N/N:
IDOL niyo ba si Dorshylover? HAHAHAHA bet niya daw ulit magsulat, pilitin niyo na siya ulit hahahaha. Dedicated itong chapter na ito sa poser na si dorshy hahaha.
Minsan tinatawanan na lang natin ang mga alaala tungkol sa kanya, pero kahit na anong tuwa natin dito ay dadating pa din tayo sa dulo ng istorya na sinaktan ka niya.
RH: 5
"Boys only want love if it's torture."
Naranasan mo na bang sabihan ka nang nanay mo pagpasok mo pa lang nang bahay kung bakit makangiti ka wagas? Ganyan ang salubong sa'kin ng ni Mama pagkatapos ng 'tusok-tusok' session namin ni Toshiro.
Anong sinagot ko?
"Masama bang ngumiti? Nakaka goodvibes daw 'to base sa studies na ginawa sa--." Pinutol na ni Mama ang litanya ko.
"Leche, ngumiti ka hanggang gusto mo!" Hindi lang 'yan! Binato niya pa ako ng throw pillow niyan.
Natawa na lang ako at umakyat sa kwarto ko. Bakit ganun? Kinikilig ako kapag iniisip ko, sayang lang at mauuna siyang bumaba habang nakasakay kami ng jeep, kung parehas lang sana kami ng destinasyon 'edi sana hinatid niya pa ko hanggang dito sa bahay namin?
Siguro nga ganito akong ginawa ng Diyos, dahil kay Toshiro eh unti-unti ko nang natatanggap kung ano talaga ko. Isa akong bakla. Siguro nga na dapat akong maniwala sa kung anong nararamdaman ko na hindi lang puro init ng katawan ang gusto ng mga bakla. Gusto din nila nang pagmamahal.
Naisip ko, bakit kaya ayaw lumabas ng mga same sex na mag-partner? Dapat nga maging proud sila sa kung anong meron sila, mahirap pala ang ganitong uri ng relasyon. Alam niyo ang relasyon na ganito ay parang bagong tubong puno, sa una pag-uusapan ito ng tao. May mga taong gustong putulin ito at mayroon din namang natutuwa dito. Pero habang sa lumalaki ang puno at gumanda ito, masasanay na ang taong makita ito at matatanggap na nila ito paunti-unti.
Kung ganito lang sana, ang mga bakla at kung anong uri pa nang bakla. Kung kaya lang sana nilang maging proud sa kung anong meron sila 'edi sana inspirasyon ko sila sa pagpapatuloy ng ganitong pag-ibig. Hindi natin kailangan ng kung anong batas dahil ang pagbabago ay nasa atin din.
Alam ko naman na alam na nang pamilya ko ang tungkol sa sekswalidad ko dahil sa mga kilos ko. Sinabi nga nila sa'kin na sobra daw ang hinhin ko. Madalas din akong inaasar nang mga pinsan kong bakla daw ako. Hindi na ako magpapaapekto dahil alam ko na ang totoo kung ano talaga ako.
Sa sobrang pag-iisip eh namalayan kong inaantok na ko hindi ko na inabala ang sarili kong kumain pa dahil masyado na akong na-high sa pag-ibig.
**
Maaga akong nagising at nauna pa ako sa alarm ko. Bumangon ako pero nakaupo pa rin sa kama, naisip ko nanaman si Toshiro at napangiti ako. Ngayon na nga pala kami mag-uusap tungkol sa project namin. Mabuti na lang din at walang assignment kahapon.
BINABASA MO ANG
Remembering Him (COMPLETED)
Short StoryPaano mo makakalimutan ang taong una mong minahal? © JayceeLMejica, 2014