Tricia pov.
Hi.. Everyone im Triciana Scartell,15yrs, and i have a big brother na sooobbbrrraaangg TAMAD...babangon lang para kumain at pagtapos deretso agad sa computer nya.....
Samantalang ako eto... Nagdidilig ng halaman ng aming mama... Dahil yun nga naatasan nanaman ako kesyo babae daw ako at tungkulin kong gawin ang mga bagaybagay na gawain sa bahay...Minsan ang unfair...bat puro babae ang kumikilos sa bahay pwede naman din mga lalaki..feeling ko tuloy katulong ako dito sa bahay eii.. Samantalang yung magaling kong kuya pasarap lang at puro laro ng computer nya.. Hyyssttt.. Pero kahit ganyan yan malambing at maalalahanin yang damuho kong kapatid pero minsan may pagka O.A pag may ibang lalaking pumupunta dito samin...
Naalala ko panon na may lalaking pumunta dito at manliligaw daw sakin..
kung di ako nagkakamali classmate ko sya nung grade8...
At buti nalang wala non ang papa ko nasa ibang bansa para ayusin ang problems sa kanyang company..
Kaya si kuya ang humarap non.. Samantalang ako kinulong nya sa kwarto ko kesyo bawal daw ako makita ng hampas lupang lalaking yun..... Hysstt.. Ang o.a nya...
Nalaman ko nalang kay mama ang ginawa ni kuya na tinakot nya daw yung lalaki at binantaan na aabangan daw iyon sa kanto at ipapabugbog nya sa mga tropa nya...Kilala kasi si kuya dito samin lalo na ang grupo nilang BlackLabel..sabi-sabi malakas daw ang grupo nila kuya at wala daw ni isang grupo ang gustong lumaban sa kanila o bumangga man lang...
Ewan ko sa kanila may pa grupo-grupo pang nalalaman.....
Nagpatuloy ako sa pagdidilig ng halaman ng may kotche na pumarada sa kapitbahay namin.. Sa totoo nyan wala ng nakatira don dahil lumipat na ng ibang tirahan ang dating may ari nung isang buwan pa at iniwan samin ang susi ng bahay nya dahil dun daw lilipat ang kamaganak nya...Dali-dali ko naman hininto ang pagdidilig ko at tumakbo sa kotcheng nakaparada..saktong paglapit ko yun din ang paglabas ng isang magandang ginang... Mukhang nasa 30's pa ata yung babae dahil bata bata pa ang mukha...
"ammnn.. Hello po kayo puba ang bagong lipat dito? " sabi ko sa magandang babae..
Lumingon naman sya sakin at ngumiti...
"ahh.. Oo kami nga" sabi nya habang nakamiti sakin shete.. Ang puti ng ngipin nya haahah..
"ahh.. Kung ganon sandali lang po at kukunin ko lang po yung susi nyo sa bahay namin.. Kami po kasi ang hinabilinan ng kamag anak nyo"
Sabi ko..
"ahh.. Oo nasabi nga sakin ng aking pinsan na ipinatago nya sa matalik nyang kapit bahay ang susi.. Kung ganon pwede ko nabang makuha at ng makapagligpit narin kami sa aming bagong bahay... At pasensya narin sa abala"
Sabi ng ginang..Kaya nagpaalam na akong kukunin ko lang saglit ang susi..
Tumatakbo ako papunta samin at hinanap si mama dahil sya ang nagtabi nung susi
"ma.. ma.. ma"
"ayy.. Ginuo kang bata ka ano nanaman bang problema mo? "
"pagtinawag problema na agad? Pwede namang may sasabihin lang eii... Nandyan na kasi yung bagong lipat na kapit bahay.. Kailangan na yung key"
"ahh.. Ganon ba o sige bantayan mo na muna to at ako na ang magbibigay"
Sabi ni mama sabay labas ng kusina..Tinignan ko kung ano ang niluto ni mama ng makita ko ay natakam agad ako...bupis kasi ang niluto ngaun ni mama eii.. Masarap syang magluto lalo na pag bupis..
Tingin sa kanan...
Tingin sa kaliwa..
ng masiguradong walang tao dalidali akong kumuha ng kutchara at nilagyan ng bupis.. Titikman ko lang naman ei.. Hhihihi..
Panigurado pag nakita ako ni mama yari talaga ako..."ana.. Luto nabayang pinababantay ko? "
Sigaw ni mama habang papasok sa kusina..
Dali-dali naman akong tinago ang kutchara ng dumating si mama..
"ahh.. Oo ma..ok na"
"ohh.. Sya mag hanap ka ng lalagyan para mabigyan natin ng ulam ang bagong kapit bahay natin.. At dalhin mo sa kanila"
Sabi ni mama..
Sinunod ko naman agad si mama............. ........... ............
Yiiee.. Hi guys sana magustuhan nyo 😊