Chapter 72 : Only Way

15 0 0
                                    

Fritz's Point of View

Tahimik kong pinagmamasdan ang kapatid ko . Parang wala na itong kabuhay-buhay kumpara noon . Lihim kong naikuyom ang aking kamao . Naiinis ako , nagagalit ako . Pero naisip kong wala ding magagawa ang pagka inis at galit ko . Nangyari na ang nangyari.  Namatay na si Mantus , at wala akong nagawa. Ang tanging magagawa ko ay protektahan ang dalawang babaeng pinakamamahal ko .

Hinawakan ko ang kamay ni Trix. Marahang hinaplos ito. Matagal nang panahon mula ng mahawakan ko sya ng ganito. Matagal na mula ng maging close kami . But I really wonder , naging close ba talaga kami ?

"Sorry Trix , wala akong nagawa . Ngayon , naiipit na tayo sa labanan ng mga Archs at Fallens. " Lumunok ako upang mapigilan ang luhang nais kumawala sa aking mga mata.  "Wala akong kwentang kapatid , at fiancee. " Yumuko ako at tinago ang pagtakas ng aking luha.

"Ang ingay mo naman. "

Napatingala ako . It's Trix na nakapikit pa rin. Nakita ko ang pagngisi nya kasabay ang paghawak nya sa kamay ko. "Trix !! Gising ka na !!" I almost jumped for joy when I saw her smile .

Pero sa pagbukas ng kanyang mga mata , natigilan ako. "Gising na nga . Papatulugin mo ba akong muli ?" She chuckled .

Mukhang hindi nya iyon napansin.  Her eyes .. looks like ..

"Labyrinth .."

"Gabriel ? Bakit nandito ka ?" Nagtatakang tanong ni Trix .

Hindi nakapagsalita si Gabriel , marahil nakita na nya ang mga mata ni Trix .

"Napipi na kayo dyan . Anong nangyayari ?" Kinakabahang tanong ni Trix.

"Ahhmm . Sorry . Fritz , can you please give us a minute or two ?" Paalam ni Gabriel . Tinitigan ko ito , at tama nga ako.  Napansin na nga nya . Tumango ako at humalik sa pisngi ni Trix .

"Everything will be fine , Trix ." Bulong ko sabay ngiti sa kanya.

Naguguluhan man , ngumiti ito kahit may pag aalinlangan . "Tell me lots of stories Fritz , pag magaling na ako ." Anito .

Tumalikod ako at naglakad palabas ng kwarto . Leaving Trix with the Archangel Gabriel .

Trix's eyes showed us that there is another life inside her . But it's father is the late Fallen prince .

"Tsk . Bakit ngayon pa ?" Bulong ko sa aking sarili .

- - - - -

Third Person's Point of View

Some theories shows that the humans came from the angels . They are the blessed creatures of the Creator . Pero dahil sa kasakiman , nabuo at nalikha ang mga Fallen at ang mga tao.

In order to help His creations , nagpadala ang Maylikha sa mundo ng mga tao ng kanyang mga disipulo - ang mga Keys .

Binasbasan nya ang mga itong sila ay magiging natatanging nilikha . Ang mga susunod na Keys ay ipanganganak lamang ng mga supling ng mga Keys . Isang babae at isang lalaki na nagtataglay ng Soul Key na susi upang mapanatili ang kapayapaan at maging sanhi ng walang hanggang kaguluhan sa mundo.

Other archangels volunteered to be their guardians in order to help them out for the life-long mission The Creator gave them. And some Fallen angels swore that they will balance the system by being the Keys' guardian and help them out with the mission .

Sa pagkakataong ito , nagka-isa ang dalawang panig . Ang mga Fallen at mga Archs .

Natatangi man , sa lakas , sa pag iisip at pag uugali . Isang malaking pagsubok ang pagbubuntis ng isang Key.  Dahil pag hindi na nakontrol ng babaeng Key ang kapangyarihan nito , maaring sya mismo ang makasira ng buong mundo .

Penelope's Point of View

"Alam ko . Alam ko anak ." Sabi ko kay Fritz na pumasok sa aking silid.

"Alam mo pala eh . Pero wala kang ginawa ! Paano kung mamatay ang kapatid ko ? O kaya nama'y masira na mismo ang pinoprotektahan namin ? Ano pa ang silbi ng pagkalikha namin ?!" Galit na sabi nito.

Pinalig ko ang aking ulo . Oo , maaaring mangyari iyon pero , malaki ang tiwala ko sa anak ko.

"Mama !!" Tawag sa akin ni Fritz .

Tiningnan ko sya sa sulok ng mata ko , galit na galit ito.  Hindi nya marahil inaasahang mangyayari ito.  Wala nang aagapay sa kapatid nyang si Trix dahil napaslang na si Mantus.

Pero sa halip na sagutin sya , I warped into Trix's room.  Kailangang may gawin na ako.

"Penelope ." Tawag ni Gabriel.  Nanatili ito sa tabi ni Trix na nahihimbing nang muli .

Nag aalala ako , ang katawan nya ay lubhang mahina kumpara sa katawan ko noong pinagbubuntis ko sila ni Fritz.  At saka andun ang asawa ko para umagapay sa akin.  Ang meron lang si Trix ay si Gabriel at Valkyrie .

"Bumalik ka na sa Itaas Gabriel.  Ako na bahala dito . Magiging -"

"Huwag mong sabihing .." he paused and looked at me pero hindi ko sya inabalang tapunan ng tingin. "HINDI MO PWEDENG GAWIN YAN !!" Sigaw ni Gabriel. He pulled me by my wrist at inilayo kay Trix . "Hindi ko hahayaang gawin mo ang isang kasalanan Penelope ! Hindi ! Hindi kay Labyrinth !!" Determinadong sigaw ni Gabriel .

"Pero .. ito lang ang paraan para maligtas ang lahat ." Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na mawalan na nang pag-asa .

KLLLING !!

Sabay kaming napatingin sa bumagsak na bagay sa sahig . Nanlaki ang mga mata namin ng makita ang kutsilyo na hugis feather ng ibon.  "DADAAN KA MUNA SA AKING ABO BAGO MO YAN GAWIN KAY LABYRINTH !!!" He snapped his wings open . Isang nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa kanila ni Trix . Tinakpan ko ang aking mukha para maitago ang aking mga mata.

Minuto ang lumipas . Nawala ang liwanag.  And I saw myself alone in the empty room . "Patawad , anak ko ."

A.N : Preggy si Trix . Emeghed !!!

The Final Battle (The Guardians #4) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now