Nicholas Pov: The Joker
Aside sa mga naglalakihang buildings sa school na'to at magandang facilities ay ang mga nag gagandahang babae din sa paligid. Tsk! may nagawa ding tama ang ama ko sa tinagal tagal ng panahon. Napabaling ang tingin ko kay weansel na kanina pang walang imik sa gilid ko.
Hawak hawak namin ang maleta at iba naming gamit papuntang gym. May staff kase na nagsabi na duon daw lahat ng freshmen dahil kakausapin kami ng org. "Kung ano man ang iniisip mo pareho tayo hahhahaha."
Napatingin sa'kin si weansel na bakas ang pagkamangha sa lugar. Sa totoo lang ay 'di na bago sakin ang ganitong style ng eskwelahan. Tall buildings, good facilities, iba't ibang gyms at sports hall, plus music hall, atbp. Pero yung bago sakin ay yung separation lagi ng boys sa girls? 'Di ba kami pwedeng pagsamahin? hahahahahaha.
"Dre! grabe nakita mo yung mga sports hall and gyms nila high quality lahat. Parang naka set up lahat according sa sports na gusto mo. Plus may pool area pa takte ilan nga yun?" natawa ako sa reakson ni weansel hahaha bago sa kaniya 'to.
"I think 16 ata?" Kanina kase sa paglilibot namin ang dami naming nadiskubre sa school na'to panay picture pa nga namin eh ahhahhaah ang ganda kase talaga ng surroundings halatang well-organized. Tapos ang gaganda ng mga canteens idagdag mo pa ang mga rooms na nadadaanan namin 'di lang dahil aircon kundi ang ganda ng setting nung rooms. Tiyak gaganahan ka mag-aral.
At may napansin pa'ko high tech sila dito. Kanina iniscan nila kami ng 'di ko alam na gamit bago kami pumasok tapos boom binigyan nila kami ng i.d pass. 'Di ko alam na ganun katindi ang security dito.
"Alam mo ba? 'di ako makapaniwalang ang dami nilang clubs na pagpipilian, kanina yung mga nakita nating music halls, sports, arts, at ano nga yung iba? grabe panalo sa ganda ng set-up. Baka tama si tito nakakagana nga mag-aral dito." Dagdag pa ni weansel habang nililibot pa din ang paningin niya sa kabuuan ng school.
Actually kanina pa kaming 5am dito bakit? Dahil kay tito father hays. "HAhahaha astig nga bro eh, pero alam mo kung ano ang mas pumukaw ng atensyon ko?" napatigil naman siya sa paglalakad at tumingin sakin. Nginitian ko siya ng matamis at sabay nginuso ang mga chicks sa paligid namin hahahah. Ang dami, this is 'heaven'.
"Tsk! babaero pero naka liptint at mahilig naman sa pink na t-shirt, weird" Baling sakin ni weansel at nagpatuloy sa paglalakad, aba bigwasan kita dyan eh. Lagi daw siya nagtataka sa kasarian ko, g@go ba'to? hahahahah. Mula bata tinatanong na niya sakin kung lalaki ba'ko. Porket mahilig sa pink at mahilig mag ayos ng sarili bakla agad? psh! wala kang alam weansel hahahahha.
Sinundan ko sya ng lakad hanggang sa makarating na nga kami sa gym after 1000 years. Grabe sa sobrang lawak at laki ng school na'to napakalayo na ng destinasyon. Kanina din nung naglibot kami, pagod inabot namin pero worth it naman hehe.
Isa pa pala sa namangha ako sa labas ng campus. Para siyang village, kumbaga ang school na'to ang dulo ng village at ang nakapaligid sa kaniya ay puro malls, stores, at mga fast food and restaurants na halatang pang-mayaman.
Parang walang kulang, pinaghandaan, at lahat kumpleto. Na sa pagkakaalam ko ay sakop ng eskwelahan na ito. 'Di mo na nga ata kailangan pang umuwi pa sa bahay niyo dahil nandito na lahat ng kailangan astig ahhahahah. Yun nga lang bago ka pumasok sa village na'to may mga madadaanan kang squatter areas kaya siguro halos lahat ng nandito ay nakasasakyan.
Eh pano yung sinasabi ng tatay kong mga scholars? Hmm. "Pre! hoy tulala ka diyan!?" 'Di ko pansin na nakaupo na pala kami sa bench ng gym na'to. Nilibot ko muna tingin, takte hanep! walang tatalo sa ganda. "Ah wala may naisip lang, grabe securities nila dito noh? high tech?" Sabi ko kay weansel na ngayon ay 'di mapakali sa kinauupuan.
BINABASA MO ANG
Mask In Me
AksiLahat ng tao sa mundo ay may kani-kaniyang kuwento. Bulok na nga para sa atin ang mga katagang 'Don't judge the book by it's cover'. Dahil hindi natin alam ang bawat istorya sa likod nang mga maskarang nakaukit bilang panangga sa madilim na sikreto...
