N/N:
Yehey! May nagbabasa na kahit papano! Hahahaha. Ito yung kwentong hindi ko pa alam kung ano ang kakapuntahan dahil ang nasa utak ko ay ending na agad. Lagi na lang ganito ang mga plot ko tuwing Christmas Vacation hahaha. Nakakaloka!
Bumunot ako sa mga followers ko, de charing lang hahahaha. Dedicated ang chapter na ito kay notiboi06. :)
RH: 02
"Wish you were right here, right now it's all good. I wish you would."
Pagkatapos noong unang araw ko sa section na 'yun ay nasabi kong maayos naman sila kahit papano. Sila Toshiro eh hindi naman bully (base on my observation) sadyang madaldal lang talaga ito at hindi mapagsabihan.
Umuwi ako sa bahay namin pagkatapos pa lang ng klase. Sumalubong sa'kin si Mama na nasa salas at nanunuod ng TV. Noong nagrebelde ako dahil sa tinatamo kong "gender crisis" eh hindi sila nagalit sa'kin, sabi kasi ni Papa bago siya sumampa ulit sa barko na natural lang itong nararamdaman ng mga nasa ganitong edad.
"Musta first day mo? Anak ah? Paalala ko lang, hindi ka na bata. Dapat nagma-mature ka na." Ito ang mga salitang bumungad sa'kin galing kay Mama, tama naman siya. Hindi na ako bata.
"Opo, pagbubutihan ko na po." Sagot ko dito at ngumiti naman siya.
"Kumain ka na. Nagluto na ko." Alok nito pero wala pa akong sa mood kumain. Siya kasi ang nasa isip ko
"Okay, mamaya na lang tayo kumain." Pagkasabi niya 'nun ay dumiretso na ako sa kwarto ko.
Agad-agad akong humiga at bumalik sa utak ko ang imahe ni Toshiro. Siya na ba? Siya na ba ang sugo ng diyos para masabi ko sa sarili kong ganito nga ako?
Bakla ba talaga ako?
Sapat na bang sintomas nang pagiging bakla ang magkagusto sa kapwa niya lalaki? Pero bakit ang sabi nila sa mga bakla na ang mga ito daw ay walang ibang gusto kung hindi tumikhim na kapwa nila at hindi ang mahalin ito at magkagusto.
Possible kaya ang magmahal ang isang katulad ko? Sa isang lalaking lalaki na katulad ni Toshiro? Pero bakit kailangan ng salitang 'pagmamahal'.
**
(Balik tayo sa present kung saan nagsusulat ng kwento si Travis.)
Napangit na lang ako habang tinatype ko ang mga sinabi ko. Alam kong lahat ng mga 'late bloomer' na kabilang sa 3rd sex eh dumadaan sa ganitong confusion. Tapos na ako sa Gender Crisis na sinasabi nila. Tanggap ko kung ano ako.
Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba. Mayroon pa akong gustong idagdag. Pumunta ako sa kusina dahil medyo matagal pa ang pagsusulat ng kabanatang ito. Nagtimpla ako ng aking paboritong inumin, ang kape.
Matapos ito ay madali din akong umakyat sa kwarto ko at bumalik ulit sa pagkakaupo sa harap ng laptop ko.
Huminga ako ng malalim at napangiti ako. Ito, ito ang parteng nagsimula ang lahat.
**
(PAST)
Lumipas na ang isang linggo. Ito pa rin ako nagiisang kumakain sa classroom namin habang ang lahat ng classmates ko ay nasa canteen. Ako na lang ang walang kaibigan sa'min. Hindi talaga ako minsan marunong makibagay sa mga trip nila. Yung mga kaklase ko naman sa nakaraan kong section eh puro tango na lang ang sinasalubong sa'kin kapag magsasalubong kami sa corridors nitong building.
Nang matapos kong kainin ang sandwich na dala ko ay kinuha ko ang inumin ko, sakto naman na may pumasok sa classroom namin na isa sa mga kaibigan ni Toshiro, sa isang linggo na 'yun ay hindi pa rin ako tinatantanan ng utak ko tungkol sa kung ano ang nararamdaman kong kakaiba sa kanya.
Tumabi sa'kin yung lalaking pumasok, alam kong nakatingin ito sa'kin. Ininom ko na lang ang baon kong tubig. Hindi niya itinigil ang pagtingin niya sa'kin kaya hinarap ko na siya.
"What?" Tanong ko, in english para hindi siya masyadong dumaldal.
"Wala lang, by the way ako nga pala si Vincent." Pagpapakilala nito sa'kin na nilakipan niya pa ng pagngiti.
"Kilala mo na naman ako eh." Maikling sagot ko dito at iniwas ko na ang tingin ko at ibinalik na langs sa bag ko ang lalagyan ko ng inumin.
"Yes, ikaw si Travis. Pwede naman tayong maging magkaibigan diba?" Tanong nito na ikinataas ng kilay ko.
"Alam kong hihindi ka, kaya please. Ikaw lang kasi sa section natin ang ganyan. Tsaka para hindi ka laging nag-iisa dito at para makilala mo din ang iba pa nating classmates." Dumadating tuloy sa'kin na isa siyang promodizer ng mga binebentang kung ano sa mall.
"I'm not interested." Maikli kong sagot.
"I don't care, kailangan maging interested ka. Yung class president natin eh nahihirapan na kung pano ihahandle ang cooperation natin."
"Alam mo? Hindi ko alam kung bakit dinamay mo pa pati ba naman president ng classroom na 'to? Seriously?" Irritable kong sagot dito at ikinailing niya na lang.
"Hayy kailangan ko yata ng back-up." Kamot batok nitong buntong sa'kin.
"Buti na lang nandito na sila.. Oy Toshiro! Back-up naman dito!" Sigaw ni Vincent na talagang ikinakabog ng dibdib ko.
Hindi ko na lang namalayan na pumasok na din pala ang mga kaibigan nito.. Kasama si Toshiro.
//COMMENTS//
BINABASA MO ANG
Remembering Him (COMPLETED)
Historia CortaPaano mo makakalimutan ang taong una mong minahal? © JayceeLMejica, 2014