chapter8

2 0 0
                                    

Tricia pov.

Hanggang ngayon di parin ako makapaniwala na mag pinsan pala si ate chels at si mokong..

Nandito kami ngayon papunta sa grocery mamimili daw si ate ng pagkain namin para daw sa pag picnic namin...

Hayyy... Kainis naman bat kasi sya pa yung pinsan ni ate?  Akala ko naman babae yung pinsan ni ate chels kasi parang babae yung tinutukoy nya.. Tssk

"ahh.. Ana bili muna kayo ni alex ng mga gusto nyong pagkain habang kami ng kuya mo mamimili narin.. "sabi ni ate Chelsie..
Eii.. Asa namang sasama ako sa mokong nato no..

"ahh.. Ate chels sa inyo nalang ako sasama"sabi ko

"tsk. Bunso ma o.p kalang sa amin kaya sumama ka nalang muna kay...?"

"Alexander"singit naman ni ate chels ng di alam ni kuya ang itatawag kay mokong..

"yuh.. Kay Alexander..pipili lang naman kayo ng mga gusto nyo eii.. Saglit lang din naman kami"sabi ni kua..

Aangal na sana ako ng bigla akong hatakin sa likod ni mokong hanggang sa nakalayo na kami kayla kuya..

"a-ano ba bitawan mo nga ko.. Bat ba hinatak moko? Yoko ngang sumama sayo eii.. "inis kong sabi...

"tanga kaba o tanga lang talaga? Kita mong gustong magsolo nung dalawa makikiepal ka.. "sabi nya at tae to ahh.. Makasabing tanga wagas eii..
Dina ko nagsalita.. Totoo naman din kasi eii..di sa tanga ako huhhh... Ngayon lang kasi ulet nagkita sila ate chels tas makiki epal pako.. Hyystt.. Mali talagang sumama pa ako...
Kala ko panaman ako yung gustong kasama ni ate chels.. Hyysst..

Naglakad nako mag isa palayo dun sa uranggutan nayon tsskk.. Bala sya lilibangin ko nalang yung sarili ko..

Hhmmnn.. San kaya ako pupunta?
Ahh.. Sa NationalBook store nalang..

Tatakbo na sana ako ng biglang may humatak nanaman sa likod ko kaya diko natuloy ang pagtakbo  ggrrr... Kaurat naman kanina pato si mokong ahh..

"hooyy...bitawan mo nga ko.. "pagpupumiglas kong sabi pero wala di parin ako binitawan.. Kainis na talaga huhh.. Pag nasira talaga tong tshirt ko yari sakin to..

"tsskk.. Kababae mong tao Tatakbo ka sa gantong lugar? Mag isip ka nga"sabi nya

"wala ka ng pakiilam don.. "sabi ko at tinatanggal ang kamay nya sa likod ng tshirt ko..

"tssk..manahimik ka nga..tignan mo yung mga taong nasa paligid natin pinagtitinginan na tayo"urat nyang sabi

"bitawan mo na kasi yung likod ko kaurat kana eii. "sabi ko naman

Binitawan naman nya agad ako at ako naman muntikan ng masubsob buti nalang nabalanse ko agad yung katawan ko..

"bat mo nam.. "napatigil naman ako sa pagsasalita ng biglang may mag jowa ang dimaan..

"uyy.. Babe tignan mo sila ohh.. Grabe sila mag talo buti nalang tayo di ganyan.. "sabi nung girl..

Wait.. Teka a-akala ba nila mag jowa kami nitong mokong nato?

"hoyy.. Ate di.. "napatigil nanaman ako sa pag sasalita ng hatakin na naman ako ni mokong at hinatak ako papunta sa... Teka san ba kami pupunta?

"hooyy.. San moko dadalhin? At diko pa tapos kausapin yung babae kanina eii.. "sabi ko habang tinatanggal yung kamay ni mokong sa braso ko tae naman ansakit na eii.. Ang higpit na nung hawak nya sakin..

"a-ouch"daing ko kaya napatigil naman si mokong sa pag lalakad at tinignan ako..

"tssk.. Ano bang problema mo? "sabi nya..

"wala akong proble pero sayo meron tignan mo ohhh.. "sabay turo ko don sa braso ko na namumula na sa higpit ng hawak nya kaya agad naman nya akong binitawan..

"sh*t..sorry"sabi nya sabay tinignan ng maigi yung braso ko..nilayo ko naman agad yung braso ko at agad na naglakad palayo sa kanya..

Kainis sya.. Ansakit nung braso ko huhu..
Pinupunasan ko yung mga patak ng luha ko na unti-unting nalalaglag sa mata ko.. Kainis.. kuya ko nga di magawa sakin yung paghawak ng braso ko ng mahigpit eii..tas sya...huhuhu...

Patuloy lang ako sa paglalakad ng biglang may humawak sa may pulsuhan ng kanang kamay ko ng pag lingon ko ay si mokong nanaman..

"a-ano nanaman ba? "sabi ko habang pinipilit na di umiyak..tae ansakit nung braso ko..

"s-sor.. " di nya natuloy ang sasabihin ng biglang may tumawag mula sa likod nya

"ana" pagtingin ko don sa likod nya ay nakita ko sila kuya at atr chels..

"ohh.. Anong nangyari sayo bunso at bat namumula yang mata mo? "tanong ni kuya ng makalapit na sila samin..

"ahh.. Eii. "
"wait.. Bat namumula yang braso mo huh? "tanong ni kuya na halata ang galit..

"amn.. T-that's m.. "diko na pinatapos ang sasabihin ni mokong at ako na ang nag sabi

"ahh.. Kuya may nakabangga lang ako kanina tas muntikan na syang matumba kaya napahawak sya sa braso ko ng di sinasadya.. "dahilan ko naman.. Alam ko kasing magagalit si kuya kay mokong kahit na pinsan yan ni ate chels eii..

"is that true?"tanong ni kuya at nilingon si mokong at hinintay ang isasagot.. Tinignan ko naman si mokong at sinenyasan sya na tumango...

Napabuga naman sya ng hangin at tumango nalang din..

"ok tara na dun nalang natin gamutin yan sa kotche"sabi ni kuya at hinatak na si ate Chelsie at nauna na silang maglakad kaya sumunod nalang kaming dalawa..

"bat mo sinabi yon? "sabi naman ng katabi ko.. Kahit na naiinis padin ay sinagot ko sya..

"bakit.. Gusto mong makatikim ng sapak kay kuya? Kahit naman na pinsan ka ni ate chels di nya papalampasin yon... At i know walang magagawa don si ate chels pag ginawa yun ni kuya sayo no.. "sabi ko at inunahan kona sya sa paglalakad...

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Bahay
Hayy.. Nakauwi rin.. Nalagyan narin ni kuya ng gamot ang braso ko para di magkapasa madali kasi akong magkapasa kaya ayaw na ayaw nila kuya na nababangga ako o may ibang tao na humahawak sakin ng madiin dahil yun nga nagkakapasa agad ako..

"maaa.. "tawag ko habang papasok sa bahay...
si kuya naman ayon at kinausap si mokong diko alam kung bakit eii. Basta may sasabihin daw sya...

"bakit?"sabi ni mama habang nanonood.. Nangdi naman ako sumagot ay tumingin sya sakin..

"bat may benda yang braso mo? "
Paktay..

"ahh.. Hahahah.. Wala to nabangga lang"sabi ko

"anong nabangga? At asan ang kuya mo at dika man lang nabantayan? "sabi ni mama

"ma naman malaki nako no dinako bata para bantayan"sabi ko naman at hinalikan ang pisngi ni mama..

"oh sya mag bihis kana at ng matignan ko yang braso mo.. "sabi ni mama kaya agad din akong pumunta sa kwarto ko..

Nang makapasok na ko sa kwarto ko ay naligo na muna ako.. Anlagkit kona kasi eii nakakailang..

Nang matapos ay agad akong humiga sa kama ko..
Waaa.. Bat parang ang sarap humiga ngayon? Parang ngayon kolang nafeel yung lambot ng kama hahaha...
Napapikit naman agad ako at nakatulog... ..

Waiitt.. Bat parang may nakalimutan ako?  Ano bayon?  Hyyst bala na matutulog nalang ako.. Waaa...








-----
Ok hahaha.. Hanggang dito muna guys... Thank you sa pag babasa😊💕

Fall in Love with my Neighbor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon