Chapter 71 : Truth Behind Betrothal

5 0 0
                                    

Valkyrie's Point of View

Natigilan ako ng sa paglapit ko kay Trix , ay nagsimula nang gumalaw ang kanyang daliri - senyales na may malay na ito .

"Trix ?" tawag ko dito .

Pero tila wala ito sa sariling tumingin sa direksyon ko . Napaatras ako ng bigla itong sumugod sa akin . "Sino ka ?" ani ng boses na sa pagkakatanda ko'y hindi boses ni Trix . Kakaiba ito di tulad ng malambing na boses ni Trix .

"T-Trix , ako ito , si Valkyrie ." sa patuloy kong pag-atras ay hindi ko na namalayang umabot na ako sa pader ng kwarto . 'Cornered na ako , anong gagawin ko ? Tila wala sa sarili si Trix .' sa isip ko .

"Labyrinth ?" napatingin kaming dalawa sa nagsalita . Si Gabriel iyon . Tila gulat ito sa naabutan .

"A-anong nangyari kay Trix ? Tila wala sya sa sarili ng magising sya ." sabi ko kay Gabriel .

"Puting ibon ?" biglang tawag ni Trix kay Gabriel .

Tila bata ito na ngumiti at tumakbo palapit sa bagong dating . Sa biglang pagsugod nito sa Arkanghel ay napa-upo sa sahig ang lalaki at natatawang hinimas ang ulo ni Trix na animo'y wala silang ibang kasama . "Matagal na mula ng huli mo akong tinawag na ganyan Labyrinth ." sabi ni Gabriel . Tumingin ito sa akin at sumenyas na wag muna lumapit .

"Malapit na ang nakatakdang araw ah . Mukhang hindi ka naman naghahanda ." naka-pout na sabi ni Trix .

Ang cute nya sa puting damit nya . Ang pag-pout naman nya ay parang pagbabalik nya sa pagkabata na hindi ko naman inaasahan . Pero ang pinagtataka ko'y ano bang nangyayari ? At ano bang meron sa dalawang ito ?

Matagal akong naghintay na matapos sa pag-uusap ang dalawa . Napagod naman si Trix at agad natulog habang nasa kandungan sya nang Arkanghel . Naiiling na binuhat ito ni Gabriel at inilagay sa kama ang himbing na himbing na si Trix .

"Wag kang mag-alala , epekto lang ito ng matagal-tagal nyang pagkakatulog ." sabi ni Gabriel sabay upo sa upuang nasa tabi ng kama ni Trix , habang ako naman ay naka-upo sa kabilang bahagi nito .

"Paano ako hindi mag-aalala kung naghahamon na ang mga taga-Underworld ng laban samantalang sya ay nagkakaganito ? Ano bang meron sa inyong dalawa ?!" hindi ko napigilan ang pagka-inis ko .

"Wag mo sabihing nagseselos ka ?" seryosong tanong nito .

Natahimik ako sa sinabi nya . May gusto ako sa kanya pero wala pa rin naman akong karapatang magselos dahil sa .. Hindi ko pag-aari ang puso ni Trix , nananatili pa rin ito kay Mantus .

"I can define the relationship between us as Childhood Sweethearts , kaya pwede ka pang magdiwang pero ang pangako at kasunduan sa pagitan naming dalawa ay mas matibay kumpara sa ginawang kasunduan ng kanyang ina ." tumayo ito at ikinumpas ang kanyang kamay . Lumabas doon si Ariel , na tila nagulat pa ng makita ako sa loob ng silid . "But if she didn't choose being an immortal nor being my wife in the end , neither Penelope's and Labyrinth's betrothal promises will be granted ." inayos nya ang damit at buhok ni Trix nang buong ingat . "Hindi man nya ako piliin , hindi ako maghihiganti o ano man , dahil mamahalin ko pa rin si Labyrinth maging akin man sya o hindi ." dagdag ni Gabriel .

"Anong tinutukoy mong betrothal na gawa ni Penelope ?" nagtatakang tanong ko .

"Don't play dumb . Dahil mula sa pinakasimula pa ay alam ko na ang nangyari sa inyo ni Penelope , alam ko din na dinala nya sa kanyang kosensya ang nangyaring trahedya sa iyo . Ang ginawa nyang pakikipagkasundo kay Apollyon kapalit ng betrothal sa mga anak nila kapalit nang muli mong pagkabuhay . And I know the fact behind their agreement . At alam kong kayo ni Labyrinth ay ang pinaka main content nun . At alam kong alam mo yun !" galit pero kalmado nyang paliwanag .

Natahimik ako , ginawa iyon ni Penelope ? Dahil sinisisi nya ng mahabang panahon ang sarili nya sa pag-aakalang namatay ako nung panahong iyon ?

Naikuyom ko ang aking kamao . 'Kung ang lahat ng iyon ay dahil sa konsensya na gumulo kay Penelope , hindi pala ako deserving kay Trix .'

"Pasensya na pero ipinagkasundo man ni Penelope kami ni Trix sa isang kasal , hindi ko iyon iko-consider lalo na at hindi ko kailanman magiging pag-aari ang puso ni Trix ." sabi ko habang pinipigil ang sakit ng dibdib ko sa nalaman . 'Maging akin ka man o hindi , hindi ako titigil na mahalin at protektahan ka .'

- - - - -

Gabriel's Point of View

Masakit alam ko , masakit na malaman mong wala ka talagang pag-asa sa puso ng iyong sinisinta . Ramdam ko din iyon Valkyrie .

Oras na ang nakakaraan ng biglang umalis si Valkyrie . At naka-usap ko na din si Penelope ukol sa lalaking iyon .

FLASHBACK ..

"Bakit hindi mo sinabi sa kanya ang katotohanan ?" tanong ko kay Penelope .

"Hindi nya iyon magugustuhan , at natatakot ako na baka ano ang gawin nya kay Beatrix pag nalaman nya ang bagay na iyon ." sabi ni Penelope .

"Sana sinabi mo na iyon sa kanya , tutal matatapos na din ang lahat ." malamig kong sabi .

"Alam ko ." matipid na sagot ni Penelope .

"Don't get me wrong Penelope , pero sinabi ko iyon sa kanya hindi dahil sa gusto ko masolo si Labyrinth , sinabi ko iyon dahil hindi tama ang mabuhay sya sa maling akala . Deserve nyang malaman ang totoo ." paliwanag ko kay Penelope .

"Naiintindihan ko . Masyadong nagulo ang lahat dahil din sa kagagawan ko . Pasensya na at ikaw pa ang nag-abalang magsabi sa kanya ." apologetic na sabi ni Penelope .

"Kaibigan kita Penelope at mali sa isang anghel na katulad mo na magsinungaling . Tinulungan lang kita ." sabi ko .

"Salamat Gabriel ." nakangiting sabi ni Penelope .

"Walang anuman ." sagot ko .

END OF FLASHBACK ..

"Anong balak nyo sa nalalapit na labanan ?" tanong ni Ariel .

"Mas magandang si Miguel na muna ang tanungin mo ukol dyan , dahil utos lang naman nya ang kadalasa'y sinusunod natin ." sagot ko dito .

"A-arkanghel Gabriel ?" napatingin ako sa may pinto at nakita ko ang kapatid ni Labyrinth .

"Fritz , bakit nandito ka ?" tanong ko dito .

"Gusto ko sanang itanong kung anong maitutulong ko sa laban ?" tanong ni Fritz .

"Hindi mo kailangang tumulong kung nagdadalawang-isip ka dahil sa iyong katipan . Pakatandaan mo lamang na , alamin mo muna ang tama sa mali at kung paano mareresolba iyon ." paliwanag ko sa kanya . "Okay ?"

"Uhmm . Naiintindihan ko . Ako na muna ang bahala sa kapatid ko  baka hinahanap na kayo sa Itaas ." alok ni Fritz .

"Mas makakabuti nga kung bumalik na muna ako , babalik din ako agad pag may balita na . Sabihan mo din ako kung ano na ang kalagayan ni Labyrinth ." bilin ko .

Tumango lamang si Fritz saka umupo sa upuang nasa tabi ng higaan ni Labyrinth . Saka naman ako lumipad pa-Itaas para dumalo sa meeting ng mga Arkanghel .

A.N : Haba ng Hair ni Trix wushuuu !!

The Final Battle (The Guardians #4) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now