Kalagitnaan na ng gabi at tutok na tutok pa rin si Seungcheol sa kanyang computer dahil sa paglalaro. Bigla nyang nahampas ang lamesang ponaglalagyan ng computer nang mapatay sya ng kalaban at di sinasadyang nagising ang natutulog na si Jeonghan na nakahiga sa kama ni Seungcheol.
"Cheol, di ka pa din tapos jan?" Sabi nya ngunit hindi sya narinig ng kasintahan.
"Hoy Choi Seungcheol!" Malakas na tawag nya pa dito. Ngunit hindi pa din sya nililingon nito dahil nakaheadset ang binata at hindi sya naririnig.
"Ah ayaw mo talaga akong pansinin ha." Tumayo sya sa pagkakahiga at lumapit dito. Napipikon na si Jeonghan dahil nakatulog na sya sa kakahintay na matapos ang laro ni Seungcheol.
Tumayo sya sa gilid nito. At pinagmasdan ang itsura ng kasintahan. Gamer na gamer ang datingan nito. Prenteng nakaupo sa upuan habang ang kaliwa kamay ay ekspertong tumitipa sa keyboard habang ang kanang kamay ay nasa mouse. May suot pa itong headset habang nag sasalita sa mic nito. Nasuot itong salamin para maprotektahan ang mata mula sa monitor at nakasuot ding hoodie na kulay itim na binili nung huli silang lumabas na dalawa.
Napansin naman agad ang presensya nya. Nilingon syang saglit ni Seungcheol at binalik ang tingin sa monitor na syang lalong nakapagpainis kay Jeonghan. Kaya't lumusot sya sa pagitan ng braso ni Seungcheol at kumadong sya sa mga hita nito. Magkaharap silang dalawa ngayon.
Tila ba nalulunod si Seungcheol sa pagtitig sa kanya ni Jeonghan at tumigil ang para lang mahigop sya nito saka sya dinadala sa ibang dimension. At ang nakapagpabalik lang sa kanyang katinuan ay ang narinig nyang tunog mula sa kanyang suot na headset, nag anunsyong namatay ang karakter na kanyang nilalaro. Kaya't binaba nya ito hanggang sa kanyang leeg at walang pasabing sinunggaban ang mga labi ni Jeonghan.
Nang magtagpo ang labi ng isa't isa, nagsalo sila ng mainit na halik ngunit inihinto lang ni Jeonghan ito at tinapik ang pisngi ng kasintahan habang nakangiti sya dito. Umalis sya sa pagkakandong kay Seungcheol at muling bumalik sa kama. Napasigaw si Seungcheol dahil sa frustration na bigla na lamang iniwan ni Jeonghan ang kanyang mga labi. Kaya't bigla na lamang nya pinatay ang kanyang computer, hinubad an suot na salamin at tumabi kay Jeonghan sa kama.
"Hindi bat naglalaro ka?" Ngising tanong ni Jeonghan dito.
"Pagkatapos mo akong ganunin, makakapaglaro pa ba ako?" Tanong ni Seungcheol habang nasubsob sa balikat nya dahil nakayakap ito da kanya.
"Inano ba kita?" Pang-iinis ni Jeonghan.
"Han, kahit kailan ang galing mo talagang mang-inis." Sabi nito.
"Hindi naman kita inaano ah." Natatawang sabi nya.
"Hindi ba talaga?" Tanong pa ni Seungcheol. "Playing safe ka. Ako na ang nabiktima mo." Sabi pa nito.
"Wala akong ginagawa sayo, Choi Seungcheol ha." Sagot nya.
"Pinatigas mo, panagutan mo." Ngising sabi ni Seungcheol.
"Bagong motto mo ba yan?" Pang-iinis pa ni Jeonghan.
"Arghhh! Yoon Jeonghan!" Iritang sigaw nito. Nasyang ikinahagalpak ng tawa ni Jeonghan.
"My poor baby. Ligo kana lang." Suhestion nya sa namumulang kasintahan. "Gusto mo sabay tayo?" Sabi nya na syang nakapagpaangat ng tingin ni Seungcheol.
"Talaga?" Mukang nabuhayan ito.
"Syempre hindi. Naligo na ako ih." Muling pang-iinis nya.
"Jeonghan!" Parang batang pikon si Seungcheol na muling sumubsob sa leeg nya.
"Maligo ka na lang." Sabi nya ulit.
"Hays. Ano pa nga ba?" At tumayo mula sa pagkakasubsob sa leeg ng kasintahan. Inihubad nito ang suot na hoodie at ibinato ang pinahubaran sa basket ng marumihan na malapit sa pintuan.
"Sexy. Choke me, daddy." Komento ni Jeonghan dahil nakalantad sa kanyang harapan ang topless na si Seungcheol. Naghihimutok ang biceps nito at halos malatid naman ang mga ugat nito sa braso patungo sa kamay nito. Napaubo naman si Seungcheol sa sinabi ni Jeonghan.
Jeonghan loves teasing him. But he can't do anything about it. Not only because he loves Jeonghan but because he really loves the effect of Jeonghan whenever he tease him. He feels like there's a wild animals inside him. His heart beats so fast, fast like a running cheetah. He can hear his heart beats louder than an elephant blowing his horn. It may sounds so gay, but he feels there's a million of butterflies in his tummy whenever he sees Jeonghan smiles while teasing him. He can't help but to smile as well. Nasa pangatlong taon na sila ng relasyon nila. Kagaya pa din si Seungcheol ng dati, lunod na lunod sa pagmamahal kay Jeonghan. Di sya hihiling pa ng iba, dahil iisa lang ang Yoon Jeonghan sa buhay nya kahit pa tadtad na sya ng pang-iinis nya dito.
Nakangiting napapailing na lamang sya habang pinagmamasdan ang tumatawa pa rin ma kasintahan.
"Tsk. Tsk. Kung hindi lang kita mahal. Nako..." sabi nya dito.
"Baka ano? Iiwan mo ko?" Nakataas na ang isang kilay ni Jeonghan.
"Ano?! Hindi ah! Hinding-hindi kita iiwan." Nilapitan nya ito.
"Dapat lang no. Hindi ka rin naman makakahanap pa ng ibang Yoon Jeonghan, nag iisa lang to." Sagot ng kasintahan.
"I love you so much, Yoon Jeonghan." At dinampian it ng halik sa labi.
"Nado."|Me too.| Maikling sagot ni Jeonghan.
"Ganon lang? Parang pilit ka naman ih." Nakangusong sabi ni Seungcheol.
"Haba ng nguso mo." Komento naman ni Jeonghan. Lalo namang kumunot ang noo ni Seungcheol. Mabilis na hinalikan ni Jeonghan ang nakangusong si Seungcheol.
"Kahit di ko sabihin alam mong mahal na mahal kita." Seryosong sabi nito sa kanya. Napangiti na sya na halos mapunit na ang mga labi nya.
"Mabuti naman." Para bang nakahingang maluwag si Seungcheol. Tumayo sya at nagtungo sa kanyang cabinet.
"Malapit na nga pala ang birthday ni Wonwoo. Ano ireregalo natin sa kanya?" Tanong nya habang nag-aayos ng susuotin.
"Inaanak?" Natatawang sagot ni Jeonghan. Kaya't di nya mapigilang maibato ang hawak nyang t-shirt dito.
"Gago." Tumatawa rin nyang sabi.
"Di ko pa alam. Tumingin na lang tayo sa susunod na day-off natin." Sabi ni Jeonghan nang makabawi sa kakatawa. Sumang-ayon na lamang sya sa sinabi nito.
"Maliligo na muna ako." Sabi nya pa bago tuluyang umalis at nagtungo sa banyo.
Tulog na ulit sa Jeonghan nang matapos sya sa pagligo. Mabilis sya nagbihis at sa banyo na binlow dry ang buhok upang hindi magising ito. Nang matapos sya sa kanyang night routine ay tumabi na din sya sa kasintahan.
Sinusuklay nya ang malabot na buhok ni Jeonghan gamit ang kanyang mga kamay habang inaamoy-amoy pa ito. Gustong gusto nyang inaamoy ang buhok nito dahil amoy itong strawberry. Pinakatitigan nya ang mala anghel nitong mukha tila ba kinakabisado nya ang bawat ditalye sa mukha nito. Napangiti sya nang maisip na sa kabila ng mala anghel na mukha ng kasintahan ay ang mala demonyo naman nitong pag iisip. Bumaba syang kaunti at muling sinubsob ang mukha nya sa leeg ni Jeonghan. Ito na ata ang pinaka paborito nyang lugar sa mundo. Ito ang nagbibigay sa kanya ng comfort, na hindi sya nag-iisa, na naroon ang isang Yoon Jeonghan para samahan sya sa lahat ng pagsubok nya sa buhay. At malaking pasasalamat nya kay Jeonghan na hindi sya iniwan kahit na sa madilim na parte sya ng buhay nya, hindi sya iniwan nito. Nandoon ang isang Yoon Jeonghan nakaabang para sakanya at binigyan sya ng mainit na yakap.
BINABASA MO ANG
Off-Cam
RomanceFLASH REPORT!! "The famous Seventeen members are in a relationship! Who are they?!" "The members that you are shipping are real!" "Our ships are sailing!"