Chapter 69 : Wake up

6 0 0
                                    

Trix's Point of View

Ang dilim ng paligid . Para bang nabalot na ng kadiliman ang buong paligid . Ni katiting na liwanag ay wala akong makita . Nasaan na nga ba ako ?

Ang alam ko'y kasama ko pa kanina si Mantus sa dalampasigan . Ngunit sa muling pagdilat ng aking mga mata'y kadiliman na lamang ang sumalubong sa akin .

"Please Trix , gumising ka na ." pamilyar ang boses na ito .

Saan ko nga ba ito narinig ?

"You promised me . You promised him . That you will stay alive and happy . Even you push me a million times and call me by Apollyon's name . I will never let you go . Trix . Because , I love you Trix ." a man said .

S-sino nga ba sya ?

"Valkyrie ?" a voice of a girl called him . And in my surprise , it's my voice !

And memories started to rush through my head . Napahawak ako sa aking ulo . Ang sakit sa ulo ! "Arghh !!" hiyaw ko .

"Someone is still waiting for you , baby ." Mantus' voice echoed all over the dark place .

"Mantus ?" tawag ko dito .

Something started to shine from afar . And I saw my beloved Mantus' image from there . "Baby , wake up . Remember , that I am always here . So please , don't be sad and face the future even though I am not with you anymore . Okay ?" he smiled and I nod .

Kailangan kong lakasan ang loob ko . Alam ko namang andito pa rin si Mantus , hindi ko man sya kasama physically , I know that he is still here , protecting me .

- - - - - -

Valkyrie's Point of View

"Kailangan nating balaan ang mga nasa Itaas ukol sa iniulat mo sa amin Lilith ." sabi ni Penelope .

FLASHBACK .

Nag-uusap kami ni Lilith ukol sa napipintong pakikipag-giyera ng mga taga-Underworld dahil sa kanilang paniniwala na sadyang pinatay si Mantus , mula sa naganap na labanan sa Guardian World . Nang biglang bumukas ang pintuan , at iniluwa ng pintuan ang nakatulala na si Fritz .

"Lord Fritz !!" tawag ni Lilith sa binata .

Sinaklolohan namin ang binata na halatang nanlata sa anumang dahilan . "a-anong i-ibig mong sa-sabihing makikipag-giyera ang mga taga-Underworld ?" utal-utal na tanong ni Fritz .

"Uhmm ." nagkatinginan kaming dalawa ni Lilith . Saka sya marahang tumango . "Syang tunay , Lord Fritz ."

"tinuruan ka naman marahil ng iyong ama't ina na wag kang makikinig sa usapan ng ibang tao , di ba ?" sarkastiko kong tanong .

"Pero --"

"Ano bang akala mo sa amin ni Lilith ? Hindi namin ipapaalam sa lahat ang napag-usapan namin ? Ganyan ka ba kawalang tiwala sa mga katulad namin ?" putol ko sa kanya .

Na-iirita lang ako kasi hindi ko inaasahang may ganito pala na ugali ang anak ni Penelope . Bastos . Pero ano man at ano pa'y hindi pa rin tama ang makinig sa usapan ng iba kahit pa kaligtasan at kapahamakan ng sangkatauhan na ang napag-uusapan .

"Tatawagin ko lamang si Queen Penelope upang --"

"Ako na . Baka sabihin nang isa dyan na wala akong balak ipaalam sa kanyang ina ang magaganap pag hindi ako kumilos ." pagpaparinig ko .

At sa isang kumpas ng aking kamay ay napatawag ko na si Penelope upang magpunta sa silid .

END OF FLASHBACK ..

The Final Battle (The Guardians #4) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now