WEANSEL'S POV:
Isang malakas na wasiwas ng hangin ang sumalubong sa mukha ko. Kaya napaatras ako ng tumalsik sa mukha ko ang isang dyaryo. Muntik pa ko mapamura. Pero naalala ko nasa tapat pala ako ng simbahan. Katatapos lang kase ng misa.
"Tol! Mukha ka na namang pinagsakluban ng langit at lupa ah AHHAHAHAHH."Si nico, baliw kong kababata. Wala eh 'di talaga siya normal. Saan ka makakakita ng lalaking naka-liptint at mahilig sa t-shirt na kulay pink. Siya lang namumukod tangi!
"Tigilan mo akong siraulo ka! Hindi ako nakikipagusap sa baliw! Shu! Shu! 'Di kita kilala." Taboy ko sa kanya.
"Aba't put-------", mabilis kong tinakpan ang bunganga ni nico. Pucha na yan magmumura sa harap ng simbahan? Kahit kelan talaga walang respeto.
"Aray! Ano ba!?" Kinagat lang naman ng kumag na'to ang daliri ko. Pasalamat sya nasa simbahan kami.
"Bakit mo ba kase tinakpan bunganga ko? Ha!?", galit niyang batid sa akin. Mukhang nagalit ko ang mokong HAHAHAHHHA.
"Eh kase magmumura ka eh nasa simbahan tayo." Sabay duro ko sa noo nya. Patawa talaga 'tong baliw na'to. Well, kaya nga kami magkaibigan. Parehas 'di normal.
"Ano ako sira? 'Di ako gaya mong si makamura! Na puro mura ang alam! Mura magsalita, mura pa sa lahat. In short kuripot at buraot! Ang sasabihin ko sana 'aba't may PUTO duon." Saad niya sabay turo sa mga 'di magkamayaw na mga paninda sa tapat nitong simbahan.
"G@g#! Sinong niloko mo?" Tumatawa kong balik sa kaniya, pagkatapos ay inakbayan niya ako at maglalakad na sana patungo sa mga PUTO na tinutukoy niya.
"Tama ba ang rinig ko may nagmura sa inyo?" Napahinto kami bigla ng marinig ang tinig na yun. Sana bingi na lang ako o kaya kunin na'ko ng anghel ko sa langit. Pero mali baka si kamatayan pa maghatid sakin sa impyerno. Hindi ata tumatanggap sa langit ng half-mabait at half-demonyo. Kailangan full blood. Kahit kelan talaga sumpa itong sa nico sa buhay ko. Mukhang nangangamoy bigas at munggo na naman.
"Weansel?" Unti-unti kaming lumingon ni nico sa pinanggalingan ng boses. Wala na, katapusan na ng tuhod ko.
"Ah! Haha tito! I mean father! Mano nga po." Tignan mo ang isang 'to! akala mo kung sinong banal kapag kaharap si erpats, tsk!
"Erp--, este father! Hehe ang astig po nung misa, napaiyak po ako kanina. Ramdam na ramdam ko yung mensahe. Grabe parang para sa akin ata iyon ah hahahhhaha." Alanganin kong saad at awkward na ngiti sa taong tingin at boses pa lang matatakot ka na. Hindi dahil isa siyang pari. Kung hindi siya din ang ama-amahan ko.
Yes, isa akong ulila. Pero hindi ko kailangan ng awa ng sinuman. Lalo na kung ang kumupkop at umaruga naman sa akin ay mas mabuti at higit pa sa isang tunay na magulang. Hindi ako galit sa tunay kong mga magulang. Pero kung talagang matino sila at mahal nila ako. Kahit mahirap ang buhay hindi nila ako makakayang ilagay sa tapat ng simbahan habang may isang bagyong bumubulusok sa kasagsagan ng hunyo.
Dahil sa palagay ko hindi ganun ang isang 'Magulang'. Ang ina na hindi kayang mawala sa tabi ng kaniyang anak at ama na handang magsakripisyo mabigyan lang ng magandang buhay ang kaniyang anak. But I guess, naiba yung sa akin. Ako yung minalas.
"Sino ang nagmura sa inyo?" Mahinahon ngunit seryosong batid ni erpats este Father. Mula bata kami tinuruan niya kami ng mga tamang 'ASAL'. Ayaw na ayaw niya ang masasamang salita pabalik sa kapwa. Kailangan daw kahit pa gawan kami ng mali ng iba, mabuti pa din ang igaganti. Ganun siya kasagrado at kabait. Kaya talagang naniniwala akong hindi niya ko anak.
"Ah! wala father. Nagbibiruan lang po kami nitong si weansel. Baka po iba lang ang pagkakarinig ninyo. Alam niyo na dala na din po na tumatanda na kayo." Nakangisi at natatawa pang batid ni nico kay erpats. G@g#! talaga ng isang to! walang pasubali. Sarap ipaking-tape ng bibig.
BINABASA MO ANG
Mask In Me
ActionLahat ng tao sa mundo ay may kani-kaniyang kuwento. Bulok na nga para sa atin ang mga katagang 'Don't judge the book by it's cover'. Dahil hindi natin alam ang bawat istorya sa likod nang mga maskarang nakaukit bilang panangga sa madilim na sikreto...
