RH: 3

4.9K 179 27
                                    

N/N:


Minamadali ko talaga 'tong kwentong ito eh no? HAHAHA siguro aabot lang 'to kung hindi chapter 9 or chapter 10. Ending na talaga agad eh no? AHAHAHA.


Dedicated itong chapter na ito kay Koya WARHOL. Hahahaha ayan na. Hindi 'to bitin ah? HAHAHAHA :))



RH 3:


"Enchanted to meet you.."


Parang hindi ako makahinga, tae. Parang kung may ano ring gumagalaw sa tiyan ko. Weird. Tumingin si Toshiro sa parte namin. Gusto ko nang tumakbo pero hindi ko magawa. Naninigas ang mga paa ko at hindi rin ako makagalaw.


"Bakit pre?" Puzzled na tanong ni Toshiro kay Vincent, umupo na rin sa iba't ibang arm chairs ang iba pang kaibigan nito.


"Ito kasi si Travis eh, ayaw pa makipagkaibigan! Ikaw nga sumuyo dito!" Medyo inis nang sagot ni Vincent kay Toshiro.


Unti-unti siyang lumapit sa'kin. Napalunok ako.


"Hi." Sabi nito sa'kin, gusto kong ngumiti sa kanya pero ayaw ko dahil magiging unfair ako sa pakikitungo ko sa iba.


"Hello." Maikling tugon ko dito.


Kumuha siya ng upuan at itinapat ito sa upuan ko.


"By the way, ako nga pala si Toshiro. Nice to meet you Travis." Nakangiti nitong sagot sa'kin at makikita mo pa rin ang malalaki nitong tenga na lalong nakakapag pa cute sa itsura nito.


"Hindi ka man lang ba magsasalita?" Dagdag ni Vincent at nawala na ako lalo sa pokus ko.


Anong sasabihin ko?


"Anong sasabihin ko?" Tanong ko kay Vincent. Tapos tumawa si Toshiro.


"Boom basag." Sigaw ni Toshiro, at tinawanan ito nang mga kaibigan niya at pati rin ako ay hindi ko na rin maiwasan ang matawa.


"You know, hindi ka naman namin pinipilit na maging kaibigan mo kami. Pero nandito lang kami if you need help." Ngumiti pa ito pagkatapos ay umalis na ito sa upuan. Nagsisimula na rin kasing magdatingan ang mga kaklase namin..


Nang makumpleto na kami sa classroom ay agad rin kaming nag-ayos ng mga upuan dahil dadating na kami sa ang teacher namin sa Filipino. Ilang sandali pa ay nagpasukan na ang mga kaklase ko sa labas at kasabay na nila si Ma'am.


As usual, sabay-sabay kaming bumati ng pumaosk ito. Napansin ko ang isang plastic na dala ni Ma'am na parang may laman na parang mga dragon seeds? Eh, mukha lang naman eh.

Remembering Him (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon