chapter 10

12 0 0
                                    

Tricia pov.

Nandito na ako sa school ngayon kung nagtatanong kayo kung anong nangyari sa gc na ginawa ay ayun nganga wala ding napala maaarti kasi eii..

Nang makapasok ako sa room ay nandon na ang ibang mga classmate ko at nagkukumpulan na baka pinag uusapan na nila yung plano nila tssk.. Buti pa sila meron na kami nganga wala padin

Nang makaupo na ako ay saktong pasok si kevin

"uyy.. Kevin good morning "naka ngiti kong sabi
"good morning din"sabi nya habang nakangiti at umupo na sya sa upuan nya..

Mga ilang minuto lang ay dumating na yung iba naming classmate at si mokong na napaka seryoso ang mukha, nang makalaupo na sya sa tabi ko ay inasar ko sya

"uyy.. Mokong ang aga-aga nakabusangot kana dyan nagmumukha ka talagang unggoy na badtrip hahaha"asar ko pero sya walang pakeelam kaya sinundot-sundot ko ang pisngi nya pero waley padin

"uyy.. Mokong meron kaba ngayon at dika namamansen? "tanong ko pero sya pinikit lang ang mata nya at umayos ng upo

"mokong.. Huyy"
"tsskk.. Stop calling me mokong may pangalan ako" sabi nya na nakapikit padin
"o-ok? "yun nalang ang sinabi ko..
Sa 3 months na yun ang tawag ko sa kanya ngayon lang sya umanggal so anong problema nito?

"ahh.. Tricia"napatingin ako kay kevin ng lumapit sya sakin

"hmm? "

"ahh... May pupuntahan kaba mamayang uwian? "tanong nya kaya nagtataka naman akong tumingin sa kanya

"ammn.. Wala naman bakit? "tanong ko

"a-ahh.. Yayayain sana kita mamayang uwian kung pwede ka"sabi nya sasagot na sana ako ng ok nang bigla namang sumabat si mokong

"tssk..di sya pwede mamaya "
Sabi nya kaya tinignan ko naman sya ng masama

"at bakit naman?? "tanong ko

"tssk.. May pinapautos yung kuya mo sabi nya isama daw kita"seryoso nyang sabi sakin

"a-ahh ganon ba sa sunod nalang tricia pag free kana"sabi nya na nakangiti..

"tsskk.. Free, free in your dream "

Napatingin naman ako kay mokong ng may ibinulong sya, diko kasi masyadong natinig..

"best"napatingin naman ako kay freyah ng tinawag nya ako at kasunod nya sila yhumi at yung mga kaibigan ni mokong, teka bat magkakasama sila?

"uyy.. Best may good news kami sa inyo yiiee.. Diba wala pa tayong napipiling gaganapin sa role play "sabi nya kaya tumango naman ako ng may pagtataka

"dina matutuloy yun dahil pinalitan ng camping and 3days din daw yon "sabi nya kaya napatingin samin ang mga classmate namin

"legit bayan? "tanong nung classmate namin

"oo naman yun yung sabi nung teacher sa English dept kanina eii.. Papalitan nalang daw nila dahil may mga di sumangayon na studyante sa roleplay kaya naisipan ng mga teachers na yun nalang ang ipapalit sa roleplay "naka ngiting sabi ni freyah
May mga narinig naman akong napa yes at may tumalon talon pa..

"uyy.. Nandyan na si sir"sabi ng classmate namin na nasa unahan kaya nagsi upuan na ang iba

"ok class..sorry to say pero dina matutuloy ang role play na gaganapin at papalitan nalang ito ng camping, ito ang naisipan ng mga teacher sa English dept dahil may mga studyante na nag reklamo so mag ready na kayo ng mga gagamitin nyo for tomorrow  dahil hanggang saturday tayo ron at magpapadala narin kami ng letter para sa parents nyo kaya no problem yung letter nayon ay dapat may pirma ng parents nyo bago sumakay sa bus at kailangan nyo ring magdala ng mga gamit na kakailanganin nyo dahil may mga activity tayo don at pag walang pirma di makakasakay sa bus ok at 8am ang hintayan so be ready class bawal ang Filipino time bukas"sabi ni sir
At nagturo ng mga ilang mga pwede naming gawin pag na trap kami sa isang lugar at tinuruan nya kami kung pano tatabunan yung sugat if wala kaming dalang medKit at hanggang sa naubos nalang ang oras ni sir sa kakaturo ng mga dapat gawin namin pag nagka emergency

At ang sumunod na teacher namin ay di din masyadong nagturo dahil sabi nya magtuturo nalang daw muna din sya sa kailangan naming gawin at nag turo din sya ng mga diy

Hanggang sa nag recess na kaya sabay-sabay ulit kaming nagsi kainan

"uyy.. Best sa tingin mo anong ituturo ng Next sub. natin? "tanong ni riza

"baka ganon din "sabi ko

"hi girl's "napatingin naman kami Kayla josh ng lumapit na sila dito at umupo sa upuan nila

"tssk"rinig kong sabi ni riza hahaha..

Napatingin naman ako banda sa entrance ng canteen ng makita ko si kevin kaya kinawayan ko sya at biti nalang nakita nya agad ako.

"uyy.. Dito pala kayo hinanao ko kayo kanina eii"sabi nya na may pakamot sa batok nya.. Ang cute nyang tignan sa pagganon nya hahaha..

"dito kana umupo may upuan pa naman ohh.. "sabi ko at hikayat sa kanya na umupo dun banda sa tapat ko wala din naman kasi akong katapat eii..

"ahh.. Thankyou"sabi nya at umupo narin

"may baon kaba?  Bat dika bumili? "tanong ko

"ahh.. Oo may baon ako ayoko kasing nakikisingit pa kaya nagbabaon nalang ako"sagot nya sa tanong ko kaya napatango naman ako

"tssk.. Bat pa pumuta dito may baon naman pala"

Hinanap ko naman yung bumulong non rinig ko kasi eii kaso diko kilala dahil masyadong maliit at pabulong yung pagsabi..

"ahh.. Sure bang ok lang na dito ako? "napatingin naman ulit ako kay kevin ng sinabi nya yon

"oo naman ano kaba. "sabi ko

"tsk... Di ok"
Napatingin naman kami kay mokong ng mapalakas onti yung boses nya..
So sya pala yung bumubulong kanina?? Tssk.. Pampam talaga

"tsk. Wag mo nalang pansinin yan kulang sa pansin yan eii"sabi ko at nagpatuloy na sa pagkain ko

"ahh.. Tricia gusto mo? "napatingin naman ulit ako kay kevin ng makita kong inaalok nya sakin yung pagkain nya kaya dun ko lang din napansin kung anong ulam nya..

"wow.. Sinong nagluto nyan? "tanong ko yung ulam nya kasi yung hipon na prinito ano ba tawag sa ganon?  Ah basta..

"ako lang napaaga kasi gising ko kanina kaya nagluto ako at guys eto o marami ako ginawa"sabi nya at nilabas yung isa pang baunan at oo nga andami

"wow marunong kapalang magluto"tanong ni freyah

"ahh.. Oo nasanay lang sa State dahil dun na ako tumitira sa apartment ko kaya nasanay ako magluto"sabi nya

"wow.. Sana all"sabi ko

"uyy.. tricia marunong magluto ohh.. Diba yun yung gusto mo sa lalaki yiiee... Baka naka tadhana kayo hahaha yiiee.. "asar ni freya

"tsk..di lang naman sya yung marunong madami pa dyan"

Narinig ko naman si mokong pero diko nalang pinansin tssk.. Epal talaga

Kumuha na ko dun sa inalok ni kevin at mapapa wow ka nalang ang sarap ei.. Hahahah

"ang sharap"sabi ni Sammy

Ako naman ay nag thumbs up sa harap ni kevin at nginitian sya

"tsk"



............. ......    ......
Hehe.. Thankyou sana nagustuhan nyo😊💕

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fall in Love with my Neighbor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon