N/N:
Sa lahat ng magbabasa nito, maraming salamat po. Ito ang unang chapter ng kwentong ito (malamang ano po?) Sana nga may magbasa! Bwahahaha, juskolord wala pa ring nagcocomment. Wala tuloy akong ideya kung itutuloy ko 'to! hahaha.
Dedicated ito kay Yortzekai, ate Khai! Update ka na sa He's Dating a Pogay pleassssse :))
RH: 01
"Nice to meet you, where you been?"
TRAVIS POV:
"Trav, ilang beses ko na bang sasabihin sa'yo na itigil mo na ang pagsulat ng mga ganyang bagay. Sinisira mo ang mga image ng taong minahal mo and yung ibang minahal ka." Mahabang litanya ng kaibigan kong si Marie.
"I just can't help it. Dito ko na lang kasi nilalabas ang mga dinaramdam ko. Ilan ba ang sinasabi mong minahal ako? Duh, almost 3 lang naman 'yun." Paliwanag 'ko.
Ang pinagtatalunan namin ay ang mga nobelang ginawa ko para sa mga taong nanakit sa puso ko. Kakatapos niya lang basahin ang huli kong ginawa na ang plano ko talaga eh tragic ending, tss mabuti na nga lang at napigilan ako ng isa kong reader. Nagsimula akong magsulat noong 1st year college ako and now 3rd year na ako, ipinapagpatuloy ko pa rin ang pagsusulat.
"I know, but minsan kailangan mo ding tumigil sa mga ganito. Duh, baka mamaya mabasa pa ito ng mga past relationships mo." Alalang tugon nito sa'kin na ikinailing lang ng ulo ko.
Yung mga relationships na sinasabi niya is tungkol sa mga boys na nakarelasyon ko. You read it right, I'm gay. Hindi mo naman masasabing discreet ako dahil nakikita naman nila ang mga ginagawa ko. No offense sa mga kapwa ko, pero hindi ako cross dresser.
"As if naman na makikilala nila ako sa username ko. Alam ko rin naman na hindi sila nagbabasa sa wattpad." Sagot ko rito na medyo mababakasan na ang inis sa boses ko.
"Okay, okay. Nakakatanda 'yan Trav. So magbabakasyon nanaman, oh my gosh. Wait, you said nung 1st year pa tayo na mayroon kang ex nung high school ka. Pero bakit siya, hindi mo ginawan ng kwento?" Pakshit naman, na corner ako.
"Wala, hindi lang kasi siya interesting na i-kwento pa ulit." Maikli kong sagot sa kanya. Pero ang totoo, ayaw ko na itong balikan pa. It was the story na halos lahat ng nangyari eh tandang tanda ko pa.
"Asus, siguro hindi mo lang kasi ma-kwento kasi wala ka naman talagang naging boyfriend noong high school!" Tukso nito sa'kin na lalong ikinainis ko.
"Meron nga! Meron, okay?" Inis kong sagot at tumayo na sa arm chair namin at hinarap siya.
"Then gawin mong kwento! Para naman malaman ko kung ano ang root case niyang pagiging novelist mo in the wrong way." Sagot pa nito na talaga hinahanamon ako.
BINABASA MO ANG
Remembering Him (COMPLETED)
Short StoryPaano mo makakalimutan ang taong una mong minahal? © JayceeLMejica, 2014