Chapter 77 : Mary Louiella Ace

4 0 0
                                    

Trix's Point of View

I already saw Luther's fondness kay Valkyrie . The moment he gave my baby boy to me , nakita ko kay Luther ang paghahabol nya rito .

Luther , hmm , well I can say , kamukha ko sya . With silver hair and blue eyes . Nose and lips from Mantus . At ang hindi ko malilimutan , ang ngiti nya na nagpapabalik sa akin sa katotohanang , alaala na lamang ito ni Mantus sa akin .

Hindi ko kayang isipin na Gabriel took my Louiella away from me . Kunsabagay , kung susumahin silang kambal ang maaaring maging ang susunod na Keys . Pero paano ang magiging anak nila Mania kung sakali ?

"Ang lalim ng iniisip mo ah ." Puna ni Gabriel sa akin habang nagpapatiuna sa paglipad papunta sa Heaven's Gate .

Oo , sumama ako sa kanya upang makita ang bagong silang kong anak na babae . Di ko alam paano ako nanganak pero , wala na akong pakialam sa bagay na iyon . Basta , ang alam ko , gusto kong makita ang isa pang anghel ng buhay namin ni Mantus . Si Mary Louiella Ace .

Marahil , nagtataka kayo (readers) kung bakit hindi last name ni Mantus ang ginamit ko .

Well , ito ang sagot ko .

Walang last name sina Apollyon , Mania at Mantus . Dahil ang tatak ng kanilang family connection ay ang simbolong nasa katawan nila . At meron si Luther nun .

- - - - - -

Ilang sandali pa'y nakarating na kami sa harapan ng Heaven's Gate . Isa itong malaking pintuan na kulay ginto , ang loob ay napakaliwanag . Binabantayan ito ng dalawang anghel na kung ihahambing sa mga tao'y bouncer sila sa mga bar .

Binuksan nila ito pagkakita sa amin ni Gabriel . Walang anu-ano'y hinawakan ni Gabriel ang aking kamay.  Napatingin ako doon kasunod sa mukha ng arkanghel na matagal ko na talagang crush . Bata pa lamang ako ng may gawin akong kabaliwan .

Ikinasal ko ang aking sarili kay Gabriel at binigyan ito ng singsing mula sa suot kong bestida noon. Alam kong , sineryoso ito ni Gabriel . Alam kong hanggang ngayon , naghihintay pa rin sya na maganap na ang kasalang noo'y pinasimuno ko .

"Anong balak mo pagkatapos nito ?" Biglang tanong nito sa akin .

Tumingin ako ng diretso , lahat ng mga anghel na nasa harapa'y isa-isang yumuyukod sa amin . Sa amin nga ba ? O kay Gabriel lamang ?

"Wag kang mag-alala . Kilala ka nila ." Anito na para bang nabasa ang aking isipan .

Hindi ako sumagot . Ayokong sumagot . Kakausapin ko lamang sya pag nakita ko na si Louiella na buhay at ligtas .

Malapit na kami sa isang malaking parang bahay kung maituturing . May malawak na sahig na naka-tiles . May mga kurtinang nakasabit at nagbibigay ng kahit onting privacy mula sa nilalang na nasa loob . At mga upuan at estanteng mga aklat at lamesa na naka-ayos sa buong lugar .

Bigla nya akong hinila at niyakap ng mahigpit . Wala akong nagawa kundi damhin na lamang ang mainit nyang yakap na katunayan , kailangan ko talaga lalo na at madami nang nangyari sa aking buhay .

Namatay si Papa at Mantus , pinagtrayduran ng isang kaibigan , nadukot ng isang lalaki at nanganak ng kambal na pinaghiwalay din . Kailangan ko ang yakap na ito upang mapanatag na ng tuluyan ang aking kalooban .

"Sorry kung hindi ko hinayaang mayakap mo man lang si Louiella . Natatakot kasi ako na baka pag may nangyari sa kanila lalo at pag nadamay sila sa digmaan , mawala ka na sa akin ng tuluyan . Sorry kung naging madamot ako.  Sorry kung nasaktan kita ." Litanya nito habang yakap pa rin ako .

"Wala naman akong magagawa Gabriel . Lalo na ngayong wala naman akong maaasahang umagapay sakin dahil sa kamatayan ni Mantus eh.  Nagpapasalamat pa rin ako kasi nandyan kayo nila Valkyrie . Salamat ."

"Pakasalan mo ako Labyrinth ."

Humiwalay ako sa pagkakayakap nito pero hinapit nya ang aking bewang . Nanlaki ang mga mata ko ng halikan nya ako sa aking labi . Pero ang halikang iyon ay di nagtagal ng hindi ako gumanti .

"Maghihintay ako , maghihintay ako ." Sabi nito sabay akay sakin papunta sa loob .

Agad kong nakita ang isang anghel na nakikipaglaro sa sanggol na aking sadya . Lumapit ako at doon ko lang napagtanto kung sino ang anghel na nakikipaglaro sa sanggol . "Ariel ?"

Agad kong kinuha si Louiella . Kapansin-pansin ang pagkakahawig nito sa akin maliban sa kanyang itim na buhok . Ang marka ay agad na makikita sa kanyang palad na maliit . "Lady Trix . P-pasensya na ."

"Baby Louiella . Kamusta ka na ?" Sadyang di ko pinansin si Ariel at nilaro laro ang batang Louiella.  Ganun na lamang ang kagalakan ko ng makita ang pagbungingis nito sa akin .

Tumingin ako kay Gabriel na may luha ang mga mata . "Salamat ."

"Si Ariel ang pasalamatan mo . Nang makita nya si Louiella , agad syang nag-volunteer na magbantay sa kanya ."

Nag-iba ang timpla ko ng banggitin ni Gabriel ang pangalan ni Ariel . Tumingin ako sa kanya . Nag-aalangan syang sumalubong sa aking mga titig . "Salamat ." Plain kong sabi .

"W-wala yun ."

"Ayokong maging bastos . Pero pwede bang iwanan mo muna kami ng anak namin ni Mantus ?" Sabi ko sabay pagdidiin sa pangalan ng yumaong ama ni Luther at Louiella .

May sasabihin pa sana si Ariel ng iginiya na sya ni Gabriel palabas ng silid . Sinundan ko sila ng tingin . Pero bago pa sila makalabas ng tuluyan , umupo na ako at saka nilaro ang aking anak na babae .

"Mantus ? Alam kong andyan ka lang . Andito si Louiella oh . Ang Mary Louiella natin . Ang ganda nya . Ang ganda nya , lalo na at ang buhok nya na nakuha nyamula sayo . Wala akong masabi sa mga iniwan mong alaala . These gifts are priceless ." Pagka-usap ko sa aking sarili habang hawak ni Louiella ang aking hintuturo sabay bungisngis .

"Sinong maganda ? Sino ba yang baby na maganda ? Ikaw yun . Si Mary Louiella Ace ." Paglalaro ko sa abatang bungingis .

Muli , may nawala man sa akin , nadagdagan ito at sobra pa ang ibinalik . Nawala man si Mantus , nagkaroon naman sko ng Louiella at Luther .

At ngayon , oras naman na ako naman ang tumapos ng gulong ito . Para sa kinabukasan ng mga anak ko .

A.N : Nanay talaga .

The Final Battle (The Guardians #4) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now