binalingan nya ito bago tunggain ang bagong bukas na coke in can.
"Mamili ka, coke o ako?" Diretsong tanong nito sa kanya.
Halos maibuga nya ang iniinom nyang coke dahil sa tanong ni Soonyoung sa kanya. Hinagod naman ng kasintahan nya ang kanyang likuran nang ubuhin sya.
"Soonyoung, walang kwenta yang mga pinagtatanong mo." Sagot nya nang mahimasmasan. Napabuntong hininga't ngumuso na lamang si Soonyoung. "Malamang, ikaw." Bulong na sabi nya.
Abot tenga ang ngiti ni Soonyoung sa sinabi ng kasintahan. "Mahal na mahal mo ako eh no." Sabi pa nito sa kanya habang nagtataas-baba ang mga kilay. Nagdulot naman ng pamumula ng pisngi ni Jihoon dahil sa panunukso nito.
"Oo na. Balik na ko don." Tukoy nya sa harapan ng computer nya kung saan nya ginagawa ang kanilang mga kanta.
"Ji, I love you." Sabi ni Soonyoung kay Jihoon bago tuluyang makaalis sa harapab ng lamesa.
Nginitian nya ito. "Nado saranghae, jagi." Sagot nito dito.
Hindi maitago sa kanilang pareho ang saya at kilig na nagdudulot sa isa't isa. Sa halos limang taon na pag sasama nilang dalawa hindi pa rin nagbabago ang pagtingin nila sa isa't isa, tila bat hindi nagkakasawaan ang mga ito. Kundi, mas tumitibay ang mga samahan nila dahil na rin sa mga pagsubok na naranasan nila. Ngunit pribado pa din ang mga ito tungkol sa relasyon nila sa publiko. Dahil hindi lamang ang kanilang imahe ang masisira bilang artista kundi pari na rin ang kanilang kumpanya at grupong kinabibilangan.
Madalas mang love and hate ang tema ng relasyon nila, hindi naman nila maitatanggi kung gaano sila kalunod sa pagmamahal sa isa't isa. Lalo't pag may oras na sumusobra sa kakasatan si Soonyoung na syang dahilan kung bakit umiinit ang ulo ni Jihoon sa kanya.
Nang sumapit ang gabi na ay napagdesisyonan na nga dalawa na umuwi dahil inaantok na at dala na rin ng pagod.
"Ji, dun ka matulog sa kwarto ko." Sabi ni Soonyoung habang papasok sila sa kanilang dorm. Tumango na lamang si Jihoon at sumunod sa kasintahan papasok sa kwarto nito.
"Maliligo muna ako. May damit pa ba ako jan?" Tanong ni Jihoon kay Soonyoung dahil nakaharap ito sa kanyang cabinet at tila magpapalit ng damit.
"Meron pa. Sige na, maligo kana. Ako na mag aayos ng susuotin mo." Sagot nito rito. Kaya't nagdiretso na syang banyo upang maligo.
Naglabas naman si Soonyoung ng damit ni Jihoon mula sa kanyang cabinet. Inayos nya ang isang t-shirt at boxer sa kama na syang susuotin ng kasintahan. Ilang minuto lang ay lumabas na si Jihoon sa banyo na nakatapis ng tuwalya.
Agad syang niyakap ni Soonyoung pagkatapos na pagkatapos nitong magbihis.
"Ang bango ng baby ko." Sabi nito sa kanya habang inamoy ang kanyang leeg. "Halika, iblower natin yang buhok mo." Sabi pa nito.
Lumapit sila sa side table kung saan hinanda ni Soonyoung ang blower kanina para sa patuyuin ang kasintahan.
"Ako na." Maikling sabi ni Jihoon nang hawakan ni Soonyoung ang blower at itapat ito sa kanyang uluhan.
"Let me do it, Ji. Just sit in the bed." Muwestra pa ng kanyang kasintahan sa katabi nilang kama. Malugod nya naman itong sinunod at sinimulang patuyuin ni Soonyoung ang kanyang buhok gamit ang blower.
Kanina lang ay napipikit na si Jihoon habang tinutuyo ng kasintahan nya ang kanyang buhok. Ngayon ay nakahiga na silang pareho sa kama at nakaunan sya sa braso ni Soonyoung. May kung ano sa kamay ni Soonyoung na nagpapakalma sa kanya habang hinahagot na parang sinusuklay ang buhok nya.
"Ji?" Mahinang tawag ni Soonyoung sa kanya.
"Hmm?" Nakapikit na sagot nya.
"Pwede ba tayong mag alaga?" Tanong nito.
"Ng ano?" Sinalubong nya ang tingin nito na napinagmamasdan sya.
"Ng tigre. Gusto ko talaga non." Nakangising sabi ni Soonyoung.
"Gago ka ba?" Nakasimangot na tanong ni Jihoon. "Malamang hindi pwede!" Dagdag pa nito habang hinihilot ang kanyang sentido.
Napanguso naman si Soonyoung. "Sabi ko nga di pwede." Malungkot na sambit pa nito.
"Bat ba adik na adik ka jan?" Nakapikit na tanong nya. Ang tinutukoy nya ang kaadikan ni Soonyoung sa mga tigre. Halos lahat na ata ng gamit nito sa kwarto ay may imprentang tigre. Maski sa damit, belt, stuff toys at kung ano-ano pa ay mayroong tigre.
"Di ko din alam hihihi." Bungisngis ng kasintahan. "Basta ang alam ko.... Horanghae, Ji." Mahinang sambit nito na syang nagpadilat at nagpatawa kay Jihoon.
"Adik." Natatawang komento ni Jihoon. "I love you too. Matulog kana. Alam kong pagod ka." Sabi pa nya dito. At bumalik sya pagkakapikit.
"Hmm. Ang sweet naman ng bebe ko." Nakangisi pa ding sabi ni Soonyoung. Nang mapansing nakapikit na si Jihoon pinatay nya na ang lamp shade na katabi ng kama. At marahang hinalikan ang tutok ng ulo ni Jihoon.
"Good night,Jagi."
BINABASA MO ANG
Off-Cam
RomanceFLASH REPORT!! "The famous Seventeen members are in a relationship! Who are they?!" "The members that you are shipping are real!" "Our ships are sailing!"