Chapter 73 : Alliance

5 0 0
                                    

Valkyrie's Point of View

Habang mag-isa akong naka-upo sa aking tahanan , napapa-isip ako . Kamusta na nga ba si Trix ngayon ? Ayos lang ba sya ? Inaalagaan ba sya ng Arkanghel na iyon ? Kamusta na ang ... Bata ?

Napabuga ako ng hangin sa kawalan . Sino ba ako ? Sino ba sya at nangyayari ito sa akin ? Ano bang meron at mula ng dumating sya sa buhay ko'y lagi na lang pag-aalala at pasakit ang nararamdaman ko ?

Tanga ba talaga ako ? She is already owned by someone but here I am , still hoping for her attention , for her love to be mine.

"Penelope , ano ba ang ginawa mo ? Pinaglalaruan mo pa rin ang damdamin ko ." Bulong ko sa aking sarili.

Sumandal ako sa head board ng aking kama . Marahang hinaplos ang pwesto ni Trix noong sya ay aking dukutin . I can see her lying there , curled like a fetus inside her mother's womb .

Pumikit ako upang iwaksi ang ilusyong iyon.  I want to rest . I want to end this sufferings . I want to end up my life with no meaning .

Nagsimula ng bumigat ang talukap nang aking mga mata ng biglang may lumitaw na nakakasilaw na liwanag sa aking harapan . Pilit kong nilabanan ang liwanag pero ako'y nagapi . Hinarang ko ang aking braso sa aking mukha para mabawasan ang pagkasilaw sa liwanag .

Minuto ang lumipas at nawala na ang liwanag , nakita ko ang malalaking pares ng mga pakpak na kasing liwanag ng araw . Bumukas ito at iniluwa ang dalawang nilalang na hindi ko inaasahan .

"Anong ginagawa mo dito ?" Tanong ko dito . He put the sleeping Trix on the bed .

Umalis ako doon at pinanuod ang kanyang ginagawa . Inayos nya ang buhok ni Trix , inilugay iyon at gayundin ang kanyang damit.  She is still weak in a first glance . Marahil , dahil ito sa bata sa kanyang sinapupunan . Over fatigued ito dahil sa enerhiyang kanyang inilabas at sa injury na kanyang nakuha sa pagliligtas kay Mania sa Guardian World . Dagdag pa sa isang maliit na nilalang na kumukuha ng kanyang enerhiya mula sa loob .

Gumawa si Gabriel ng parang shield sa paligid ng higaan . Gumagawa ito ng parang ilusyon mula sa loob .

"Anong ginagawa nyo dito ?" Tanong ko kay Gabriel ng matapos na ito .

Huminga ito ng malalim at saka ako tiningnan sa aking mga mata . "There is an enemy who is more dangerous than the Fallens ."

- - - - -

Trix's Point of View

Naalimpungatan ako ng makaramdam ako ng panunuyo ng lalamunan ko . Nagpalinga-linga ako at isang kakaibang kapaligiran ang nakita ko .

"Nasaan ako ?" Kinakabahang tanong ko sa aking sarili .

Agad akong natigilan ng makaramdam na ako ng yabag na papalapit sa akin. Muli akong humiga at nagkunwaring tulog . "Ikaw na muna bahala sa kanya Valkyrie . I will make a signal and aura disturbance sa paligid upang di kayo ma track . Ingatan mo sya dahil ako mismo magdadala sa iyo sa tiyak na kamatayan ." Sabi ng isang pamilyar na boses .

Si Valkyrie ? Si Gabriel ? Anong nangyayari ?

Isang malakas na pagaspas ng kanyang mga pakpak ang nagbigay sa akin ng hudyat upang ipikit ng mariin ang aking mga mata . Nang mawala ito , dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata. Iginala ko ang aking paningin hanggang sa makita ko ang puro pilat na likuran ng isang lalaki . Si Valkyrie .

Huminga ako ng malalim at saka dahan-dahang bumangon . Ang bigat ng tyan ko . Dumako sa aking tyan ang aking mga mata at nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.  "Anong ?!" Bulalas ko .

"Trix ." Sumaklolo si Valkyrie . Inalalayan ako nito na maka-upo . "Okay ka lang ba ?" Tanong nito .

Tiningnan ko sya na halos maiyak na ako . Bakit ?! "Bakit may .. " itinuro ko ang malaki kong tyan.  Ito marahil ang nagpapabigat sa aking katawan .

Umiwas ito ng tingin. Tiningnan ang tyan ko at saka ito marahang hinaplos . Idinikit nya ang kanyang tenga sa aking tyan at saka ngumiti habang nakapikit na parang may pinakikinggan . "Wag kang maingay , natutulog sya ." Anito .

"Ano bang meron ?! Paanong ?!" Hindi ko matapos ang mga sinasabi ko . Kinakabahan ako .

Paano ? Paanong nabuntis ako samantalang .. birhen pa rin ako ?

"Mantus left you a gift ." Sabi ni Valkyrie .

Natigilan ako . Ito ba ang tinutukoy ni Mantus bago sya mamatay at sa aking panaginip ? Hindi ako makapaniwala.  Pero paano nangyari ?

"Celestial creatures like you aren't like humans . They can produce babies whenever they like . They can do it with numerous intercourses because of lust . But you and Mantus made a baby with love ." Parang may bumara sa kanyang lalamunan ng sabihin nya ang huling salita . "You are special Trix.  This baby is so lucky to have a mommy like you ." Dagdag nito .

"Valkyrie ." Tawag ko sa kanyang pangalan .

"To be called by you is like a music in my ears . But hearing him snoring is like a masterpiece in my ears ." Tinutukoy nya ang bata sa sinapupunan ko.

"So , panget pala ang boses ko ?" Tanong ko dito sabay nguso .

Tumawa ng malakas si Valkyrie pero agad syang tumigil at hinaplos ang aking tyan . "People are special in their own way. " Nagseryoso ito at hinarap ako . "But remember , the battle is near . The battle where the future of the world will be decided ." Lumapit sya at hinalikan ako sa noo . "I will fight for the both of you ." Tumayo sya at saka nag ayos ng sarili .

"Saan ka pupunta ?" Tanong ko dito .

"Andyan na ang kapalitan ko ." Bumagsak mula sa lupa ang puting nilalang na kanina'y kausap nya . Ngumiti ito sa akin at saka nakipagtanguan kay Valkyrie .

Valkyrie left and Gabriel sat beside me . Hinalikan nya ako sa tungki ng aking ilong at saka hinalikan ang tyan ko . "Kamusta na ang pakiramdam mo ?" Tanong nya sa akin .

Inismiran ko ito at saka humalukipkip . "Bakit mo pina-alis si Valkyrie , puting ibon ?" Pagsusungit ko dito.

"I missed you ."

A.N : Kenekeleg eke !!!

The Final Battle (The Guardians #4) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now