"Hao, pagtapos natin dito kain tayo sa chinese restaurant." Bulong ni Jun kay Minghao dahil katatapos lang magbihis galing sa isang photo shoot.
"Sige. Paalam lang muna tayo kayla hyung." sabi ni Minghao.
Pagkatapos nilang magpaalam, nagpahatid sila sa driver nila sa isang chinese restaurant na madalas nilang kainan na dalawa. Kapwa sila tahimik na naghihintay na maiserve ang inorder nila. Nagmamasid-masid sa paligid si Minghao habang tutok na tutok si Jun sa kanyang cellphone.
"Xie xie." Magalang na pasasalamat ni Minghao sa waiter nang maiserve na ang pagkain nila.
"Hyung, kakain na." Sabi nya sa kasama. Ngunit hindi natinag si Jun sa kanyang cellphone.
"Junhui." Muli nyang tawag. Ngunit hindi pa rin ito lumilingon. Marahan nyang inagaw kay Jun ang hawak nitong cellphone.
"Moon Junhui, sabi ko kakain na." sabi nya dito. Nagpeace sign lamang si Jun sa kanya.
Napairap sa hangin si Minghao dahil lagi naman silang nagtatalo ni Jun sa cellphone nito. Halos bente-kwatro oras na hawak ni Jun ang cellphone nya.
Iniayos ni Minghao ang mga inorder nilang pagkain. Inilapit nya ang mga dapat na kainin ni Junhui sa gawi nito.
"Hao, ang dami nito." Reklamo ni Junhui habang nakapout pa.
"Maayos yan, upang hindi ka magkasakit." Sagot nya rito.
Ngunit karamihan din ng mga iniabot nyang pagkain ay ibinalik sa kanya ni Junhui.
"Mas kailangan mo yan. Pabalik-balik ka pa naman dito sa korea saka sa china. Di mo na naman naasikaso pagkain mo. Tignan mo, mukhang pumapayat ka na naman." Malambing na sabi ni Junhui sa kanya. Ngumiti sya rito at tumango na lamang.
Masaya silang kumain, palitan ng kwentuhan at kung ano-ano pa. Nang matapos sila, nagpicture sila. Si Minghao ang mdalas na nagpipicture kay Junhui, gamit ang mamahalin nyang kamera. Pinicturean bawat bagay nanakakakuha ng interest sa kanya habang naglalakad sila, pati na si Junhui dahil ito ang pinakainterest nya.
"Ang ganda nito." Sabi ni Minghao habang tinitignan ang ibang litrato sa kanyang kamera.
"San?" Usisa ni Junhui. Nilapit naman ni Minghao ang kamera nya dito upang makita nito.
"Eto oh." Pakita sa kanyang nakuhanan.
"Maganda nga. Magandang lalaki din kasi yung nasa picture." Pag-mamataas ni Junhui.
"Mahangin talaga." Bulong ni Minghao ngunit narinug ito ni Junhui.
"Mahal mo naman." Sagot nito sa kanya at sinabayan pa ng kindat. Napangiti si Minghao sa simpleng paglandi ni Junhui sa kanya.
Muli silang naglakad, nauuna si Minghao habang nasa likuran nya si Junhui. Panay ang pagkuha ni Minghao sa paligid. Nagnakaw ng pagkakataon si Junhui para makuhanan ng litrato ang kasintahan, napangiti sya ng maganda ang kinalabasan ng litrato. Ginawa nya agad itong wallpaper nya.
Halos gabi na nang makabalik sila sa dorm nila. Dumiretso sila sa kani-kanilang kwarto nang makapasok sila sa tinitirhan nila. Matapos maligo ni Junhui ay humilata na sya sa kanyang kama at nagcellphone. Minessage nya agad si Minghao.
Jn: miss u baby. Mwohae?
Pero ilang minuto na ang lumipas di pa rin nagrereply si Minghao sa kanya. Kaya't minessage nya ulit ito.
Jn: Yah Xu Minghao!
Ngunit di pa din ito nagrereply. Napagdisesyonan nyang puntahan ito sa kwarto nito.
Pagpasok nya dito nakita nya itong nakikipagkwentuhan kay Mingyu na nasa loob din ng kwarto nito at parehong may hawak ng kani-kanilang camera. Natigil ang dalawa sa pagtawa ng makita nila si Junhui.
"Bakit nandito ka, hyung?" Tanong ni Mingyu sa kanya.
"Bawal ba? Ikaw bakit nandito?" Balik nyang tanong dito. "Isusumbong kita kay Wonwoo." Sabi pa nya.
"Hyung, wag. Alam nya nagluluto ako." Nakangiwing sagot ni Mingyu.
Hinugot nya agad ang cellphone at dinial ang number ni Wonwoo. Sumagot naman agad ito. Niloud speaker nya naman.
"Nasan si Mingyu?" Tanong nya dito.
"Nagluluto." Mababang boses na sagot ni Wonwoo.
"Di ba pag nagluluto sa kusina? Eh bakit nandito sya sa kwarto ni Minghao?" Sabi nya dito. Nilingon nya si Mingyu na ngayon ay nakanguso na.
"Lagot ka." Bulong ni Minghao kay Mingyu.
"Mingyu." Tawag ni Wonwoo kay Mingyu marahil alam nitong nakaloud speaker sya. Mabilis na tumayo si Mingyu bitbit ang camera nya.
"Ito na po, magluluto na nga." Pagkasabi nya non ay mabilos itong lumabas ng kwarto ni Minghao.
Nagtawanan ang magkasintahan pati na din si Wonwoo na nasa kabilang linya pa.
"Lagi na lang tiklop si Mingyu sayo, hyung." Sabi ni Minghao kay Wonwoo. Tumawa lamang ito bilang sagot.
Nang matapos ang tawag. Tumabi si Junhui sa kama ni Minghao.
"Tinawagan mo pa talaga si Wonwoo hyung." Sabi ni Minghao sa kanya.
Muli syang natawa. "Iniinis ko lang naman si Mingyu." Sagot nya dito.
"Isip bata." Sabi ni Minghao. "Kaya lang naman nandito si Gyu dahil pinakita nya sakin yung mga pictures na kuha nya. As usual si Wonwoo hyung subject nya." Sabi nya pa.
"Lagi naman si Wonwoo yung kinukuhanan nya." Natatawang sabi ni Junhui.
"Pictures nila yon noong last week na lumabas sila. Kaya pinakita ko din kay Gyu yung pictures natin kanina." Sabi nito.
Napangiti si Junhui dahil don. Inilapit nya ang mukha nya kay Minghao at nilaparan ito ng halik sa labi. Di magkakailang mahal na mahal nya ito. Ilang taon na din ang lumipas mula nang magkakilala sila. At hanggang ngayon hindi pa din nagbabago ang pagtingin nila para sa isa't isa.
Hindi man ganon ka-vocal si Minghao sa nararamdaman nya para kay Junhui pero bawing-bawi naman sya tuwing ipaparamdam nya ito kung gaano nya kamahal ang lalaking nasa harapan at masayang nakangiti sa kanya.
Ilang oras na din ang nakalipas nang makatulog si Minghao mula sa pagkkwentuhan nilang dalawa. Pinagmamasdan ni Junhui ngayon ang payapang natutulog na si Minghao. Hanggang ngayon ay humahanga si Junhui kung gaano kapursigido si Minghao sa pangarap nya. At masaya syang natutupad ito kasama sya.
Pamaya-maya'y nakarinig syang katok mula sa pintuan. Unti-unting bumukas ang pinto at sumilip si Chan. Mabilis nya itong sinenyasan na huwag maiyak. Maingat syang bumangon sa kama at lumapit kay Chan.
"Pumunta ako sa kwarto mo kanina, para tawagin ka pero wala ka naman don, hyung. Kaya dito ako nagpunta." Mahinang sabi ni Chan. "Tulog si Hyung?" Sinilip pa ni Chan ang natutulog na si Minghao.
"Ye. Nakatulog kanina lang." Sagot nya.
"Hyung, may binili silang pizza. Baka daw gusto nyo." sabi ni Chan. Tumango sya dito at sinabing susunod na lamang sya.
Nang makaalis si Chan, ay lumapit sya sa natutulog na si Minghao at marahang hinalikan sa noo.
"Tulog ka lang jan. Kakain lang ako hehe." Bulong na sabi ni Junhui. At tahimik syang lumabas ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Off-Cam
عاطفيةFLASH REPORT!! "The famous Seventeen members are in a relationship! Who are they?!" "The members that you are shipping are real!" "Our ships are sailing!"