Chapter 8 ~Sweet Dance

1.2K 177 41
                                    




CHELSEA RAMOS

“Dude, she’s here!” Paulit-ulit kong naririnig ang sigaw na iyon. Wala namang ibang tao nang pumasok kami ni Myrtle, kaya posible na kami ang tinutukoy nila. Hinahanap ko siya kanina pa, pero hindi ko siya makita.

“Okay, maiwan  na namin kayo,” paalam ni Xander sa amin. Wala pa talaga kami sa mood na sumayaw ng best friend ko. “Kitakits mamaya!” habol pa ni Joram na nakangisi pa sa akin. Nakabuntot naman sa kanila si Wyno.

“Sige, enjoy kayo! Mga babaero, e,” pasigaw kong habol sa kanila. Ilang sandali pa ang lumipas ay medyo inaantok na ako, kaya hinatak ko si Myrtle papunta sa gitna ng sayawan at nakipagsiksikan kami sa mga kabataan doon.

“Magpunas ka nga! Pinagpapawisan ka na!” singhal ni Myrtle sa’kin na itinuro pa ang noo ko. Makalipas ang ilang minuto, pabalik na kami sa upuan namin dahil nakakangalay ang sumayaw.

“Ikaw rin, pawis mo,” puna ko sa kaniya. “Tara ulit! Ganda ng tugtog, ‘no? Reggae.” Favorite talaga naming sayawin ‘yang mga ganiyang tugtugin. Mabagal lang kasi at nakaka-relax.

“Okay, let’s go! Let’s dance hanggang dulo ng music!” natatawang saad ni Myrtle habang umiindak pa. Malapit lang kami sa puwesto namin, dahil nakakapagod kung pupunta pa kami sa gitna ng sayawan. “Let’s dance, while we’re young, beautiful, and free.” Ginaya ko siya at ikinatuwa niya ang sinabi ko. Tinapos lang namin ang music at naupo na rin kami.

“Nakakapagod talaga ang sumayaw,” humahangos na sinabi ni Myrtle.
“Oo naman, talagang lahat nakakapagod, lalo na ang paasahin ka. Haha!” Isang malutong na halakhak ang pinakawalan naming dalawa.

“Pero, nasaan na kaya siya? Hindi mo ba nakita?” Nagbubulungan kami dahil may mga katabi kami. Baka marinig nila ang pinag-uusapan namin. Tahimik lang si Myrtle habang nanonood sa mga sumasayaw.

“Hinahanap mo?” tanong niya at tumango naman ako.

“Huwag mo nang hanapin, dahil papalapit na siya mula sa likuran mo.” Pinandilatan ko si Myrtle. Hindi ako naniniwala. Nakanguso pa siya sa direksyon na sinasabi nito, hindi ako naniniwala pero hindi ko magawang lumingon.

“Seryoso? Huwag mo ‘kong paasahin. Sure ka na papalapit siya?! Myrtle, umayos ka, dahil kinakabahan ako at kinikilig!”

“Ikaw ang umayos! Totoo ang sinasabi ko.” Umiirap pa si Myrtle sa akin. Mukha ngang hindi ito nagbibiro, sabay smile niya at tiningala kung sino man iyon.

“Hi.” Hala! Nagulat ako, pero kunwari lang. He greeted me while sitting on an empty chair beside me. Hindi ako nakasagot. “Can I dance with you?” he added, and I didn’t expect na ilalahad niya ang palad niya sa’kin. Sinulyapan ko si Myrtle at inirapan lang niya ako.

Hindi ko alam kung ibibigay ko ba ang kamay ko sa kaniya. Hindi ko inaasahan ang pagkakataon na ito. “Can we dance, miss?” Natauhan agad ako dahil inapakan ni Myrtle ang paa ko. Nakakahiya! Sinulyapan ko ulit siya, at nakita kong binigyan niya ako ng makahulugang ngiti.


Ipinatong ko ang kamay ko sa palad niyang kanina pang nakalahad. Gaya ng inaasahan, nanlamig ang buong katawan ko nang tuluyang magdikit ang mga kamay namin. Hawak niya ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa gitna ng sayawan. Napaka-gentleman naman nito.

Pang-ilan na kaya akong niyaya niya ng sayaw?  Halos napaigtad ako nang maramdaman ko ang dalawang kamay niya sa baywang ko. Ngayon ko lang napagtanto na slow dance pala ang sasayawin namin. My God! Hindi ako ready! Nararamdaman ko na rin na pinapamulahan ako ng pisngi, at mas lalong nilalamig ang aking katawan.

Tell Her About Me ( Published Under IMMAC PPH La Gran Lista )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon