PROLOGUE

101 5 0
                                    

Warning: This is the edited version of Billionaire Series I. For those who completed the old version of this story months ago, then congratulations.

***

"Sorry, hindi ko sinasadya,"





Hinging paumanhin ko sa nakabungguan ko. Palihim pa akong napairap dahil sa katangahan ko.





"Yeah, whatever." Tipid na ani nito.




Inangat ko naman ang tingin sa lalaking nagsalita. Makapal na kilay, kulay asul na mata, matangos na ilong, mapulang labi at...... at ang adam's apple!




"Done checking me, woman?"





Napakurap ako ng ilang ulit bago matauhan. Bahagya akong dumistansya bago mapahawak sa ulo kong medyo masakit pa dahil tumama ata ako sa yummy abs ng gwapong nilalang na kaharap ko.





'Wait, what? Yummy?'




Mabilis akong napailing sa sariling naisip bago yumuko, "Pasensya na talaga, nagmamadali kasi ako."




Paumanhin ko pa bago tumakbo palayo nang maalala ang pakay ko.





"Late ka na naman," Bungad ng boss ko nang makarating ako sa trabaho.






"S-Sorry po,"





Nahihiya kong tugon. I wanted to voice out kaso palagay ko naman ay wala siyang pakiealam sa eksplanasyon ko. Isinugod na naman kasi sa ospital ang kapatid ko kaya nahuli na naman ako sa trabaho.





"Lagi ka nalang nahuhuli! Tingnan mo, asan ang ID mo ha? Miss Davis, I had enough of you!"





Napayuko naman ako dala ng pagkapahiya bago palihim na sinilip ang bandang leeg. Napamaang pa ako ng makitang hindi ko nga suot ang aking ID. Sa pagkakaalala ko naman ay bitbit ko iyon kanina habang tumatakbo---- hala!





Nakagat ko ang ibabang labi nang maalala ang naganap kanina. Palagay ko ay nahulog ang ID ko noong nakabungguan ko ang gwapong lalaki.



"I'm sorry Miss Davis but you're fired," Inikot pa ng boss ko ang paningin bago sumimangot, "Everyone, focus on your work."





Naiwan naman akong nakatayo sa pwesto ko habang iniisip kung saan kukuha ng pera pambayad sa ospital na bayaran ng kapatid ko.





Bumuntong hininga ako habang naluluhang tumakbo palayo sa lugar na yon. Dumiretso ako sa isang convenience store bago bumili ng dalwang paborito kong beer.






"Nate," I cried matapos sagutin nito ang tawag.





"Hanabi? What the hell happened to you?"





Sinimulan ko namang ikwento kay Nate ang nangyari ngayong araw habang umiinom ng beer.





"Nasan ka ba ngayon? Pupuntahan kita, send me your location. I told you before na sakin ka nalang mag trabaho but you refused my offer,"





Mapait akong napangiti sa kawalan ng maalala ang alok niya noon. Gusto ko mang tanggapin iyon pero masyado nang malaki ang utang na loob ko sakanya.






"Nakaupo sa labas ng isang convenience store. And no, ayaw kong maabala ka pa,"







I ended the call bago bumuntong hininga. Nag ring naman ang phone ko at nang makitang si Nate lang iyon ay hindi ko nalang sinagot. Nakailang tawag pa siya kaya naman naisipan ko nalang i-turn off ang phone ko bago sumandal sa inuupuan ko.







Nate Xenon is a friend of mine, nililigawan niya ako pero hindi ko pa din siya sinasagot. I guess, I just want to stay single for now.





Dumako ang paningin ko sa isang magazine na nakapatong sa table ko. Sa  kakaiyak ko, hindi ko man lang iyon napansin nung umupo ako.






Hindi ko ugali ang mangialam ng bagay na hindi ko pag aari but it feels like something is urging me to take a look at it so I did.







'Golden Billionaire'





Nang buklatin ko ang magazine ay bumungad sakin ang mga mayayaman na tao sa buong mundo na nag aral sa isang sikat na paaralan, 'Golden South University'.






Nakita ko agad ang pangalan ni Nate dahil sa pagkakaalam ko ay doon siya gumraduate.







"Nathaniel Uriel Xenon, also known as 'Nate Xenon'.




CEO of Xen Corporation
Owner of the Worldwide's most famous instruments shop
Single
Former student of Golden South University"






Bahagya akong napangiti ng mabasa ang nasa magazine. Nate is really successful and I must say that I'm very proud of him.





Nag buklat buklat pa ako nang kasali sa Golden Billionaire at nakilala pa ang iba pang mga sikat.





"Montereal.... Villañes.... Artemio,"




Napatigil ako sa pag banggit ng mga surname nang mapadako ang tingin ko sa isang pamilyar na lalaki.





Kung hindi ako nagkakamali, siya ang lalaking nakabungguan ko kanina lamang. Dahil sa kuryosidad ay binasa ko ang tungkol sa binata.





"CEO of ZaeAwn Law Firm? Ay wow," I commented at bahagya pang napatakip sa bibig dala ng gulat.





Teka, ano daw? ZaeAwn? Ang bantot naman non!





Natawa ako sandali sa pangalan ng kompanya niya bago magbasa muli. Pinaka sikat na Law Firm daw ang ZaeAwn at nakasaad pa sa magazine na big time daw ang mga attorney don.





Napasimangot naman ako ng maalala ang pangarap ko noon, sabi kasi ni Nanay ay pangarap ko daw maging isang abogado pero hindi natuloy dahil na rin sa kakulangan sa pera.




'Sana all na nga lang!'





My lips formed an 'o' nang mabasa ang pangalan ng lalaki.








"Shawn Alexzander McDaven,"

_________________________________________

curlyhirako

Wife Of A BillionaireWhere stories live. Discover now