Weansel's POV:
Boring.
Bad trip.
Bwisit.
Napabuntong hininga ako...
Kanina pa'ko tulala dito sa gym. Hindi ko alam pero kinakabahan ako ng walang sapat na dahilan. Nababaliw na ata ako. "Bakit ba iling ka ng iling diyan?" Napaangat ang tingin ko kay nico na panay jog dito sa gym. Kanina pa siya paikot-ikot. Nahihilo na'ko sa kaniya.
"Wala." I muttered. Tumitig siya saglit sakin at tiyaka napapabuntong hiningang umupo sa tabi ko.
"Baka naman dahil yan sa tama sa leeg mo nung first day brad? magsabe ka lang..." napailing ako, sa totoo lang feeling ko matinding ngawit sa batok at leeg ang nararanasan ko dahil sa pagkakabato ni engkanto ng basurahan sakin. May araw talaga sakin ang babaeng yun!
"Medyo ngawit lang.." walang gana kong saad. Napabaling naman ang tingin ko sa iba pa naming kasamahan na nandito sa gym. At yun na nga puro kami lalaki, kaya siguro stress din ako nitong mga nagdaang linggo wala kaming babaeng nakikita ni nico. "Tss."
"Mamaya pupunta na tayo sa kaniya kaniya nating sports na napili, ready na ba kayo?" tanong bigla ni shawn na pormal na umupo sa tabi ko. Kung umasta 'to parang may ari na ng isang kumpanya. "Excited na'ko hehe.." dagdag pa niya. Kita ko naman sa kislap ng mata niya kahit nakasalamin siya.
"Ako nga din eh.. sa wakas makakakita na din ako ng babae.." sabi naman ni nico na abot langit ang ngiti. Ngayon ko lang napansin, kamukha nga siya ni joker na kalaban ni batman pag may make up. Tama yung tawag sa kaniya ng mga babae nung first day. Mukha talaga kase siyang gwapong demonito. Nakaliptint pa pwe! bakla!
"Wag mo 'kong tignan ng ganiyan weansel alam ko takbo ng utak mo..." sinamaan niya ako ng tingin. "Hindi ako bakla.. kita mo ba'tong biceps, muscles, at abs ko? t@en@ mas macho pa'ko kay tom cruise.." san banda? wala akong ibang nakikita kung hindi patpating katawan.
Pero joke lang yun haahahha katamtaman naman katawan ni nico wala nga lang abs hindi tulad ko. Tamad mag gym 'to eh.
"Mas maganda pa katawan ko sa'yo nico kahit ibenta mo pa yung Mercedes-Benz mo kapalit ko sa babae.." nginitian ko siya ng nakakaloko. "Tiyak ako ang bibilhin.... mukha ko pa lang pantasya na.." natatawang tinignan ko si shawn at nico na parang di mawari ang mga itsura hahahahahahaha. Ang saklap lang kase mukha silang natatae parehao sa ekspresyon ng mukha nila
Minsan lang ako bumanat pero tiyak tiklop ka pag ako na nagsalita. Sa gwapo ko na'to? tss hahahahahaha.
"Iba tama sa'yo nung basurahan siguro weansel.." inis na sabi ni nico hahahaha.
"Pero I somehow agree, ikaw ang tinatawag ng mga babae na 'Mr. Hot guy' at 'Heartthrob ng campus' ngayon eh...ultimo hanggang dito sa building nating mga lalaki kalat yung tawag sa'yo ng mga babae hahahaha" tatango tangong sabi ni shawn na ikinatawa ko lalo. Mga babae nga naman tss..
"Attention students, you may now go to your chosen sports. All of you will be graded according to your performance with your professors. Good luck!"
Nagkatinginan kami nila nico and shawn. Kung sila masaya dahil makakakita na sila ng babae, ako hindi. Malaki kase ang possibility na makita ko na naman si engkanto. Ang babae na yun tsk! wala akong pake, kahit parusahan pa niya ako bahala na...
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Angelica's POV
...
...
...
"Anj? gora na ba kami..?" tanging tango lang ang isinagot ko sa mga kasama kong babae na di ko alam kung sinaniban ng isang daang bulate. Napabuntong hininga ako. Masyadong masakit sa mata..

BINABASA MO ANG
Mask In Me
ActionLahat ng tao sa mundo ay may kani-kaniyang kuwento. Bulok na nga para sa atin ang mga katagang 'Don't judge the book by it's cover'. Dahil hindi natin alam ang bawat istorya sa likod nang mga maskarang nakaukit bilang panangga sa madilim na sikreto...