N/N:
Paano kung sabihin ko sa inyong kwento ko talaga 'to? Hahahaha. Dejoke lang. Well yung pangalan dito totoo talaga except kay Travis at kay Nero. Actually hindi talaga ito ang dapat na gagawin ko ngayong Christmas Break, yung totoo talaga is entitled My Mr. Right which is the opposite story line of MMW. Biglaan itong kwentong ito.
Dedicated ito kay: ImNOTPerfect16.
RH: 9
"When the flowers that we'd grown together died of thirst."
TRAVIS POV:
Ito na ang huling kabanata ng kwentong ito, ang mga araw na ginagawa ko 'to masasabi kong masyado akong dumaan sa 'emotional stress' ganito talaga ako kapag nagsusulat ako, masyado akong emosyonal.
Habang sinusulat ko ang kwentong ito, walang araw na hindi ko maisip kung bakit ko nga ba 'to ginagawa. Matapos kong gawin ang ikawalong kabanata nito ay duon ko nakuha kung ano ang dahilan ko. Ito ay para makausad ako sa nakaraan ko, to clean myself ika nga nila.
Masasabi kong ngayon sa kabanatang ito ay handa ko nang iparaya ang naramdaman ko kay Toshiro na matagal kong itinago. Pero lahat nang nakuha ko sa relasyon namin ay hinding hindi ko bibitawan.
Natutunan ko sa kanya na dapat pala ang pag-ibig ay hinahawakan mo nang tama, dahil pag nagkamali ka ay pwedeng mauwi sa lahat ang ginawa niyo. Isa pa, dapat din pala nang maturity sa isang relasyon hindi pwedeng laging nagbibigayan lang. Kailangan pala talaga ay aminin mo rin sa sarili mong nagkamali ka.
May mga mambabasa akong sinabing malandi raw ako, ang masasabi ko lang ganuon talaga kapag nasa ganoong edad. Wala pa tayo talagang alam sa mga pwedeng mangyayari dahil iba ang mindset natin pagdating sa ganun.
Kanina pa nag-aantay ang blankong pahina ng huling pangyayari sa kwentong ito, dito iyong nag-umpisa.
**
Kinabukasan nang umaga ng pumasok ako ng school, ay nakita ko agad na nag-aabang si Nero sa gate. Nginitian ko ito bilang pambati.
Binalikan naman ako nito nang ngiti.
"Tara, bumili muna tayo sa canteen maaga pa naman eh." Hinila ako nito at wala na akong nagawa. Hindi ko rin magawang tanungin si Toshiro, ayoko dahil nasasaktan pa rin ako.
Nang makabili kami nang pagkain ay umupo muna kami sa isa sa mga table duon at duon na siya nagsimulang magsalita.
"Gusto kong humingi nang pasensya sa ginawa ko, hindi ko kasi maiwasan. Alam mong may pinagsamahan tayo simula first year ka pa at second year ako. Travis, nauna ako sa kapatid ko. Mahal kita Trav." Hindi na ako nagulat sa sinabi nito bagkus ay ngumiti na lang ako. Nararamdaman ko na ito at higit sa lahat, ngayon ko na rin nalaman ang sagot kung bakit ako pinapalayo sa kanya ni Toshiro.
BINABASA MO ANG
Remembering Him (COMPLETED)
Cerita PendekPaano mo makakalimutan ang taong una mong minahal? © JayceeLMejica, 2014