Chapter 66 : Behind the Betrothal

8 0 0
                                    

Valkyrie's Point of View

Habang nagpapahinga'y pinapanuod ko ang lahat sa pag-aasikaso sa katawan ni Trix na lubhang nasugatan sa naganap na labanan . Inilagay ni Arkanghel Gabriel ang katawan ni Trix sa loob ng isang malaking bula sa gitna ng malaking silid sa loob ng mansyon ng mga Ace .

"Magiging ayos lang ba sya dyan ?" tinutukoy ko ang bula na kinalalagyan ni Trix .

"Oo , sapagkat sa ganitong paraan lamang sila maisasalba ." sagot ni Gabriel habang pinagpapatuloy ang kanyang ginagawa .

"Sila ? Anong ibig mong sabihin ?" nagtatakang tanong ni Fritz .

Hindi sumagot si Gabriel na animo'y mayroong sikretong itinatago mula sa amin . Nanahimik na lamang ako habang patuloy ang panunuod kay Trix na nakalutang sa loob ng bula . Para syang natutulog lamang kung iyong pagmamasdan .

Napatungo ako , kung hindi dahil sa akin , kung hindi dahil sa akin hindi sana aabot sa ganito ang lahat . Hindi sana mababalot ng matinding kaungkutan si Trix . Hindi sana mamamatay  si Mantus . Wala akong karapatang mag-alala o kaya'y manatili pa dito . Dahil isa akong masamang nilalang .

"Wala kang kasalanan ." tumingala ako sa nagsalita , at nakita ko si Penelope na nakatingin sa kanyang anak habang isa-isa silang nagsisi-alisan sa loob ng kwarto . Ibinalik ko ang tingin ko sa lupa , hindi ko kayang tingnan man lang ni laylayan ng damit ni Trix .

"May mga nilalang talaga na sadyang halang ang mga bituka . Gagawin ang lahat makuha lamang ang kanilang ninanais kahit may masaktan pang iba ." she added .

Iniangat ko ang aking tingin kay Trix . 'Sorry Trix . Ako ang dahilan ng kamatayan ng mahal mo . Kung hindi sana kita dinukot --' naputol ang pag-iisip ko ng maramdamang may kamay na humagod sa likod ko . Napatingin ako sa nagmamay-ari nito .

She smiled . "You know what ?" ibinalik nya ang kanyang atensyon kay Trix . "I agreed to the betrothal Apollyon made between my children and his . Not because I want a strong bond toward his family ." tumayo ito at humakbang palapit kay Trix . "Mantus is a good guy . Alam ko yun mula sa umpisa . Pero may lihim ang agreement namin na iyon . And I never thought that you will seek revenge toward me through my daughter . I didn't thought that , that feelings you have for her is true ."

"Bakit mo sa akin sinasabi yan sa akin ?" tanong ko .

Lumingon sya at ngumiti . "I want you to be her partner for eternity . Please , take good care of them as soon as this chaos ends ."

Natigalgal ako sa kinauupuan ko . Ano daw ?

She disappeared instantly , leaving me with the lifeless-like body of Trix . Leaving me with a huge question  mark .

Why are they using plural terms ? Like 'sila' and 'them' ?

Huminga na lamang ako ng ilang ulit hanggang sa kumalma na ako . Tumayo ako at namulsa while watching her inside the bubble . "She may betrothed you to me . Pero ang pagpayag ay nasa iyo lamang Trix . Wala ng pilitan , wala na . All I want is to protect you and make you happy from now on . So please ."  humakbang ako palapit sa bula . "Wake up ."

A.N : Betrothal , betrothal . Lagi na lamang tinatakda ang mga bagay-bagay .

The Final Battle (The Guardians #4) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now