Chapter 3~ No Chance To Know Him

1.5K 200 51
                                    


CHELSEA RAMOS

"What happened? Is he a fugitive?" I'm curious because I don't want to repeat history. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa.

"I don't know, Chel. He is in shock and he's not strong enough to tell his sad stories. We can wait until he opens up to us." My Mom seems worried and scared. Kaya pala snob at mukhang ayaw niyang makipag-usap nang matagal, because he's deeply wounded when he arrived. That's why he's in a hurry, too.

"Do I know his parents? Maybe he has visited here even once. So I can recognize them," I asked.

"He is from the Guzman Clan."

"Who? Guzman? From Cebu?" I remembered my Dad brought a friend from Cebu. They own a huge ranch and farm.
"What about his gunshot? Sa Cebu pa kaya nanggaling 'yon?"

"I don't know. Pero mukhang hindi naman kalayuan ang pinanggalingan niya, because he still managed to drive despite of his situation."

"Impossible. What are we going to do about him? We can call his family, or maybe his grandparents. Taga saan ba ang lolo at lola niya?"

"No. We won't do anything, Chelsea. Just sit here and be quiet. Don't utter a single word about him. Umuwi ka na rin, may pasok ka pa bukas. Just use the scooter," my Mom suggested.

"What about Raine? Hahanapin ka niya kapag nagising iyon nang hatinggabi."
Nakita ko ang mukha niya na nag-alala rin kay Lorraine. "Okay. Let's go home together," my Mom said, but my heart refused to go home. I want to stay here and take care of him. Hay! What is happening to me? Sigurado, naaawa lang ako sa kaniya dahil mag-isa siya habang may sakit, and I'm so stressed thinking about what he's doing right now. Okay lang ba siya? Masakit ba ang sugat niya? Oh my! Fine. My Mom's a good doctor, kaya sigurado ako na okay lang siya.

Monday bukas. Kailangan kong umuwi dahil papasok ako sa school at may tatapusin pa akong projects. Gigising na lang ako nang maaga para magawa ko iyon. Or, puwede namang magpatulong na lang ako sa mga kaibigan ko.

Lilingon-lingon pa ako habang nagda-drive si Mama ng scooter. I'm worried about that boy. Baka ano'ng mangyari sa kaniya. Wala pa namang tao sa Inn. Kanino siya hihingi ng tulong? Bumalik ang diwa ko no'ng nasa tapat na kami ng bahay namin. Ngayon ko lang naramdaman ang antok ko. Kaya nauna na ako kay Mama na pumasok sa loob ng bahay, paakyat ng kuwarto ko saka, natulog.

I laid down with sleepy eyes. Pero bago ako nawalan ng malay ay nakita ko ang mukha niya when I closed my eyes. His disheveled looks attracted me, and he's even cuter when he smiles.

*****

"Ate Chel! Gising na po! Bakit nakangiti ka r'yan?" Naalimpungatan ako dahil may yumuyugyog sa balikat ko. Si Lorraine. Anong gising na? E, kahihiga ko lang.
"Projects ko!" sigaw ko nang maramdaman ko na may tumatamang init sa pisngi ko galing sa sinag ng araw. "Tanghali na. Bakit hindi n'yo 'ko ginising?" singhal ko, sabay bangon para bumaba ng kusina. Samantala, naiwan ko lang na nakatulala si Lorraine.

"Hindi niyo pa sembreak?" bungad ni Mama sa akin habang nag-aayos ng pagkain sa mesa. Nakita ko rin na ready na ang baon ko at napansin ko na may laman din ang dalawang tupperware sa mesa. Para siguro 'yon sa 'big' client namin. Kumusta na kaya siya? Bakit ba concern na concern ako? Hays!

"Use my scooter," mahinang saad ni Mama na nagpabilog ng mata ko. Excited ako. Ngayon niya lang ako pinayagan na gamitin iyon. "At umuwi ka nang maaga, aalis na ako. I'll use the car."

"Yes po. Ligo na 'ko, Ma!" excited na sabi ko. Ano kaya'ng nakain ni Mama at pinayagan niya ako na gamitin ang scooter para makapunta ako sa school?

Tell Her About Me ( Published Under IMMAC PPH La Gran Lista )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon