RH: 8

4.4K 164 19
                                    

N/N:


Last 2 chapters, official na itong may epilogue bwahahaha. Sa lahat nang nagmamarathon nang maikling kwentong ito, thank you guys. Thanks din sa mga votes na binibigay niyo. Sa mga SILENT READERS nang kwentong ito, leche kayo hahaha de joke thank you din. :)


Dedicated ang chapter na ito kay: juicecoolored, thanks sa votesssss!


RH: 8


"We got lost in translation."


TRAVIS POV:


"Ano nasaan ka na sa sinusulat mo?" Biglang tanong ni Marie sa'kin sa chat.


"Nandito na ako sa pinakaayaw ko na parte." Reply ko dito.


Ilang oras na akong nagtitingin sa facebook at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makuha kung ano ang 'approach' na gagawin ko dito sa chapter na ito. Inaantok na rin ako kaya alam kong dapat babaan ko na ang emosyon.


"Ang hirap no?" Chat ulit nito.


Hindi ko na lang nireplyan si Marie at nag log-out na lang ako ng facebook ko. Nakakailang post na ko nang tungkol sa mga drama ko sa buhay pero kulang pa rin ako sa emosyon, sinabayan ko pa ito nang mga malulungkot na kanta at ngayon ay feel ko na handa na ako dito.


Huminga muna ako nang malalim at inalala muna ang mga dapat kung isulat at itago ang ibang hindi na dapat malaman nang mga mambabasa. Ganito din kasi dapat kapag nagsusulat ka, kailangan mo rin magtira para sa sarili mo parang pag-ibig lang din.


Nang nabuksan ko na ang file ay unti-unti kong nilagay ang kamay ko sa keyboard pero wala talagang gumagalaw na kahit isa man lang sa mga daliri ko. Pumikit ako para alalahanin ito ulit.


Sa wakas, ay nakapagsimula na ako.,.


**


Nandito kami sa classroom, wala pang gaanong tao dahil maaga pa. Halos dalawang linggo na rin kaming hindi nagpapansinan ni Toshiro, well ako hindi naman ako nagkukulang sa kanya. Lagi ko pa rin itong tinetext at minsan lang ako makatanggap ng reply.


Magkatabi kami pero ang tenga nito ay may nakasapak na earphones, sobrang lakas pa nga nang pagpapatugtog nito. Seryoso na ako, naiinis na talaga na ako sa pinapakita niya.


Hinablot ko ang kaliwang earpiece nito na siyang ikinagulat nito.


"Anong problema mo?" Singhal nya sa'kin. Umilling na lang ako at hinila siya papalabas ng classroom. Pumunta kami sa pinakadulong hallway. Bakas na rin ang inis sa mukha nito.


Tumingin siya sa'kin at galit galit ang makikita mo sa mga mata nito. Muli nitong kinabot ang earphones niya na siya talagang kinagalit ko kaya hinablot ko ito ng buong pwersa at pati ang cellphone nito ay tumalsik.

Remembering Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon